Chapter 35 Never Let Go

5.4K 428 137
                                    

"Talking about the past will rub salt more on heartbroken people, so it is pretty challenging to express the pain we experience during a heartache. So instead of talking about it, we'd somewhat relate to movies, songs, and quotes."


Kate POV


Parang ako 'din ay kinakabahan habang pinapanood sa iPad ang video footage ng pag-rescue nina Azalea, Vanessa at Theo sa akin ng gabing iyon. Sa body cam ni Azalea ito galing base sa mga nakikita ko. Tsaka may nakalagay na pangalan sa bandang itaas. 'Yong code niya.

"Clear."  Ilang beses ko itong narinig mula sa kanilang tatlo bago muling naglakad ang mga ito.

'Yong anticipation ko mas lalong tumataas. Tumigil sila sa tapat ng isang saradong pinto. Nakita kong pinihit iyon ni Vanessa at makahulugang tumingin sa mga kasama saka napailing-iling. Hanggang sa sinipa nila ang pinto kaya bumukas ito.

"Hands at the back of your head!"

Parang may narinig akong nagsabi no'n sa matandang nasa kama. Narinig ko pa ang pagmumura ni Theo. Napatakip ako sa aking bibig ng makita ang aking itsura noong wala na akong malay. Hindi ko na kaya pa itong makita.

"Arrghh!" Ibinato ko ang iPad na hawak, tumama ito sa pader bago nahulog sa sahig at nabasag.

"What the hell?!" Bulalas ni Azalea. Sa kanya yata 'yon.

"So iyon ang ipinunta niyo dito ang ipakita sa akin 'yan?!" Biglang uminit ang ulo ko. "What good it does to me?"

Nagkatinginan silang tatlo. Tila nagtuturuan kung sino ang sasagot. Maya-maya ay napabuntong-hininga si Vanessa saka naupo sa tabi ko, sa gilid ng kama paharap sa akin.

"Babe," Panimula niya. "I never said it to anyone... out loud, especially to not-so-friend yet?" Patanong niyang bigkas. "Don't get me wrong, we have the same vibe... but -" She paused. "Do you understand what I'm trying to say?" Tanong niya na tila nahihirapang mag-explain.

"No." Sabay napailing-iling na sagot ko. Saka naguguluhang napatingin sa kanya.

Huminga ulit siya ng malalim. "I was raped by my own father."

Napasinghap ako sa sinabi niya. "What the actual fuck?" Mahina at hindi makapaniwalang bigkas ko. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya.

Napatango-tango siya. "Bullshit, right?" May mapait siyang ngisi sa labi. "Adoptive father actually. Pero itinuring ko talaga siyang parang tunay na ama. Because my real father was killed by the adoptive father of my sister." Bahagyang napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. "Anyways, let's not focus on that." Bawi niya agad.

Alam ko na ang kapatid niya ay ang asawa ni Theodore... si Celeste.

"Is Celeste also a rape victim too?" Lakas-loob kong tanong.

"No." Mabilis niyang sagot. "I will bring hell on earth if it ever happened to her."

"I'm sorry to hear that." Hinawakan ko ang kamay niya.

I know, malala ang pinagdaanan ko, pero mas malala ang sa kanya. Pero may pagkakahawig kami ng story ni Vanessa, fucked up father issues. Argh! Naalala ko na naman si daddy, hindi ko talaga siya mapapatawad.

"I was raped for years." Pagpapatuloy niya. "Until Theo saved me."

"Yes, I did." Napatango-tangong segunda ni Theo. "Do you want to hear the gruesome story behind that?"

Mabilis akong napailing-iling. "Fuck, no!" Mariing tanggi ko.

"So Kate, be thankful to Azalea. She saved you." Sabi ni Vanessa.

Virgin at 30Where stories live. Discover now