Chapter 31 Darkest Hours

5.1K 373 184
                                    

"Just let me keep a piece of my heart before you tear it all apart."


Kate POV


"Anong oras ka uuwi?"

Matamlay na tanong ni Winter habang chini-check ko ang purse kung nadala ko ba lahat, kasama na ang tracking device na ibinigay sa akin ni Vanessa.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa gilid ng kama. She's all set to sleep. Ang aga pa pero nakahiga na siya. Sad daw kasi siya dahil aalis ako.

"Hon, I'm home before you know it." Pagpapanatag ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. "What should I do to keep you here instead?"

Natawa ako ng marahan. "Don't worry, sayo pa rin ako uuwi." May halong birong sabi ko.

Napalabi siya.

"Come here." Sabay mosyong lumapit siya sa akin na agad naman niyang ginawa.

Lihim akong napabuntong-hininga habang yakap ko siya.

"Huwag ka na sad, last book ko na naman 'to e." Alo ko saka siya hinalikan sa sentido. "And after this, magbakasyon ulit tayo, kahit saan mo gusto pumunta."

Bahagya siyang lumayo sa akin saka tumingala. "I'm missing you already."

Napangiti ako saka siya dinampian ng halik sa labi. "Ilang oras lang naman akong mawawala." Hinawakan ko ang kanyang pisngi.

"Okay." Parang pilit niyang pagpayag. "Call me when you get there, please."

"I will, hon." Saka siya ulit dinampian ng halik sa labi. "Sige na, matulog ka na lang muna and then paggising mo nasa tabi mo na ulit ako."

"I love you." Bigkas niya.

"I love you too." Hinalikan ko muna siya sa noo bago tumayo mula sa kinauupuan, sa gilid ng kama. "I have to go, hon." Napatingin ako sa suot na relo. Ayokong nale-late sa trabaho.

"Take care." Sabi niya ng nasa pinto na ako.

I blew her a kiss before I walked out of the door. Nagpaalam na rin ako kina tita na abalang nanonood sa sala, kasama si Calvin.

"Mag-ingat ka, anak." Sabi nila sa akin.

"Sana may dala kang pepper spray." Concerned namang sabi ni tita Jo.

Napangiti ako sa concern na ipinapakita at ipinapadama nila sa akin. Nakakataba ng puso. "Don't worry, tita. I can protect myself." Sagot ko.

Sumakay na ako sa kotse ko at nagtungo sa meeting place namin ng date ko. Hindi ko kabisado 'yong lugar kaya ginamit ko ang navigator ng kotse. Naka-on na rin ang tracking device... just in case.

Nang dumating ako sa lugar ay nakita ko agad ang babaeng parang naiinip ng naghihintay habang panay ang tingin sa suot na relo.

Bumaba ako ng sasakyan at lumapit dito. "Claudia?" Bigkas ko.

She's wearing a gold elegant long gown. She's much prettier in person. "You must be Katherine?" Hindi siguradong sambit niya.

Napangiti ako dito. "Yes, I am her." Sagot ko. "Let's go?"

Halos sabay kaming pumasok sa loob ng kotse. Lihim akong napapasulyap sa kanya habang nagmamaneho patungo sa paggaganapan ng party. Iniisip ko kasi kung bakit siya special sa daddy ko. Mas bata nga rin siya tignan sa personal kumpara sa larawang ipinasa niya kay Malqui.

Marami ng tao sa venue ng dumating kami. Ipinakita niya sa entrance ang dalang invitation bago kami pinapasok sa loob.

"Sa washroom lang muna ako." Paalam niya ng makapasok kami sa loob at madala ng mga usherettes sa reserved na table for two.

Virgin at 30Where stories live. Discover now