Chapter 27 Good Player

5.5K 386 120
                                    

"I love you and that's the beginning and end of everything."


Winter POV


"How was your sleep?" Malambing na tanong ni Kate sa akin ng mapansing panay ang paghikab ko sa kinauupuan.

Kasalukuyan kami ngayong on the way sa clinic. Idadaan muna niya ako doon bago papasok sa kanyang trabaho.

"You're a monster, and I hate you for that." Sabay irap dito.

Natawa siya ng nakakaloko. "A beautiful monster, hon." Nakangising tugon niya. "A gorgeous one, right?"

Napapailing na lang ako sa kanya. Ngunit agad ding nagbaling sa kanya ng may maalala.

"By the way, hon." Bigkas ko. "Paalala ko lang ha? Kailangan nating pumunta bukas sa DSWD para doon sa application natin to adopt Calvin and his sister."

"Yes, ma'am!" Masiglang tugon niya.

Bahagya akong napakunot-noo tsaka natawa ng marahan pagkatapos. Iba kasi ang sigla niya ngayong umaga. I mean, masigla naman siya palagi but not this high.

"Naka-energy drink ka ba, hon?" Nakangiting tukso ko sa kanya.

"Hindi drink." Muling napatirik ang mga mata ko sa isinagot niya. Parang alam ko na kung ano ang isusunod niya. "Sex, hon. Sex." Pagbibigay emphasized pa niya.

See? Ang bastos-bastos pa rin po ng kanyang bunganga. Haist. Bagay silang magsama-sama nina tita at ni Sally! Diyos ko! Maloloka ako!

Hindi na lang ako kumibo sa buong biyahe. Mas lalo akong mawawalan ng energy sa mga isinasagot niya sa akin. Paano? Kinuha na niya yata lahat!

Siya ang unang bumaba ng sasakyan ng makarating kami sa harap ng clinic. Pinagbuksan niya ako at inalalayang makababa. Sinamahan ko siyang kunin sa likod na compartment ng sasakyan ang mga pasalubong namin sa mga kasama ko sa clinic.

Sinalubong kami ng tili ni Sally ng pumasok kami sa loob ng clinic. Buti na lang at maaga pa, wala pang customers. May pangalan na naman ang bawat paperbags. Ginawa ko ito kagabi para mas madali na lang ibigay sa kanila.

"Mayro'n ba 'yong ano?" Tanong ni Sally kay Kate.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa kaya clueless akong nakamasid sa kanila habang nag-uusap. Abala naman sina Wilbert at Karen sa pagsipat sa mga laman ng kani-kanilang pasalubong.

"Alam mo na, 'magka-size' kayo ng boyfriend ko." Makahulugan at pilya nitong sagot. Napaka-green!

Natawa si Kate. "Ay oo, nandiyan yata sa loob." Tugon naman niya.

"Kaya click tayo, nakukuha mo agad e!" Natutuwang bulalas ni Sally.

Napapa-iling iling na lang ako nang masaya silang nag-apir na dalawa. Sila na daw ang bagong bff. Haist.

"Hon, alis na ako." Paalam ni Kate sa akin ng lumapit siya sa kinatatayuan ko.

Ibinaba ko muna sa ibabaw ng coffee table ang dalang handbag para ihatid siya sa labas. Nagpaalam na siya sa mga kasama ko. Muli namang nagpasalamat ang mga ito sa kanya.

"Hon, 'yong sinabi ko sayo ha?" Muling paalala ko sa kanya. Baka kasi makalimutan na naman niya. May maipa-sched na naman siya kay Malqui na gagawin. "'Yong pagpunta natin -"

"Sa DSWD bukas. Yeah, yeah, hon. I heard you." Tsaka napa-eye roll na putol niya sa sinasabi ko. "Hindi mo naman kailangang ipaalala palagi sa akin."

"E paano palagi mong nakakalimutan." Napalabi ako.

Virgin at 30Where stories live. Discover now