Chapter 7 Willing to Wait?

8.5K 606 324
                                    

"The greatest relationships are the ones you never expected to be in."


Kate POV


Five days earlier...

Hingal na hingal na tumigil ako sa ginagawa, pawisan din ang aking noo maging ang dibdib at braso. Habol ang hininga ng tuluyan na akong tumigil. Dinampot ko ang tubig sa gilid ng Lat Pull Down machine ng matapos ako sa pag-eehersisyo at uminom.

Tumayo na ako mula dito at naglakad palabas ng mini gym. Abala akong nagpupunas ng pawis sa noo ng pumasok ako sa loob ng kusina. Gumawa ako ng fresh lemon juice bago umakyat sa itaas, sa kuwarto para makaligo at makapaghanda sa pagpasok sa trabaho.

Pansamantalang inilapag ko muna sa ibabaw ng coffee table ang hawak na juice para magtanggal ng suot. At nang matapos ay hubo't hubad na akong pumasok sa loob ng bathroom, hawak sa isang kamay ang lemon juice, and gracefully stepped inside the bathtub.

Inilapag ko sa tabi ko ang juice at ipinikit ang mata. Hinayaan kong mag-relax ang katawan sa ilalim ng tubig.

"Alexa, check my email." May kalakasang sabi ko habang nakapikit.

"Upon checking your email, you have forty-seven new and unread messages for the last twenty-four hours." Si Alexa ay isang ASR technology. Isa sa mga convenience sa technology nowadays. She can do most of the tasks. "Twenty of these are marked important."

Sinabi din nito na ang iba ay galing kay daddy na ikina-eye roll ko. For sure, kinukulit na naman ako nito tungkol sa booking.

"Some of your emails are from Malqui."

"Alexa, read my emails from Malqui." 

Nakapikit ako habang nakikinig sa sinasabi ni Alexa tungkol sa mga emails na ipinadala sa akin ni Malqui. Most of it actually ay tungkol sa booking at schedules ng meeting.

"Stop." Agad akong nagmulat ng mga mata ng may umagaw sa aking atensyon.

Wala pa yatang five minutes ang pagbababad ko pero umalis na ako sa bathtub at tinungo ang shower room. Mabilis lang akong naligo tsaka naghanda na sa pagpasok sa opisina.

"Good morning, Miss Kate." 

Bati ng mga empleyadong nadadaanan ko habang naglalakad ako patungo sa aking opisina nang makapasok sa loob ng building ng Zion Secret Service. Karamihan sa mga ito ay babae. Kung may empleyado mang lalake ang kompanya, ay either security guard ito o ang messenger o utility. Well, pwera sa mga 'male employees' na available for booking.

"Malqui." Bigkas ko ng madaanan ko ito sa kanyang mesa. Abala pa nga ito habang may kausap sa telepono. "In my office, now." Utos ko habang tuloy-tuloy lang na naglalakad patungo sa opisina.

Puro glass ang wall ng opisina ko kaya kita dito sa loob at labas. I took a sit behind the rich wood table. May nakalagay sa ibabaw nitong pangalan at position. Katherine Marie Seinfeld, Chief Executive Officer. Si daddy ang Chairperson at proud owner nitong first class secret service company.

"Ma'am." Bigkas ni Malqui ng pumasok ito sa loob ng opisina.

Napatitig ako dito. Hindi uso dito ang walang ganda. Hindi rin uso dito ang hindi sexy. Hindi rin uso dito ang pwede na. This is a first class secret service company kaya dapat lang na hindi lang standard looking ang mga empleyado. May pinapangalagaan kaming reputasyon.

"About the email of a certain client named Winterfell Deogracia," Panimula ko. "Can you give me further details about it?"

Binasa na sa akin ni Alexa kanina ang content ng email ni Malqui, pero hindi ang content ng email mismo ni Winterfell Deogracia. May kung ano kasi sa email nito ang kumuha sa atensyon ko. 'Yong salitang, 'order'?

Virgin at 30Onde as histórias ganham vida. Descobre agora