Chapter 4 Katherine

9.1K 632 252
                                    

"It wasn't love at first sight exactly, but it was familiarity. Something like oh, hello, it's you. It's going to be you."


Winter POV


"H-hi." Hindi ko naitago ang kaba sa dibdib ko ng lumapit ako sa babaeng makaka-date ko at magpapanggap na girlfriend ko for a week. Kaya naman lihim kong pinagalitan ang sarili dahil do'n.

"Hi." Masiglang bati niya. Full of confidence.

Ang tangkad niya. Sa height kong 5'5 umabot lang yata ako sa tapat ng kanyang labi.

"I don't think we're formally introduced." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya. "I'm Winterfell."

Napaangat ang gilid ng kanyang labi ng marinig ang pangalan ko. "Katherine." Sabay tinanggap ang kamay ko. "Hey, are you nervous?" May bahagyang pagtawang tanong niya ng magdaop ang aming mga palad. "Your hand is so cold."

"Y-yeah." Sagot ko pero agad ding nagbawi sabay ipinilig ang ulo. "No, I mean, I'm not nervous. Medyo malamig lang kasi dito sa loob ng eroplano." Dahilan ko.

"Shall we take a seat?" Cordial niyang tanong bago naupo sa kanyang pwesto.

Hawak ko pa pala ang kamay niya kaya napangiti ako ng tipid na binatawan ko na ito bago naupo sa kaharap niyang upuan. Hindi ko maalis-alis ang tingin ko sa kanya. Her eyes, nose, mouth, cheeks, and jaw just look perfectly relative to each other. Hindi naging exaggerated si Neil ng sinabi niyang para itong isang modelo na ginunting mula sa isang magazine.

Ngumiti siya sa akin ng mapansing nakatitig ako sa kanya... mas akma ang salitang, nakatulala sa kanya. Even her smile is so beautiful.

Maya-maya lamang ay nilapitan ako ng isang flight attendant at sinabing kung pwede ay umayos na ako ng upo dahil magte-take off na ang eroplano. Napilitan akong umayos ng upo. Napasandal ako sa kinauupuan at napapikit. Lihim din akong napabuga ng hininga. Hindi pa rin makapaniwalang ito ang makakasama ko sa buong linggo.

Nasa ere na kami ng biglang tumunog ang cellphone ko. Incoming video call ni tita Mau. Parang natatarantang sinagot ko ito.

"O, anak kumusta ka na diyan?" Tanong ni tita Mau, nasa tabi niya ang dalawa ko pang tita.

"Ayos lang naman po, tita." Tugon ko. "Actually, nag-take off na po kanina pa ang eroplanong kinasasakyan ko."

"E nasa'n na ang ka-date mo?" Tanong ni tita Che. "Gusto naming makita."

"Patingin kami, anak!" Si tita Jo.

"Tita -"

"Hi po!"

Nagulat ako ng biglang bumungad ang magandang mukha ni Katherine sa screen ng phone ko. Mabilis akong nagbaling ng tingin sa kanya pero ginawaran lang niya ako ng malawak na ngiti.

"Ay ang ganda-ganda namang bata!" Halos sabay-sabay na bulalas ng mga tita ko.

"Anak, sana nagbaon ka ng extrang panty mo!"

Hindi ko na alam kung sino sa kanila ang nagsabi no'n sa akin. Dahil sa sobrang pula ng mga pisngi ko ay mabilis kong inilayo ang phone kay Katherine.

"Uh, pwede ho bang mamaya na po ako tatawag pagdating na lang namin sa Palawan." Paalam ko sa kanila bago pinatay ang tawag.

Nakapikit na napahawak ako sa dibdib ng ma-off ko ang tawag.

"Ang ku-cute naman ng mga tita mo." Narinig kong komento ni Katherine. "Mukhang hindi sila mahirap makasundo."

Napalingon ako sa kanya. May mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Ano na nga ulit 'yong huli nilang sinabi?" May mapanuksong ngiti sa kanyang mga mata.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon