Chapter 25 Embrace Me

6.1K 440 187
                                    

"I love you not only for what you are but for what I am when I am with you. I love you not only for what you have made of yourself but for what you are making of me. I love you for the part of me that you bring out."


Kate POV


"I want you to meet our top investor." Saad ni tito Albert.

Nagbaling ako ng tingin sa kaharap ngunit para lang matigilan. Ang ngising nasa labi ko kanina ay mabilis na nabura.

"Mr. Ramon Dyson." Sabay mosyon sa lalaking katabi. "Mr. Dyson, this is my daughter Winterfell," Mosyon niya kay Winter na nakangiti ng tipid dito. "... and her girlfriend, Kate."

Muntik na akong takasan ng dugo ng magtama ang mga mata namin ni Ramon. May ngisi sa kanyang mga labi na kay sarap burahin ng mga oras na iyon.

"Nice to meet you, Winterfell." Hinalikan ni Ramon ang likod ng kamay ni Winter.

"Nice to meet you too, Mr. Dyson." Tugon ni Winter na hindi halata ang naging reaksyon ko.

"Kate." Saka ito nagbaling ng tingin sa akin at ang siste, hinalikan ako sa pisngi. "Lovely as always." Bulong niya sa akin.

Napalunok ako. Pero pinilit ko pa ring ngumiti dito. "Ramon." Bigkas ko. Hindi ako magpapatalo dito.

Napakunot-noo si tito Albert. "Do you know each other?"

Napangisi si Ramon. "Yes." Pero sa akin nakatingin. "We know each other personally." Dagdag niya saka makahulugang tumitig sa akin. "Right, Kate?" Hindi ko gusto ang ngisi niyang iyon.

"He's my father's friend. That's all." May emphasis ang huling dalawang katagang binigkas ko.

"Hmm." Napatango-tango si tito Albert. "What a small world?" Komento niya.

"Indeed." Sagot ni Ramon na may makahulugang ngiti sa labi. Hindi nakaligtas sa akin ng pasadahan niya ako ng tingin at may approving look sa kanyang mga mata pagkatapos.

Buti na lang at tinawag na si tito Albert ng kanyang secretary, inaya na nito si Ramon. Makahulugan pa muna itong tumingin sa akin bago umalis ng tuluyan.

Agad akong napabuga ng hininga ng wala na ito. Naramdaman ko ang paghawak ni Winter sa braso ko.

"Okay ka lang?" May pag-aalalang tanong niya ng napatingin ako sa kanya.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, hon."

Napatitig siya ng mataman sa akin. "Are you sure?" Worried niyang paniniguro.

"Yes, hon." Tumango ako sa kanya. "Besides, this is your night. Do't worry about me."

Ngumiti na siya sa akin. "Iba kasi ang tingin sayo no'ng lalaking 'yon e."

Bahagya akong nakaramdam ng kaba pero pinagtakpan ko ito ng marahang tawa. "Gano'n ka hot ang girlfriend mo kaya kung pwede mahalin mo na ako kung hindi maraming aagaw sa akin sayo." Biro ko.

Natawa na rin siya ng marahan saka napailing-iling. "Well, sorry na lang sila." Sakay naman niya sa biro ko.

Nilapitan kami ng event coordinator at dinala sa aming designated table. Malapit ito sa stage. Kasama namin sa lamesa sina Candice at Lorena. Panay ang irap ni Lorena kay Winter. Hindi naman siguro ito gagawa ng gulo na ikakasira ng kanyang pangalan. Pero kung ako si tito Albert, hindi ako magpapakampante. Iba ang takbo ng utak ng mag-inang ito.

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang programa. Nagsimula ito sa mga preliminaries bago nagsalita ang daddy ni Winter. Pagkatapos ng ilang BS ay inihayag na nito sa madla kung sino ang bagong hahawak ng Deogracia Pharma Company. Ito ang cue ni Winter para tumayo mula sa kinauupuan at magtungo sa stage para samahan ang ama.

Virgin at 30Where stories live. Discover now