"Inimpluwensyahan ako ng kaibigan ko noon." wika nya na napatulala sa akin.

"Sinong kaibigan?"

"Secret, dati pa yun. Elementary palang"

I nodded. So he's loveable with his friend, huh? Sa pyhsical appereance nya ay parang hindi mo mababagay sa mga kpop.

"So, treasure stan ka nga?" Binalikan ko ang tanong. Nanahimik narin ako, dahil masyado na akong madaldal.

"Hindi ko alam yun! Ahmm...Twice!"

Nanlaki ang mata kong binalingan sya. "Twice!" sabay turo ko sa kanya na nagagalak, dahil parehas kami ng gusto."Sino bias mo?" Naningkit ang mata ko, dahil uupakan na sya kung hindi pa sya magseryoso.

"Si Jeongyeon"

Tumango-tango ako sa kanya. "Buti nalang, hindi si Nayeon" Pumamewang pa ako. Napatawa sya, kaya nakita ko kung gaano kaputi ang pantay nyang mga ngipin.

"Kamukha mo si momo"

"Really?" Nag-beautiful eyes pa ako.

"Hindi si Hirai. Kilala mo yung momo na games?" sabi nya sabay bulalas nya ng tawa.Parang kumidlat ang katawan ko at gusto na syang ibalibag. Kanina pa sya hah! Malaki ba mata ko ha?!

Ayoko na magsalita. Napipikon ako sa isang 'to. Napatingin ako nang diretso. Naniningkit pa ang mata ko kung sino yung naglalakad sa di- kalayuan na may dalang payong. Halos manlaki ang mata ko nang mapagtantong si Yorish iyon!

Nang makalapit na sya ay tumingin muna sya ng masama kay Karl, bago napatingin sa akin.

"Tara na, iuuwi na kita" sabi nya. Tinignan nya ang jacket sa uluhan ko.

"May kailangan ka ba kay Miss Treasurer?" Tanong ni Karl na parang naiinis, dahil nasira nya ang kwentuhan naming dalawa.

"Hinahanap na sya ng kuya nya. Bakit, close ba kayo ni Redgie?" Sabay baling nya ulit kay Karl. Parang ilang segundo ay magbabardagulan na naman sila kaya, lumapit na ako kay Yorish para masilungan ako.

"May ginawa ba sya sayo na hindi maganda?" Tanong nya sa akin.

"Wow, parang sinasabi mong hindi ako mapagkakatiwalaan ah!"

Nawalan na ng pasensya si Karl, pero bago pa nya magawang makipagbardagulan dito sa kapwa nya isda, ay humarap na ako kay Yorish. "Nag-usap lang kami, tara na"

Nagpasalamat ako at ibinigay na ang kanyang jacket. Tumango nalang sya sa akin, pero hindi nakakatakas ang masama nyang tingin sa isa pa naming kasama.

Nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa playground. Tahimik lang syang sumusunod sa'kin. Nakita ko sa may damuhan ang isang plastic na may lamang medicine ni mommy. Nabitawan ko nga kanina nung nalakasan ko mag-isway sa duyan.

Dinampot ko na iyon. Sa bawat galaw ko ay pinapayungan nya ako. Nalilimutan nya ring magsilong. Ambon nalang naman kaya ayos naring hindi nya ako payungan. Lumingon ako sa kanya, at nakita ko ang busangot sa mukha nya na parang batang ayaw kalaruin.

"What happened to your face" I asked him.

"Bakit kausap mo s'ya?" May bahid ng pagtatampo ang boses nya. Hindi pinansin ang tanong ko. "Atsaka ang pagkakaalam ko mataas ang pride nun, alam kong hindi pa sya nag-sosorry sayo" dagdag nya pa.

Wala akong maalala na nagsorry sya sa akin. Siguro, hindi pa nga. Kailangan ko na namang uminom ng gamot, dahil makakalimutin na naman ako.

Umiling ako. "Coincidence lang din kaming nagkita rito sa park. Saktong umulan" Paliwanag ko. Nangunot ang noo ko dahil bakit ba ako nagpapaliwanag rito.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now