Epilogue: A Moment in Time

Start from the beginning
                                    

"I mean... Naninipa ka naman dati di ba? Bagay naman."

Natawa kami ni Louisse at napailing na lang si Alec.

"Louisse!"

Napalingon kami at nakita sila Leone, Jecko, Ron at Ed na papalapit. Bago ako makapag-hi sa mga lalaki ay niyakap na ako ni Leone at binuhat.

"Congratulations!"

"Leone!" Saway agad sa kanya ni Louisse.

Natawa na lang ako dahil agad din naman akong binitawan ni Leone at tinulungang ayusin ang medyo nagusot kong toga.

"Sorry, I just got excited." Paumanhin ni Leone. Hinarap niya si Alec. "Congratulations din pala sayo."

"Salamat." Civil na sagot ni Alec. "Congratulations din sa inyo."

Pagkatapos ng paguusap naming lahat sa mansyon ay naging maayos na ang pakikitungo ni Alec kay Leone. Dahil sa kagustuhan kong mapanuod pa ang mga concert ni Leone at ng mommy niya ay naisasama ko din si Alec sa mga performances nilang naiimbitahan ako. Minsan napapaniwala na nila akong magkaibigan sila.

May nag-anunsyo na pwede na daw pumasok sa reception hall kaya't nagpaalam na kami sa kanila. Magkahiwalay kasi ang department nila Leone at sa guest seating naman si Louisse dahil hindi siya kasama sa aming makaka-graduate. Habang naglalakad kami papunta sa pila ng department namin ay hinawakan ni Alec ang kamay ko. Buti na lang at iisa lang kami ng kurso at magkasunod ang apelyido namin kaya't magkatabi kami ng upuan.

Matapos ang ilang minuto ay nagsimula na ang ceremony at wala na akong ibang maisip kundi ang mga nangyari sa nakaraang taon simula noong bumalik ako galing Amerika.

Hindi ko inakalang yung babaeng nang-terrorize sa akin sa mga naunang araw ko ay ang makakasama ko sa pagtatapos ko. Hindi ko akalaing magiging kaibigan ko sila Leone at ang banda niya. Hindi ko rin alam na kahit tahimik kong ineenjoy ang buhay ko ay may magtatangkang manakit sa akin dahil lang sa malapit ako kay Alec.

Napatingin ako sa babaeng nasa kanan ko at nginitian niya lang ako. Kahit sa hindi kaliwanagan ng pwesto namin ay kitang kita ko yung pagkatingkad ng kulay ube niyang mga mata.

"I've told you many times, it's rude to stare," bulong ni Alec at saka ako tiningnan para ngitian. Kitang kita ko yung pangil niya.

"Ikaw lang naman tinititigan ko."

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan muli ang kamao ko. "Ako lang talaga dapat. Aawayin ko yung ibang tititigan mo."

Kinurot ko siya sa braso. "Akala ko ba behave ka na?"

"Behave naman talaga ako ah?"

Natawa na lang kaming dalawa sa paguusap namin.

Summa cum laude si Alec at cum laude naman ako. Nakuha rin namin ni Alec ang best thesis award kaya katulad noong rehearsal, at some point ng ceremony ay tumayo na kami para pumila sa gilid ng stage. Normally ay tinatawag daw ang parents or guardians sa parteng ito para sabitan ang anak nila ng medalya. Pero sa kaso namin ni Alec, napagkasunduan naming ako ang magsasabit ng medal niya at siya ang magsasabit ng medal ko. Hindi pa nga sigurado noong una yung organizers kung pwede iyon pero dahil pareho lang naman kami ng award at magkasunod pa ang apelyido ay pinayagan na rin nila kami.

Nang tawagin ang pangalan ni Alec ay nagpalakpakan ang lahat. Sumama ako sa kanya sa stage at narinig ang bulungan ng mga tao sa nangyayari. Nag-focus ako na huwag magkamali dahil maraming nanunuod sa amin pero nang tawagin kasunod ang pangalan ko ay lalong lumakas ang bulungan nila habang isinusuot ni Alec ang medal ko.

"Once again, Alexandria Genesis Imperial, Summa Cum Laude, and Sophie Jaranilla, Cum Laude. Both are recipients of the Best Thesis Award!"

Sumabog ang hall sa palakpakan at nagsitayuan ang mga kasamahan naming graduates. Napatingin ako kay Alec pero nakangiti lang siya sa crowd, labas ang pangil at nagniningning ang violet eyes sa spotlight. Deserve niya 'to. At deserve ko din tumayo sa tabi niya.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now