Acknowledged Existence

Start from the beginning
                                    

"Really now? Why didn't you tell us, Sophie?" Intrigang tanong ni Mrs. Lucescu.

"Kagabi lang po," nahihiya kong sagot. May plano naman akong sabihan si Leone pero naunahan lang ako ni Alec.

"Congratulations!" Maligayang bati ni Mrs. Lucescu.

"Good. You're all here."

Napatingin sila Mrs. Lucescu at Leone sa likuran namin habang napatayo si Alec sa boses ng tatay niya kaya't agad ko siyang hinawakan sa braso.

"No need to stand up, Alexandria. Sit down." Utos ni Mr. Lucescu mula sa entrada ng dining room.

Hinila ko yung braso ni Alec. Tiningnan niya ako na parang nanghihingi ng permiso na magsimula ng gulo. Sinamaan ko siya ng tingin at naupo na din siya.

Nakasuot na ng navy blue suit si Mr. Lucescu na tila ready na pumasok sa trabaho. Malaki ang hakbang niya papunta sa head ng table kung saan siya naupo.

"Good morning po, sir." Bati ko sa kanya habang hinahawakan ng mahigpit ang nanginginig na kamay ni Alec.

"Good morning." Pormal ang bati ni Mr. Lucescu sa buong table.

Napansin kong seryoso ang tingin ni Mrs. Lucescu samantalang parang pagod at malungkot si Leone sa tabi niya. Kung ano mang pinagusapan nila kagabi ay hindi maganda.

"First things first, how are you feeling?" Direkta ang tanong ni Mr. Lucescu kay Alec.

"And when did you care?"

Pinisil ko yung kamay ni Alec para pagsabihan siyang mag-behave. "Okay na po siya."

"That's good. Did you two sleep well?"

"Yes po." Ako na ang sumagot para sa amin dahil galit na galit pa rin ang tingin ni Alec sa tatay niya.

"You're free to stay with us for as long as you need." Offer ni Mrs. Lucescu.

"Here or with me." Dagdag ni Mr. Lucescu.

Napatingin ako kay Mr. Lucescu. "With you po? Ha?"

"Alice and I are separating. I'm moving out. You two are welcome to join me at my house. It's smaller but it can accommodate all of us."

Straight lang ang pagkakasabi niya noon na para bang wala siyang pamilyang masisira. Kaya naman pala mukhang hindi okay si Leone.

"As if we'd go with you. I have my own house." Sagot ni Alec. "We don't need your help."

Nag-wave lang si Mr. Lucescu sa helper para masalinan ng kape yung cup niya.

"Alam kong sasabihin mo 'yan kaya may isa pa akong offer sa inyo."

Napatingin ako kila Leone at Mrs. Lucescu pero pareho lang din sila nakatingin at nakikinig kay Mr. Lucescu. Mukhang eto nga yung pinagusapan nila kagabi.

"Olympic Industries will undergo some restructuring when we announce our separation. I'm going to need some help." Panimula ni Mr. Lucescu. "Alexandria, I would appreciate it if you would come to your senses and apply your vast knowledge into something more productive. And Ms. Jaranilla, I've looked into your background and I know you have potential. Why don't you two come work with me and I'll teach you everything I know."

"As if." Agad na sagot ni Alec. "Ayan naman yung tunay mong anak. Bakit hindi siya ang habulin mo?"

"We all know Leone's talents lie elsewhere. I don't want to force her into a life she does not want nor can handle."

Mababa pala talaga ang tingin niya sa anak niya para sabihin na hindi kaya i-handle ni Leone ang pagpapatakbo ng business nila. Maaaring tama siya, pero meron naman sigurong way para sabihin iyon na hindi painsulto.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now