BTAP - CHAPTER 75

8.4K 300 51
                                    

CHAPTER 75: TO REACH AN END

Scarianna Eleanor's POV

Nakauwi na ako sa mansion. Pinaalis ko na rin muna sila Vecca dahil nga may gagawin akong importante ngayong araw. Nag-shower ako saglit para pagpunta ko sa kaniya ay fresh ako.

Nang matapos na akong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako at pinaharurot ang sasakyan papunta sa kanila.

Habang nag d-drive ay nagpalinga-linga rin ako saglit sa paligid hanggang sa mamukhaan ko na siya at doon ko na tinigil ang sasakyan para babaan siya.


"Hi!" Masiglang bati ko. Pero nanatili siyang nakacross-arms at nakasimangot.

"Oh, bakit nakasimangot ang misis ko? Miss mo na ba ako kaagad?" Hindi ko alam kung kinilig ba siya sa pagtawag ko sa kaniya ng misis o ako lang? Hehe.

Nakakakilig naman kasi talagang tawaging misis 'di ba? Niyahahahahahahahahaha!

Irap lang ang natanggap kong sagot niya at nauna na siyang maglakad papunta kung saan ko itinigil ang sasakyan ko.

"Uy, Anong nangyari bakit nagsusungit ka?" Tanong ko at parehas na kaming nasa sasakyan ngayon.

Hindi niya ako pinansin kaya hindi muna ako nag-drive hangga't hindi niya ako sinasagot.

"What took you so long?" Finally, nagsalita na rin.

"Ahh, kumain pa kasi kami sa Oso House, medyo malayo 'yon, then pagkauwi ko ay nag-shower pa ako." Sunod-sunod kong paliwanag.

"Alright," tumingin ako sa kaniya at nakita kong hindi na siya nakasimangot at mukhang maldita. Kalmado na siya ngayon at nasa normal na ang mga tingin niya, hindi na rin nakakatakot ang aura niya. Kita ko pa nga ang maliit na pag-awang ng labi niya.

Napangiti ako at nag-drive na pauwi sa mansion.

"Nandoon parents mo?" Tanong niya while I'm driving.

"Yes, nasa bahay sila for a week. Short vacation daw," sagot ko.

"Good," aniya.

"Ha, bakit?" Takang tanong ko at nakababa na kami ng sasakyan. Nakaramdam ako ng uhaw, kaya pagkababa namin ay kumuha muna ako ng tubig sa sasakyan at nilagok ang bottled water.

"I'm going to talk to them, about what happened earlier," sagot niya dahilan para maibuga ko 'yong tubig na iniinom ko.

Nakakapagsisi na uminom ako ng tubig kapag ganitong usapan.

"What?" Nagulat yata siya sa biglang pagbuga ko ng tubig, "Hindi pwedeng hindi nila 'to malaman, my family knows about this kaya hindi ka na pwedeng makawala sa'kin, Eli."

G-Grabe 'yarn.

Inaangkin na talaga ako, oh.

Hindi niya na ako hinayaan pang magsalita, hindi rin naman ako makapagsalita ng maayos kapag ganitong kinikilig ako, kaya mabuti na lang ay iniwanan niya na ako at-

Ay shit, nauna na siyang pumasok sa loob!

Kaya naman, dali-dali na rin akong tumakbo at sinundan siya.

Nandoon na silang tatlo sa living area. At nagsimula na pala si Vi sa sasabihin niya.

Hindi na muna ako tumabi sa kaniya at pinanood na lang muna silang mag-usap sa gilid.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon