BTAP - CHAPTER 29

10.6K 436 269
                                    

CHAPTER 29: MY NAME IS

Scarianna Eleanor's POV

Madilim na at nandito naman kami sa harap ng tent nila ate Jen. Nag-aya kasi sila Vecca na maglaro daw kami ng truth or dare para ma-enjoy daw ang gabi at natripan nilang isali sila ma'am. May sari-sarili kaming mundo ngayon dahil tapos naman na kami sa activity na ginawa namin kanina.

Ayaw sumali ni ma'am kanina sa paglalaro ng truth or dare, napaka-kill joy niya. Kinulit pa siya nila Sir at ate Jen pero ang tigas niya talaga, ayaw talagang sumali. Nang ako na ang nagpumilit ay sumali na rin siya. Siguro sa sobrang pagkairita niya sa'kin ay pumayag nalang siya-

Ikaw ba naman bantaan na ipagkalat na nahalikan ka dati tignan natin kung 'di ka talaga pupayag.

Insert nagmamalaking expression.

bwbahahahahahahahahahaha!

Choss!

"Come on, lumapit na kayo at umupo na!" Aya ni Vecca matapos niyang ilatag ang banig sa lapag na uupuan namin.

Bago pa makaupo si Sir. Econ sa tabi ni ma'am ay naunahan ko na siya, "Ah, haha. Doon nalang po kayo Sir. sa katabi ni Mrs. Gonzuego," Nakangiting sabi ko pero alam kong peke lang 'yon.

"Bago tayo magsimula, KJ at Jam, ilabas ang alak at pulutan!" Napatampal ako sa noo dahil sa narinig, seryoso ba sila diyan? Iinom sila, eh mga teacher 'tong nasa harapan nila?!

Parang gumuho 'ata 'yong mundo ko nang maglabas ng red horse at Empi si Jam at mga pagkain naman ang nilabas ni Jay-what the fuck?

"Tigilan niyo ako diyan, hindi ako iinom." Pangunguna ko sa kanila. Seryoso ako, ayoko.

"Huwag ka ngang kill joy diyan, Ngayon lang naman 'to," Pangangatwiran ni Vecca.

"Ayaw ko," pagmamatigas ko.

"Sige na, Scar. Ako nalang maghahatid sa'yo mamaya." Gatong naman Jay.

Gagawin talaga ang lahat mapilit lang ako, eh ano?

"Oh, may maghahatid na pala, eh. G na 'yan!" Isa pa 'to si Jam. Sarap pagkokotongan, eh.

"Huwag ka ng mahiya, Scar. Have fun tonight!" Dagdag ni ate Jen na nagpataas ng kilay ko.

Ay, so pinagkakaisahan nila ako ngayon?

"Ayoko nga po ate Jen," pagmamatigas ko lalo, ayoko talaga.

"Ate Jen?" Nalipat naman ang tingin ko kay ma'am Raven na confused na ngayon. Ay shook, oo nga pala, wala nga palang nakakaalam na pinsan ko siya bukod sa family ko at kanila Vecca.

"She's my cousin," si ate Jen na ang sumagot.

Makikita ang gulat sa kanilang mukha dahil sa kanilang narinig.

"How? Seryoso?" Tanong ni Mrs. Gonzuego.

"Bakit?" Tanong ni ma'am na nagpataas ng kilay ko.

Anong bakit?

Bakit ko siya pinsan?

"Kapatid ng mom ko ang mom niya," sagot ni ate Jen sa tanong ni Mrs. Gonzuego. Napatango-tango naman siya. "And for you, Vivian. Ano munang bakit? Ayaw mo ba na magpinsan kami nitong f-" may himig ng pang-aasar na dagdag ni ate Jen pero hindi niya ito natapos nang samaan siya ng tingin ni ma'am.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें