BTAP - CHAPTER 30

10.8K 468 183
                                    

CHAPTER 30: TRUTH

Scarianna Eleanor's POV

At dito na magsisimula ang revenge ng api.

"Ma'am Gonzuego, sinong first crush mo?" Diretsang tanong ni Vecca.

See? Grabe nga 'yong tanong na 'yon. HAHAHAHA!

"Si Jungkook!" Sagot niya agad dahilan para magsitawanan ang lahat bukod kay Ma'am Raven.

"Ehem, ako naman Vecca. Kanina ka pa, eh." Hirit bigla ni Jam.

"Sigegege," pagpayag ni Vecca.

"So, ma'am Jen, nagkaroon ka na ba ng ex?" Agarang tanong naman ni Jam.

Grabeng mga tanong 'yan, mabuti nalang talaga hindi ako nag truth kanina.

"Yah. Noong college life ko," sagot ni ate Jen. Hala, sino kaya 'yon?

"Wow, Interesting." Nakangising wika ni Jam.

"Sana all," biglang sabi ni Vecca. Problema nito? Inggit? Gusto niya rin ba magka-ex?

"Anong sana all, beh? Gusto mo rin ba maging ex si ma'am?" Tanong ni Jam.

"Pinagsasabi mo?" Kunot-noong tanong ni Vecca. Hindi niya na ito hinantay sumagot at nagsalita ulit siya, silang tatlo lang ang mahilig magtanong, ako and others, taganood lang. "Proceed na, next Sir. Econ!"

"Sige go, Miss De Macoolangan." Responde ni Sir.

Ngumiti ng nakakaloko si Vecca at nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Sir at kay Ma'am Raven, halatang nanunukso sa kanila.

Mukhang may maaaway ako mamaya.

Ayusin niya buhay niya, kung gusto niya lang huminga ng maayos.

"So, Sir. Econ..." Nanunuksong tinignan niya ito at tinaas-taas ang dalawang kilay. Sige lang Vecca, ayusin mo lang talaga. Si Sir. naman kinakabahan siya pero may halo itong excitement at animo'y kinikilig sa ginagawa ni Vecca na panunukso.

Parang natigil ang pagtibok ng puso ko kaya huminga ako ng malalim at tumingin lang kay Ma'am. Nakatitig lang ako sa kaniya kaya nang magtama ang paningin namin ay pinagtaasan niya ako ng kilay, tapos biglang ngumisi ng nang-aasar.

Edi wow!

"So, Sir. May gusto po ba kayo kay Miss Raven? kung oo, bakit hindi niyo pa ligawan?" Lahat 'ata sila ay tumingin kay Sir. ng nanunukso, bigla tuloy bumigat 'yong dibdib ko. At parang kumukulo ang dugo ko.

"Oo-" sagot ni Sir. Lahat sila ay napasinghap at napangising tumingin sa kanilang dalawa. Pero si ma'am ay nakatingin lang sa'kin at ngumingisi siya sa'kin kapag tumitingin sa iba 'yong mga kasama ko. "Ligaw? Haha, nagbalak na ako pero wala, eh. Focus daw siya sa trabaho kaya 'di siya nagpaligaw." Dagdag ni Sir. at napakamot sa ulo. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Buti naman.

"Pero kapag ready na liligawan mo po ba—aray!" Daing bigla ni Vecca. Tinuluyan ko na siyang hinampas pero hindi ko pinahalatang sinadya ko 'yon.

"Ang gulo mo kasi, 'yan tuloy natamaan ka." Kunwaring inosenteng sabi ko.

Sa totoo lang gusto ko ng manakal ng isang Vecca De Macoolangan ngayon. Hindi ko lang magawa dahil may hiya pa naman ako kahit papaano-

At baka maturn off sa'kin si ma'am at mas lalong hindi niya ako magustuhan pabalik.

"Ano 'yon, Miss De Macoolangan?" pag ulit ni Sir.

"That's enough, Miss De Macoolangan, you're asking too much personal questions." biglang pagpigil ni Ma'am Raven sa magsasalitang si Vecca.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now