BTAP - CHAPTER 54

11.4K 483 580
                                    

CHAPTER 54: CLUELESS

Scarianna Eleanor's POV

Nandito na kami sa cafeteria ngayon at kasalukuyan ng kumakain ng lunch. Hindi ko rin nakita si Vivian buong araw kasi bukod sa ayaw ko muna siyang makita ay nagpakabusy nalang muna ako sa ibang bagay. Badtrip na badtrip rin ako dahil nga bukod sa pinag-uusapan ngayon si Vivian, nagkalat na rin pala ngayon ang about sa engagement party nila.

"Omg, bagay naman sila eh, maganda at gwapo kaya sige, papayag na ako na sila nalang huhuhu."

"I can't believe this, all this time akala ko single si Sir. Econ my love, huhuhu."

"I thought nga single si Ma'am Raven. I wanted to have a chika with her pa naman pero hindi talaga ako makalapit sa kaniya because she's so nakakatakot."

"She's really scary, titignan mo palang, maiisip mo na para kang papatayin."

Mga rinig kong bulungan nila na mas lalo ko pang kinainis. Padabog kong nilapag ang kutsara't tinidor at naisipang lumabas nalang.

"Scar, nyare?"

"Okay ka lang?"

"Scar?"

Nag-aalalang tanong no'ng tatlo, hindi ko sila pinansin at nagsimula na akong maglakad, pero bago pa man ako makalayo ay may sinabi muna ako sa kanila.

"Don't follow me," Malamig kong saad sa kanila at nagpatuloy ng lumabas.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa namalayan ko nalang na nasa harap ng library na pala ako.

"Yanna?" Bungad ng nakasalubong ko na si Ma'am Zsavala.

"Ma'am Zsavala, Good afternoon po." Magalang kong pagbati.

"Why are you here? and you're alone?" Takang tanong niya.

"Uh-" napakamot ako sa batok, "Gusto ko lang po magbasa-basa."

"Gusto mo ba ng kasama? Tamang-tama, magbabasa-basa rin sana ako kaso may kukunin lang ako saglit sa office."

Pumayag nalang ako sa gusto ni ma'am. Bumalik na muna siya sa office niya habang ako ay busy sa paghahanap ng pwedeng babasahin, nang makahanap na ako ay ang saktong pagdating ni Ma'am Zsavala.

Doon kami sa pwesto na kung saan pwede kaming kumain, dalawa kasi ang types ng library namin dito, may pwestong bawal kalatan, like foods, at may isang pwede, 'yong free na free ka, kaso dapat ingatan ang libro na ilalapag. Nagdala kasi siya ng pagkain nang pang-dalawahan kaya naman wala akong choice kundi tanggapin 'yon.

Naging tahimik ang pagbabasa namin hanggang sa naisipan na naming kumain.

Kahit papa'no ay nawala saglit ang bigat na dinadala ko dahil dito kay Ma'am Zsavala. Paano kasi, hindi siya nauubusan ng jokes, tapos 'yong mga jokes niya pa sure na sure na nakakatawa, napuno tuloy ng tawanan 'tong library, dalawa lang naman kami, kaya nag-ingay na kami.

hahahahahahahahahahahahahaha!

Sinabi niya rin pala na Antheia or Zen nalang daw itawag ko sa kaniya, tutal hindi naman daw nagkakalayo ang edad namin. Twenty-three years old na pala siya, akala twenty two palang.

Kumakain pa rin kami kasi paputol-putol kami ng kain dahil nagbabasa at kwentuhan kami.

Nang matapos na kaming magbasa at kumain ay naisipan ko ng bumalik ng room, at siya naman ay sa klase niya.

. . .

Mabilis na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang mangyari ang about sa engagement nila Vivian. Wala akong balita sa pinaggagagawa nila ngayon.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now