BTAP - CHAPTER 38

10.4K 460 175
                                    

CHAPTER 38: DARE OR DRINK

Scarianna Eleanor's POV

"Sisimulan ko na!" Excited na sambit ni Vecca at agad na tumingin sa'kin at nagformed ng ngisi ang mga labi niya.

'yong ngisi na alam mong may kababalaghan na namang binabalak.

"I dare you... to shout the name of the person you like-" 'yong ngisi niya sa'kin ay lumipat bigla kay Jay at sa iba, lahat kami nginisian ng gaga. "All of you will answer that, including me of course!"

"Hoy, putangina mo naman Veks, ibahin mo naman-awww!" Agad na reklamo ko kay Vecca na agad ko ring kinadaing nang mahina dahil bigla akong nakaramdam ng kurot sa bandang likod ng bewang ko, hinaplos ko ang likod ko at napatingin kay ma'am na agad akong tinaasan ng kilay ng magtama ang tingin namin.

"Hayp ka, Vecca!" Mahinang sigaw ni Jay.

"Grabeng simula naman 'yan, miss Vecca. Haha." Sabi ni Sir. Econ.

"Oo nga," sang-ayon ni Jam.

Ang paligid ay napuno ng katahimikan. Lahat kami ay nagkatingininan sa isa't isa at sabay-sabay naming lahat nilagok ang alak na nasa harapan namin ngayon except kay Sir. Econ na ang kapal ng mukha na sinigaw ang magandang pangalan ng abunjing, sugar pie ko. "Unang dare, inom agad HAHAHAHAHAHA!" halakhak ni Vecca.

"Okay ako naman," saad ni Ate Jen. "Prepare yourselves everyone, choss!"

"Ayusin mo 'yan Jen, ah?" May pagbabanta ni Sir. Econ-kapal apog.

"Oo nga, lintek na Vecca kasi 'yan vulgar agad 'yong bungad."

"Shrue!"

"Okay guys, tama na 'yan, game na!" Natatawang pagtigil ni ate Jen sa tatlong maiingay, nananahimik nalang ako dito, baka makurot na naman ako. Ang sakit kaya ng kurot niya! Parang kinuhaan ako ng laman, hmp! "I dare you..." alam ko na 'to, kaputanginahan na naman 'to, sus baka pinsan ko 'yan? "...I-describe niyo sa pamamagitan ng lyrics ng kanta ang nararamdaman niyo sa taong crush or gusto niyo. Lahat sasagot na ha, walang iinom! impossibleng wala kayong taong gusto!"

Mabuti naman at kahit papaano ay hindi vulgar, pero medyo demanding siya sa part na 'yon, pero okay lang talaga.

"Sino magsisimula?" tanong ni Jay.

"Ikaw na Jay, tutal ikaw na nagtanong eh," sagot ni Jam.

"Dapat pala hindi nalang ako nagtanong." Napuno naman ng tawanan ang paligid dahil sa sinabing 'yon ni Jay.

"Okay, ako na nga. hmm... wait isip lang ako saglit."

"Okay, take your time."

Matapos ang ilang minuto ay nagsimula ng kumanta si Jay.

"Oh, giliw naririnig mo ba,
Ang yong sarili...
Nakakabaliw lumalabas,
Sa 'yong bibig..."

"Alam kong uto-uto ako,
Alam ko na marupok,
Tao lang din naman,
Kasi ako..."

Habang kinakanta niya 'yon ay nakatingin siya sa'kin na para bang para sa'kin ang kantang 'yon.

"Yieeee, marupok ang KJ na 'yarn? Para kay Scar ba 'yan, Jay?"

"Oo, haha!" Natatawang sagot ni Jay kay Jam.

"Hala, gagi ka," tanging bulalas ko. Hindi ko alam irereact ko, eh.

"Ship ko 'to eh, hashtag, ScarJay!" Lahat nalang Vecca eh, 'no?

"Raulo!" Sambit ko.

"Baliw 'yan, eh."

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now