BTAP - CHAPTER 19

10.9K 424 91
                                    

CHAPTER 19: TEMPTED

Scarianna Eleanor 's POV

"Ma'am-Ouch! Aray! Ma'am ako 'to si Scaria-Vi! ano ba ang sakit mo na, ha!"

Dahan dahan kong hinimas-himas ang katawan kong natamaan ng malalakas niyang hampas, Ang sakit mga mars. Ikaw ba naman pinaghahampas ng hanger kung saan-saang parteng katawan, Ang sadista talaga ni ma'am, masyadong mapanakit.

Pero deserve ko naman masaktan dahil sa ginawa ko, tinakot ko lang naman siya. HAHAHAHAHAHAHAHA! 'yong boses ko kasi kanina is katulad sa napanood ko sa tiktok, kaya for sure natakot siya, akala niya kung sinong tao na 'yong kumakanta sa pintuan niya, kaya ayon, Isang hanger na naman po ang nagkanda bali-bali dahil sa galit ni Ma'am Raven. HAHA!

Pero, ang sakit pa rin. Namumula na mga tama niya sa'kin.

"Ma'am grabe ka po talaga, napakahirap mo talagang mabiro. Ako pa pinanggigilan mo sa hanger mo. RIP po sa hanger mong nabalian ng buto."

"That was your fault, you deserved it!" Galit na sabi niya at nakatingin sa'kin ng masama.

Kinuha niya ang first aid kit niya at ginamot ang nagdudugo kong sugat sa right hand ko, sobrang napuruhan 'to, eh. Grabe ang sakit talaga.

Mabilis lang 'yon natapos at nagamot. Pinagpahinga niya muna ako saglit bago niya ako pinagtake ng quiz.

"Ma'am, Hindi po ako nag review."

"And so?" Mataray niyang tugon.

"Pwede bang mag review muna ako saglit, bago ko 'to i-take? Nang may masagot naman ako. Nakakatulala po 'yong quiz niyo, eh." Inirapan niya muna ako bago sinunod ang sinabi ko, hiningi ko sa kaniya ang topic namin last time, at binigay niya naman.

"Ma'am, I didn't get this, pwede bang paki-explain?" Naiistress na sabi ko kay ma'am at itinuro ang part ng topic na 'di ko magets.

"Come here," Agad ko naman siyang sinunod at kumuha ng isang upuan para tumabi sa kaniya.

"This is how you do this..." Maayos at magaling niyang itinuturo ang topic na 'yon kaya naiintindihan ko na rin, pero nawala ako bigla sa pakikinig dahil napunta ang tingin ko sa mukha niya, nakagilid siya ngayon, side profile niya ang nakikita ko.

Napakatangos talaga ng ilong niya, at ang haba rin pala ng mga pilik mata niya. at ang mga labi niya... natetempt na naman akong halikan ito.

Shet.

Bago pa man ako mademonyo ay inilayo ko na agad ang paningin ko sa nakakatuksong labing 'yon.

You're crazy Scarianna, bakit gusto mong manghalik ng babae?

Am I a pervert now?

Hindi pa naman siguro.

naman? siguro? WHAT THE?

"Did you get it now?" Tanong niya.

"Y-Yes ma'am." Sagot ko.

"Okay, continue what you're doing." Ang ano? Ang magsagot o tumitig sa kaniya?

Char, eto na nga magsasagot na. Mamaya na ang landi.

Nasagutan ko ng maayos ang quiz dahil may naintindihan naman talaga ako, sadyang malilikot lang 'tong mga mata ko. Thanks G, nakaperfect ako sa quiz, samantalang sa long test ay may maling isa.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon