BTAP - CHAPTER 61

10.6K 496 413
                                    

CHAPTER 61: PURSUE YOU

Scarianna Eleanor's POV

"Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeee, ikaw ha? stalker pala kita ahhh!" Wagas ang ngiting pang-aasar ko sa kanya matapos kong marinig lahat ng kinwento niya.

Hindi ko ineexpect 'yong kwento niya, grabe pala 'yong epekto ko sa kaniya, nakakakilig! hahahahahahahaha!

"Kaya rin pala Eli tawag mo sa'kin minsan kasi bff pala kayo ni ate." Grabeng plot twist 'yan.

Did I just fall in love sa best friend ng ate ko?

Okay lang 'yan, nauna naman siya eh, hehe!

Nandito kami ngayon sa kwarto niya at inabot na kami ng gabi dahil sa haba ng kwento niya. Mahaba nga pero worth it naman.

Kapag uwi niya lang galing work siya nagkw-kwento kaya inaabot na kami ng ilang araw dahil sa haba kwento niya. Almost two weeks pa siyang nagkasakit, pero dahil alagang Scar, mas napabilis ang paggaling niya.

Ang haba ng kwento but sobrang worth it. Pero may halong inis rin kasi hanggang doon ba naman papansin pa rin si Sir. Econ.

Kulang ba siya sa pansin no'ng past life niya? or ngayon?

"Shut up! umuwi kana nga, ilang araw ka ng nandito, balak mo na yatang tumira dito?" Salita niya at nakatingin na muli sa pinapanood sa TV.

"Why not?" Tumatawa kong saad dahilan para lingunin niya ako at samaan ng tingin. Ilang araw na rin akong nandito, almost one week na.

Kumuha kasi ako ng damit sa bahay tapos dinala ko dito, nagpaalam naman ako kay dad na lalayas muna ako ng mansion. Nagpaalam rin ako kay tita Veron na dito muna ako, pumayag naman siya eh, so bakit pa ako tatanggi.

Mindset ba mindset.

"Masyado na ba akong maganda kaya na-fall ka agad sa'kin? hays, ako lang naman 'to-arayyy!"

Sinong 'di mapapa aray? sinuntok niya lang naman ako.

Mahina lang naman. 'di malakas, promise.

"Mahal mo ba talaga ako? bakit sinasaktan mo pa rin ak-aray! tama na!" Napakamapanakit talaga nito. Ganito ba siya magmahal? siguro, wala pang isang taon na magkasama kami, puno na ng pasa 'tong buong katawan ko.

Anyway, ayos lang. Kahit ilagay niya pa ako sa septic tank okay lang-

de joke!

"Kapag 'di ka pa tumigil kakaladkarin na kita diyan palabas!" Inis niyang saad at sinamaan ako ng tingin. Napanguso lang ako sa cuteness niya. Tbh, cute talaga siya pag galit, pero hindi na siya cute kapag nananakit-

charot.

"Psh! sorry na, wabwab! HAHAHAHAHAH" halakhak ko at nakatanggap na naman ako ng nandidilim na tingin.

Nandiri agad ako sa tinawag ko sa kaniya, bigla ko kasing sinunod silly thoughts ko, eh.

"Wabwab? What the fuck? stop it, ang cringe!" Parang nandidiri niyang turan. Grabe naman, wala ba 'tong sweetness sa katawan?

Pero true, cringe nga.

"Gusto mo naman eh," pang-aasar ko sa kanya. Napairap nalang ako sa kawalan dahil hindi niya na ako ulit pinansin.

Busy talaga siya sa panonood!

Once kasi na manood na sya, hindi na ako masyadong pinapansin, masyado siyang focus sa pinapanood niya at ginagawa niya na akong invisible dito.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now