BTAP - CHAPTER 73

8.1K 317 106
                                    

CHAPTER 73: ENGAGEMENT PARTY?

Scarianna Eleanor's POV

Isang buwan pa lang ang nakalipas, pero ramdam ko na ang pangungulila ko sa kaniya. I'm missing her so much. Yearning deeply to be in her presence, to wrap her in a tight embrace, is a sentiment that courses through me. Unfortunately, circumstances dictate that my only course of action is to exercise patience and endure the waiting period with a hopeful heart.

I think it'll be worth it naman 'til the end?

Ano ba kasing meron?

Sa loob ng isang buwan ay wala naman akong masyadong ginawa, nagkulong lang ako sa kwarto dahil umuwi na naman ang kinakatakutan kong tao.

Ang mom ko.

Until now hindi ko alam kung pa'no ko siya haharapin or kakausapin. Natatakot pa rin ako na baka magtrigger na naman ang trauma ko sa kaniya. Gusto ko na siyang makausap, gusto ko na siyang makasama, pero hindi ko alam kung paano.

Kahit papaano naman ay may masaya kaming memories no'ng bata pa lang ako. Pero everytime na naalala ko 'yong happy memories na 'yon, hindi nawawala ang mga masasamang nakaraang nakatatak sa isip ko. Kaya siguro, mas mabuting kalimutan na lang ang lahat.

Nababagot na ako sa lugar na ito dahil palagi na lang akong nakakulong. Sa sobrang pag-aadvance reading ko for first year college, umabot na ako ng pang third year. Tignan na lang natin kung hindi pa ako maboring sa college life.

Habang naglalakad pababa ay napapaisip ako.

What if tungkol sa'min 'yong inaayos niya? Baka pwede akong makatulong 'di ba para mas mapadali? Pero...

Paano kung hindi?

"Ano ba kasing ginagawa niy-"

"Be careful!" Nawala ang lahat ng nasa isip ko nang magkamali ako ng tapak ng hagdan, mabuti nalang ay may mahigpit humawak sa braso ko kaya hindi ako tuluyang nalaglag.

Shit.

Ilang saglit pa kaming nasa gano'n ang sitwasyon at ako na mismo ang dahan-dahang umalis sa sitwasyong iyon.

"Be careful next time," mahinang salita niya at nang tignan ko siya sa mata ay kita ko ang pag-aalala niya, ngunit nawala rin agad ang atensyon ko sa kaniya nang biglang may nagdodoorbell sa'min.

Tumango ako sa kaniya bago naglakad papuntang main door.

Binuksan ko na ang pinto at gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita kung sino ang bumungad sa'kin.

"Jay?"

"Hi, hehe." Nakangiting bati niya sa'kin at kumaway pa. Napakunot naman ang noo ko sa nakita ko.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't nasa bakasyon ka?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Umuwi ako dahil may nabalitaan ako. Kumusta ka? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya at biglang niyakap ako.

"Ha?" Mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya.

Kumalas siya sa yakapan namin at kunot-noong tumingin sa'kin, "Hindi mo alam?"

"Ang ano?" Pinagsasabi nito? anong hindi ko alam?

"About their incoming engagement party."

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now