BTAP - CHAPTER 28

10.3K 437 80
                                    

CHAPTER 28: SHRIMPS

Scarianna Eleanor's POV

Nandito na kami ngayon sa table dahil mag l'lunch na kami. Wala pa 'yong mga kaklase namin dahil tinatawag palang sila nila Vecca at ng iba pang teachers.

"Ano ba?!" Pagpupumiglas ni ma'am nang hilahin ko siya at iupo sa tabi ko. Minsan talaga nakakagulat 'to, bigla nalang nagtatagalog, eh.

"Diyan ka na kasi umupo, bakit ba laging gusto mo sa harap ko pumwesto?" Medyo naiiritang tanong ko.

"I don't like to sit beside you, let go of me!" Inis na untag niya at pilit umaalis sa pwesto niya ngayon. Nasa likod niya kasi ako at hawak ko ang balikat niya ngayon.

"Anderson, Isa!" Nagbabanta niyang saad.

"Dalawa, tatlo, apat, lima!" Pagsunod-sunod ko ng bilang.

"Ha-ha! so funny," sarkastiko niyang sambit. Tinawanan ko lang siya.

"Fine. Let go of me hindi na ako aalis dito."

"Totoo ba 'yan?" Naninigurado lang, baka i-prank niya ako, eh. Uto-uto pa naman ako.

"Yeah," maikli niyang sagot dahilan para mapangiti ako.

"Okay, sure 'yah, ah?"

Dahan-dahan ko na siyang binitawan, nang tuluyan ko na siyang bitawan ay bumalikwas siya ng tayo para tumakbo ng paalis sa upuan niya. Napakunot naman ang noo ko doon at mabilis pa sa alas kwatro ko siyang binalik sa pwesto niya sa pamamagitan ng pagbuhat sa kaniya.

"Ibaba mo akooo!"

"Liar ka ma'am, ah!"

"Ayoko nga sabi dito, bakit ba ang kulit mo?" Masungit niyang anas.

"Eh, gusto nga kitang katabi bakit ba ang kulit mo?"

"Ayaw kitang katabi!"

"Wala po akong pake. Ang mahalaga ay gusto kitang katabi. Kung hindi ka mapakiusapan, hindi ako magdadalawang-isip na itali 'yang paa mo." Medyo seryoso kong pagbabanta.

"I also won't hesitate to fail you on my subject, Anderson." Salita niya gamit ang malalim niyang boses. May himig rin ito ng pagbabanta. Pasimpleng tinawanan ko lang siya dahil wala na siyang nagawa nang biglang nagsidatingan na ang mga kaklase ko at iba pang guro. At may nauna ng umupo sa pwesto sa inupuan niya kanina.

Lahat ay nagtatakang napatingin sa gawi namin, 'yong iba naman ay parang sinasabihan nila ako gamit ang mata nila ng "Good luck, classmate". Sinuklian ko lang sila ng matamis na ngiti bago ibinalik ang tingin ko sa pagkain na hinanda na namin kanina.

Bago umupo si Vecca ay binulungan niya muna ako.

"Hala beh, katabi mo si ma'am. Good luck, ah? I'll pray for you..." Nang-aasar niyang bulong, pero imbis na mainis ay nginisian ko lang siya. hindi niya kasi alam kung anong napagdaanan ko para mapaupo lang 'yan sa tabi ko.

Umupo na rin sa wakas si Vecca pero ang ipinagtaka ko ay hindi siya sa akin tumabi dahil nag-iwan siya ng isang bakante.

Kaya naman pala.

Pinaupo niya kasi si Pauline sa tabi ko.

"Hi, Scar." Nahihiyang bati niya sa'kin nang makaupo na siya.

"Hello, Pau Pau." Reply ko naman sa kaniya.

Nawala ang attensyon ko kay Pauline sa biglaang pagtayo ni ma'am.

"Class, listen first. Before we eat..." Tumingin si ma'am Raven sa'kin at napataas naman ang kilay ko dahil doon. Parang alam ko na 'to, ah.

"Ma'am?" tanong ko ng nakataas ang dalawang kilay.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now