BTAP - CHAPTER 5

12.8K 496 87
                                    

CHAPTER 5: FEEL AT HOME

Scarianna Eleanor's POV

Naudlot ang pag uwi ni ma'am ngayon dahil biglang bumuhos ang napakalakas ng ulan. Kitang-kita namin sa glass window. Binalita rin sa TV na suspended daw ang klase ngayon.

hanep naman.

Nagmatigas pa ngang umuwi si Ma'am Raven kanina pero nang makita niya ang lagay sa labas ay agad-agad siyang bumalik sa loob.

Ano ma'am, sige uuwi ka pa, ha.

Inirapan niya pa nga ako eh, bago siya bumalik sa sala at nanood ng balita.

Malditang nilalang.

Oo, inaamin ko. Na a-attract na ako kay ma'am.

Naaattract lang naman. Crush ko lang, gano'n.

Hindi ko siya like, ah? Crush lang!

Straight kaya ako, pero normal lang naman na humanga sa babae, 'di ba?

Idol ko siya, parang gano'n.

Ang ganda kasi ni ma'am, I admit that. Pretty na, gorgeous pa, kapag nagtuturo siya, ang professional niya ayun, isa na hinahangaan ko sa kaniya.

Ang hot niya tapos ang cute pa lalo na at suot niya 'yong favorite kong white oversized shirt na may mga mukha ng members ng BTS, enebe, asawa ko kaya sa Jungkook tapos jowa ko si Taehyung. Pinartner-an niya naman ito ng black basketball shorts-

na favorite ko rin.

Perfect na si ma'am, tapos perfect rin ako.

Perfect siya plus perfect ako equal, bagay kami.

Joke, wala po akong balak mag jowa ng babae, lalaki po, oo.

Anyway, Ang swerte ni ma'am, favorites ko lahat ng suot niya.

"Ma'am, Coffee." Abot ko sa kaniya sa katitimpla ko lang na Finca El Injerto coffee. Mahal nitong punyetang kapeng 'to, paborito kasi 'yan ng dad ko at 'yan ang palaging binibili niya. Ako naman bearbrand lang sapat na.

Sarap kaya ng bearbrand, duh.

Charot. Nagkakape rin naman ako minsan.

"Thanks," Malamig na sagot niya, at hindi manlang ako tinapunan ng tingin. 'yong kape lang na inabot ko, how I wish na sana ako na lang 'yong kape. Charrrrr. Lamig ni ma'am tapos hot ako, bagay talaga kami-

Bwiset, ano ba 'tong pinag iisip ko?!

"Ma'am alam mo, para kang yelo, kamag anak mo ba si ice, Ma'am?" Inangatan niya naman ako ng tingin at pinagtaasan ng kilay.

"What do you mean?" kunot noong tanong nito at humigop ng kape.

"Ang lamig mo po kasi." Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa kakornihang sinabi ko sa kaniya. Ang awkward. Parang ako na ang pinaka walang kwentang nag joke sa kaniya.

"Tss," tanging sagot niya at muling nanood ng TV. Hindi na siya nanonood ng balita, korean drama na ang pinapanood niya.

Ayos din si ma'am maka-feel at home, eh 'no?

Nag open muna ako ng messenger. Kumusta na kaya mga mokong kong mga kaibigan na kinulang sa aruga ng jowa.

Una ko agad na pinindot ang group chat namin.

QUADRO DE KULANG-KULANG

Vecca Bi-natog
Gud murneng pips. Kumusta
kau mga Bb ko? ang ulan
ngayon punyeta.👍

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now