Chapter 30: Ang Proteksyon

44 8 1
                                    

KATATAPOS lang ng lakad nina Aaron at Maria Elena sa isang simbahan. Dinala muli niya ito sa pinakamalapit na Seven Eleven para ilibre ng pagkain.

Maraming tao sa loob pero buti na lang ay nakuha pa nila ang bakanteng lamesa sa bandang gilid. Habang nasa malayo ang tingin ng babae, pasimple niyang nilagyan muli ng drugs ang inumin nito. Lihim siyang napangiti pagkatapos niyon.

KASALUKUYAN namang naghahanda si Evandro sa pagbisita sa mansyon ng mga Iglesias. Medyo tinamad siyang gamitin ang kanyang Ferrari kaya inilabas na lamang niya ang motor niyang Kawasaki Ninja H2R.

Bago pa niya maisuot ang helmet ay tumunog na ang telepono sa kanyang bulsa. Pagdukot niya rito, nakita niyang may missed call si Russell. May mensahe rin itong pinadala sa kanya na naglalaman ng attachment.

Pagbukas sa mensahe, tumambad sa kanya ang isang video kung saan makikitang magkatabi sa iisang lamesa sina Aaron at Maria Elena. Nakatalikod silang pareho sa camera kaya wala silang kaalam-alam doon. Kitang-kita rin ang kamay ni Aaron na tila may nilalagay sa isang papercup na malapit sa babae.

Pagkatapos niyon ay mabilis na luminga si Aaron sa paligid kaya agad natapos ang recording. Hindi makapaniwala si Evandro sa nakita. Doon niya nakumpirma na may ginagawa ngang milagro ang lalaking ito kaya nagbago nang ganoon ang behavior ni Maria Elena noong nakaraan.

Malakas ang kutob niya, droga ang inilagay nito sa baso. Iyon marahil ang lumason sa isip ng babae noong una niya itong maabutan na wala sa sarili. At kung magpapatuloy ito, baka unti-unting masira ang utak ni Maria Elena rito at magbago na ang takbo ng realidad sa isip nito.

Si Russell ang inutusan niyang sumunod sa mga ito para magmanman sa kanilang kilos. Ito ang nagsisilbing mata niya ngayon tuwing may pupuntahan ang dalawa sa malayo.

Naglaho ang pagka-inosente ng mukha ni Evandro. Nagkuyom ang kabila niyang kamao habang nakatulala ang nagbabagang mga mata sa kawalan.

LAMPAS alas-sinco na ng hapon nang dumating si Maria Elena sa mansyon. Pagkabukas pa lang ng gate ay dali-dali nang tumayo si Evandro sa kinauupuan sa balkonahe at mabilis itong nilapitan.

"Mahal, saan ka galing?"

"May pinuntahan lang kaming simbahan ni Aaron." Matamlay ang tinig ng babae.

Napalunok siya ng laway. "Ah, ganoon ba. G-gusto mo bang ihatid na kita sa kuwarto?"

"Hindi naman ako magkukulong doon ngayon. Pupunta ako sa kumbento. May usapan kami ni Sister Monica mamayang five thirty."

"Ah, b-buti hindi ka sinamahan ni Aaron d'yan?"

"May tumawag kasi sa kanya kanina. Importanteng tao yata. Kaya nagpaalam siya sa 'kin na maaga raw siyang uuwi."

Bahagyang napangiti rito si Evandro. "Kaya pala. Gusto mo bang ako na lang ang sumama sa 'yo sa kumbento?"

Sa pagkakataong iyon ay napalingon ang babae sa kanya. Matagal bago ito nakasagot. Ngunit isang matipid na tango lang ang pinakawalan nito.

Napangiti siya. Sapat na iyon para umapaw ang kaligayahan sa kanyang dibdib. Agad niyang kinuha ang motor na nakaparada sa loob ng garahe.

Nangunot naman ang noo ng babae nang makita ang mamahalin niyang motor. "Dito mo 'ko isasakay?"

"Mas masarap dito kaysa sa kotse dahil sariwang hangin ang malalanghap mo. Alam kong sawa ka na sa hangin ng aircon kaya halika na." Nauna siyang sumakay rito at pinaandar na ang motor.

"B-baka madisgrasya pa tayo d'yan!"

"Hindi, ah! Expert mag-drive itong asawa mo. Walang aksidente ang makakalapit sa atin." Nginitian pa niya ito.

Apoy Sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon