Hindi niya mapigilan ikuyom ang kaniyang mga kamao. Nagtiim-bagang siya, hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili. Ang buong akala niya ay magiging maayos ang gusto niyang mundo sa mga kamay niya pero unit-unti na itong gumuguho sa kaniyang mga kamay. Pumikit siya ng mariin. "Pag-iisipan ko kung ano ang maaaring gawin para sa bagay na 'yan..."

"May isa pa pong problema, Panginoon." pahabol ng isa pa. Agad niyang tiningnan ito. "Magigising na din ang reyna ng mga bruha."

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig. "A-anong..." ang tangi niyang masabi dahil sa pagabigla. Halos kakapusin na siya ng hininga.

Umukit ang labis na pag-aalala sa mga mukha ng mga kasamahan.

"Hindi lang ang mga demonyo, tao na hayop at reyna ng mga bruha ang kinakailangan nating bigyang-solusyon, Panginoong Miriel." biglang wika ng isang lalaki. Agad niya 'yon binigyan-pansin. Nasa harap niya mismo ito. Kulay pilak ang buhok nito at maputi. Sa katunayan ay halos masisinag na siya sa sobra nitong kulay, dagdag pa na maputi ang balat nito. Seryoso itong nakatingin ng diretso sa kaniiya. "Kung hindi mo napapansin, nagkulay pula na ang buwan tuwing sumasapit na ang gabi. Alam kong alam mo ang ibig nitong ipahiwatig."

"Kulay pulang... Buwan...?" halos pabulong 'yon. Lumalalim ang pag-iisip niya, animo'y naghuhukay mula sa nakaraan. Nanlaki ang mga mata niya nang napagtanto niya ang ibig sabihin n'on. "H-huwag mong sabihin..."

Marahang pumikit ang lalaking diyos at tumango. "Tama ka, Panginoong Miriel. Siya nga at wala nang iba pa." tumalim ang kaniyang tingin. "Muling mabubuhay ang diyos ng digmaan." kahit anong gawing pagiging kalmado ay hindi pa rin maitanggi ang labis nitong pag-aalala para sa mundong ibabaw.

Mas nanigas siya sa kaniyang kinauupuan nang mabanggit ang mas nakakabiglang balita. "P-papaanong..." hindi na niya madugtungan ang susunod na sasabihin. Bigla siyang tumayo na ikinagulat ng kaniyang mga kaharap, maski si Ezuna. Tinalikuran niya ang mga ito at dali-dali siyang lumabas ng silid-tanggapan. Tila natataranta siyang pumunta sa isang lugar. Rinig pa niya ang pagtawag sa kaniya ay hindi siya nag-abala pang tumigil o tingnan man ang mga ito. Ayaw niya lang din ipakita kung ano ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na ito. Ang buong akala niya ay iisang problema lang ang mabibigyang solusyon. Mali pala. Dahil patong-patong na ang problema na dumagdag. Sa totoo lang ay may halong pagsisisi ang kaniyang nararamdaman kung bakit hinayaan niyang sumama ang kaniyang guro na si Hyrus sa mundo ng mga mortal. Alam niyang mas malakas ito kaysa sa kaniya at malaking tulong ang presensya nito sa oras na makaharap nila ang sinasabing diyos ng digmaan. Mayroon ding parte sa kaniya na ayaw tanggapin ang sistema ang katotohanan. Nais niyang malaman o makita kung totoo ba ang sinasabi ng mga bisita ukol dito.

Napadpad siya sa pinakaibabang bahagi ng Palasyo. Nasa harap niya ang malaking pinto na bakal na siya mismo ang naglakip ng mahika na hindi ito basta-basta masisira man lang. Taas-baba ang kaniyang dibdib dahil sa dalawang rason. Medyo napagod at nahaluan iyon ng kaba at takot. Lumunok siya saka humakbang palapit sa pinto. Inangat ang isang kamay saka itinapat 'yon sa naturang pinto. Hinawi niya ang malakas na mahika na pumapaloob sa pinto hanggang sa dahan-dahan itong nagbukas. Tumambad sa kaniya ang madilim at tahimik na silid. Hindi rin siya nag-alangan na pumasok. Sa ilang daang taon nang nakalipas ay ngayon niya ulit binista ang lugar na ito. Kung tutuusin ay wala siyang makikita sa lugar na ito, maliban lamang sa isang bagay na tanging tinatamaan ng liwanag ng buwan, ang isang mahiwagang kulungan na dahilan upang manigas siya sa kinakatayuan niya ngayon. Halos wala siya sa sarili nang matagpuan niya na wala na nang laman ang sinasabing mahiwagang kulungan.

"Panginoong Miriel!" rinig ang pagtawag sa kaniya mula sa kaniyang likuran. Tama, nagawa siyang sundan ng mga ito, kasama na doon ang kanan niyang kamay. Hindi pa rin niya magawng tingnan ang mga ito pero inaasahan na niya kung ano ang magiging reaksyon sa oras na makita kung ano ang kinahahatungan ng bagay na nasa harap nila. Rinig niya ang pagsinghap. "Hindi ba't..."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now