Chapter 37

4.2K 209 18
                                    

" G-go. "

Kasabay ng salitang binitawan ko ay ang siyang pagbukas din ng malaking pintuan na siyang ikinapikit ko.

Sa pagbukas ng pintuan ay tila ba may malakas na hangin na sumalubong sa akin na lalo kong ikinapikit.

Nang mawala ang hangin ay saka ko nalaman ang buong katahimikan ng paligid at maya maya pa ay rinig ko na nag mabibilis na tibok ng puso ko na tila gusto ng makalawa sa hawla nito.

Unti unti ay iminulat ko ang mga mata ko at unang tumambad sa akin ay ang mga nagluluhang mata ng isang ginang na siyang nakahawak sa kamay ng kanyang asawa at ang isang kamay ay may hawak hawak na panyo.

Tinitigan ko lamang siya at pinanood na magsituluan ang mga luha sa mata niya maging kung paano dumaan ang mga emosyon sa mata niya.

Napabalik nalang ako sa sarili ko ng maramdaman ang munting pagpisil sa akin ni Valor at saka ko iniiwas ang mga tingin ko sa kaniya, sa kanila.

Unti unti ay lumakad na kami paharap at ginawa ko lahat ng aking makakaya para hindi sila lingunin o kung ano man saka yumuko sa Hari at Reyna bilang paggalang.

" I greet the King and Queen of this Kingdom. " Saad ko at pilit nagpipigil para hindi bumaliko ang dila ko dahil sa kaba.

" You may rise. " Saad ng Reyna at Hari na siya namang ginawa ko ngunit hindi pa din ako nagtaas ng tingin para sa kanila.

Natatakot ako, ayoko.

Pakiramdam ko ay hindi ko ito kayang harapin at naisin na lamang tumakbo palabas, gusto kong magtago at hindi na muling harapin ang ganap na ito.

Nabalot ng buong katahimikan ang buong paligid ngunit maririnig mo naman ng malinaw ang mahihinag pagsinghot at mabibigat at malalalim na paghinga mula sa kabilang banda.

Hindi ako naglalakas loob na tignan ito dahil maaaring magtama agad ang mga paningin namin ng kung sino man ang nasa kabilang banda.

" Why don't we discuss this in the Imperial Garden? Let's go. " Saad ng Reyna at saka lumapit sa akin para yakapin ang braso ko saka kami ay naunanag lumabas.

Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya dahil nadadamay pa siya sa kaguluhang ito at alam kong ramdam niya ang kaba ko maging ang panlalamig ng buong katawan ko.

" You can do it My dear, andito lang kami. " Saad ng Reyna pabulong ngunit sapat na ito upang marinig ng puso ko at makaramdam io ng init.

Hindi na ako sumagot pa dahil pakiramdam ko ay may kung anong bumabara sa lalamunan ko.

Maya maya pa ay narating na namin ang destinasyon na iyon at muli na naman ay natahimik ang buong pagilid maliban nalang sa mga hangin na humahampas at ang tunog na nagagawa ng dahon sa pagsabay nito sa sayaw ng hangin.

Lakas loob ay bumuntong hininga ako saka nagtaas ng paningin at tumingin sa kanila, kita ko aman agad na nasa akin ang paningin nila at wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti ng maliit.

" We'll give you time. " Saad ni Valor ng hindi gumagawa ng kahit na anong tunog na ikinatango ko nalang.

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na din sila ng kambal at ang Hari at Reyna, kaya naman kami kami lang ang naiwan dito.

Para malaman niyo ay wala dito si Rishel at tingin ko ay mas makakabuti nga kung wala talaga siya.

Muli ay tumahimik ang buong paligid hanggang sa nakarinig ako ng ubo na nakapagpabalik ng tingin ko sa kanila na tila sabik na sabik na sa mga salitang bibitawan ko.

" Kamusta na po kayo? " Unang tanong ko.

Wala ng saysay pa kung itatatanggi ko na ako ang Csilla na kilala nila.

" C-csilla, m-my daughter... " Saad ng Duchess habang umiiyak samantalang ako ay nakangiti lang.

Wala ng saysay kung magtatago pa ako sa kanila.

" But, I-im not your d-daughter anymore, right? " Saad ko sa kabila ng pagkautal.

Wala ng saysay kung iiwasan ko pa na mangyari ito.

" N-no... A-anak ka pa d-din namin... " Saad ng Duke ngunit ngumiti lang ako ng malungkot.

Ngayon ay tanggap niyo ako bilang anak pero hindi ko na kailangan iyon.

" I believe na ang babaeng kasama niyo ay ang tunay niyong anak hindi ba? "

Ayoko ng bumalik at maulit ulit ang nakaraan.

" B-but, y-you're still our sister Csilla... So please... " Saad ni Young Master Clarence at tatango tango naman si Young Master Casus.

Gusto kong maging masaya, ako naman muna ngayon, sarili ko muna.

" May iisang Prinsesa ang ang Delavenax at hindi ako yon, hindi magiging ako yon anuman ang mangyari. " Matigas kong saad at hindi na sila binigyan pa ng pagkakataon para pa tumnggi at muling nagsalita.

" I'm happy na kumpleto na kayo, I'm happy na masaya na kayo but please, gusto ko din naman pong sumaya at sa lugar na ito... Dito ako masaya, dito ko nahahanap yung kalayaan at kasiyahan ko. " Saad ko at nagsimula na ding magsitulo ang mga luha ko.

" You have us Csilla!! Andito kami! " Saad ni Young Master Casus.

" But I don't need you! I don't want you! Hindi ba't mas dapat kayong matuwa na ibinalik ko sa tunay niyong anak ang posisyon niya?! Hindi ba dapat ay maging masaya kayo na wala siyang magiging kaagaw sa mga bagay na gusto niya?! Bakit niyo ba ipinipilit?! " Sigaw ko din pabalik at hindi na mapigilan ang paghagulgol.

" H-hindi ko kayo kailangan! Kaya pakiusap, iwan niyo na ako... Kalimutan niyo na naging parte ako ng ala-ala niyo. Isa na akong nakaraan na kailangan palayain at kalimutan... Please lang... Nagmamakaawa ako. " Saad ko at napaluhod na.

Kaya ko pa ba?

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now