Chapter 6

6.8K 350 48
                                    

Ramdam ko ang init na nagmumula sa init ng araw at wala sa sariling umungot dahil naabala nito ang mahimbing kong pagkakatulog.

Napangiti nalang ako nang mawala ang sinag ng araw at muli akong tinangay ng antok hanggang sa nakatulog na muli ako.

Makalipas ang ilang oras naramdaman ko nalang na may mga brasong nakapalibot sa akin at naramdaman ko din ang hiningang tumatama sa leeg ko at ang mukhang pilit sumisiksik sa leeg ko.

Hinayaan ko nalang iyon at muling natulog, pakiramdam ko ang pagod na pagod ang buong katawan ko.

Nagising nalang ako nang makaramdam ng gutom at dahan dahang bumangon. Masasabi kong sobrang pagod ako kahit na mahaba ang naitulog ko.

Dahan dahan akong nagpunta sa Cr kahit na sobrang sakit ng balakang ko tuwing naglalakad, matapos mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto ay dahan dahang bumaba.

Pagkababa ko ay dumeretso ako sa kusina para magluto at kumain para maibsan ang gutom ko.

Habang nagluluto ay naramdaman ko nalang ang pagpalibot ng isang braso sa bewang ko at hindi na ako nagulat nang lumutang ako kasabay ng pagpatong ko sa counter.

Napakamot nalang ako ng ulo nang makitang inagaw nila ang hawak hawak kong sandok at sila ang nagpatuloy sa pagluluto ko.

Hinintay ko nalang silang matapos sa pagluluto dahil hindi naman ako mananalo kung makikipagtalo pa ako sa kanila.

Inilagay na nila sa mesa ang pagkain at binuhat nila ako saka iniupo sa upuan bago simulang pagsilbihan.

Napapailing nalang ako habang pinapanood sila, sino bang mag-aakala na ang mga taong ito ay nandidito at pinagsisilbihan ako na parang reyna pero sa tingin ko at tama lang sa kanila na pagsilbihan ako lalo na kung pinagod nila ako magdamag kagabi.

Akmang ibubuka ko ulit ang bibig ko para sa paparating na pagkain nang biglang magmulat ang mga mata ko.

Sa pagdilat ng mga mata ko ay kasabay noon ang pagbaon sa ala-ala ng panaginip ko. Hindi ko maalala ang panaginip na iyon.

Napatingin naman ako sa mga taong nasa kwarto ko at saka naalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Hindi na ako nagulat ng bumigay ang katawan ko sa nangyari lalo na at may dala-dala iyong mabigat na emosyon.

“ Sweetheart? Are you okay? ” Tanong ni Daddy ngunit hindi ko siya pinansin at inilibot ang tingin sa kwarto.

“ You’ve been sleeping for 4 days Baby. ” Saad ni Mommy na ikinagulat ko saka pumorma ang mapait na ngiti sa isipan ko.

Talagang ganon kalaki ang epekto ng nakaraan ko lalo na sa mga taong nakapalibot sa akin.

“ You must be healed so we can celebrate your birthday. ” Saad ni Daddy ngunit muli nalang akong humiga at ipinikit ang mga mata.

Tama, malapit na ang birthday ko ngunit hindi ako masaya, hinding hindi ako magiging masaya lalo na at nandito ako.

Kasama ang mga taong nagawan ko nang kasalanan at ang mga taong nagbigay ng dilim sa makulay kong buhay.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakakalipas ngunit narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan ko at napagtantong mag isa nalang ako sa kwarto ko.

Dahan dahan akong bumangon saka tinignan ang labas sa bintana ko. Gabi na ngunit ang kaibahan, may mga bituin na nakasilip sa langit kasabay noon ang ideyang pumasok sa isipan ko.

Dali dali akong nagpalit ng damit at kumuha ng bag saka naglagay ng ilang gamit, gaya na lamang ng damit at gamot.

Kinuha ko din ang ilang mga alahas na alam kong malaki ang halaga saka binuksan ang alkansya ko.

Kinuha ko lahat ng laman noon at itinago din sa bag bago itinali nang mabuti ang bag sa katawan ko saka dahan dahang lumabas ng pintuan.

Tahimik ang paligid at sigurado akong tulog na sila lalo na at malalim na ang gabi.

Dahan dahan akong lumabas ng pintuan at nagpunta sa Garden, may nakita akong butas dito noon palabas ng buong Mansion kaya naman dito ang gagawin kong daan para tuluyan nang makaalis sa lugar na ito dahil sigurado akong mangyayari at mangyayari ang dapat na mangyari at siguradong masasaktan lang ako at lahat ng tao dito kung mananatili pa ako.

Tagumpay akong nakalabas sa butas at dali daling sumakay sa isang sasakyan at nagtago.

Makakalabas na rin ako sa wakas.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now