Chapter 5

6.9K 357 31
                                    

Mataas ang sikat ng araw at malakas ang simoy ng hangin habang sumasayaw ang mga bulaklak tuwing naihip ang hangin.

Hindi dapat ako lalabas ng kwarto pero wala akong magawa doon kaya naman nagpunta ako dito.

Dito ang lagi kong takbuhan tuwing malungkot ako at nag iisa, dito ko ibinubuhos ang walang katapusan na sakit na nararamdaman ko noon ngunit mukhang hindi ko na ito matatakbuhan pa lalo na at aalis na rin naman ako.

Tahimik akong nakaupo sa swing na nakasabit sa puno habang inaalala ang nakaraan ng makarinig ako ng mga papalapit na yapak hanggang sa sumalubong sa akin ang mga kulang pula ring mga mata. Si Kuya Clarence pala at nasa likuran niya si Kuya Casus.

Napatingin ako sa malayo at napaisip ng maiigi. Pula ang mga mata ko at ganoon din sa kanila habang asul naman ang kay Rishel.

Kaya naman walang naghinala na ampon lang ako dahil sa kulay ng mga mata ko habang ang mga mata naman ni Rishel ay nasabing namana kay Mommy na asul din ang mga mata.

Pero ang mga pulang mata nila ay punong puno ng galit at hinanakit na para bang isang galaw ko pa ay papatayin na nila ako.

Hindi iyon mawala sa isipan ko at gustong gusto ko itong mawala pero tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, iyon ang nakikita ko maging ang walang kasing dilim kong kinabukasan.

Gusto ko nang umalis dito at kung sakali ay hinding hindi na ako babalik pa.

Natatakot ako, natatakot ako sa magiging kinabukasan ko dahil hindi naman ako gaya ng mga bida sa kwento na matapang.

Ako hindi, ang kailangan ko ay mga taong mamahalin ako ng walang hanggan at handa akong protektahan sa kahit anong sitwasyon.

Gusto kong mamuhay malayo sa kanila, gusto ko ng tahimik at masayang pamumuhay pero paano ko iyon gagawin kung hanggang ngayon ay naririto pa rin ako at nakakulong sa malagim na ala-alang sinapit ko sa mga kamay nila?

“ Little sister… ” Alam kong kay Kuya Clarence iyon pero hindi ko siya hinarap at nagpanggap na walang naririnig.

Ang boses niyang puno ng buhay at pagmamahal na may kasamang pag-aalala ay ibang iba sa boses na ginagamit niya tuwing kinakausap niya ako noon.

Hindi ako sanay at ayaw kong marinig ang mga boses nila dahil pakiramdam ko nakatago lang ang totoong tono nila at ang totoo ay galit na galit sila sa akin.

“ Csilla? Are you okay? ” Tanong ni Kuya Casus ngunit gaya kanina ay hindi ko din sila nilingon pa.

“ Talk to us… please… ” Saad ni Kuya Casus ngunit hindi ko sila pinakinggan pa at nagsimulang maglakad papalapit sa kanila dahil iyon lang ang tanging daanan palabas ng Garden.

Akmang lalagpasan ko na sila ng bigla akong mapasigaw ng hilahin ako ni Kuya Clarence at hinawakan sa balikat.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at naalala ang isang pangyayari kung saan hawak hawak din niya ako sa balikat at nakataas ang isa niyang kamay para saktan ako.

“ Csilla? Why are you trembling? Kuya, Csilla is trembling! ” Rinig kong saad ni Kuya Clarence ngunit nadala na naman ako ng mga agos ng ala-ala ng nakaraan at hindi napigilan ang panginginig at paglabas ng mga luhang kahit kailan ay hindi mauubos.

Ramdam kong may kumuha sa akin at nagtatakbo habang hawak hawak ako hanggang sa marinig ko na din ang boses nina Mommy at iba pang mga tao pero wala akong naiintindihan sa kanila at patuloy pa din ang pag iyak kaya naman ramdam ko na ang paghirap ng paghinga ko hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

Ang gusto ko lang naman ay manahimik at pagbayaran ang kasalanan ko pero ibinalik ako dito dala dala ang mga masasalimuot na alaala ng hinaharap o nakaraan.

Ngayon, ang tanging gusto ko nalang ay makaalis dito at mabuhay sa malayong lugar kung saan ligtas at magiging masaya ang pamumuhay ko.

Iyon lang naman ang gusto ko pero bakit hindi iyon ang ibigay sa akin? Nakakapagod na, gusto ko nang sumuko.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora