Chapter 29

4.6K 218 9
                                    

Nauna akong pumasok sa loob ng Mansion at dumeretso sa opisina ng kambal, kita ko namang nakahinga sila ng mauwag ng makita nilang nakabalik na ako.

Hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at agad na nagtago sa mga bookshelves dito sa opisina ng kambal at maya maya pa ay may narinig na akong katok.

Pinapasok ito ng kambal at pinakiramdaman ko na ang mga ito.

“ Mga K-Kamahalan, ipagpaumanhin niyo po sana ang aming k-kaguluhan na nagawa ngunit kayo na lamang po ang aming m-mahihingian ng tulong. Ang mga o-opisyal po na h-humahawak sa amin ay p-pinapabayaan lamang kami at hindi p-pinapansin. ” Saad ng matanda at kita ko sa may butas na lumuhod siya na ikinagaya ng kasama niya.

“ What is it? ” Saad ni Galien.

" May mga b-barbarong umupunta sa amin at s-sapilitan kaming hinihingian ng p-pera at kung w-wala kaming maibibigay ay n-naninira sila ng aming m-mga gamit. T-tulungan niyo po kami.  " Saad ng matanda at yumuko hanggang sa tumama ang noo niya sa sahig na ginaya naman ng kasama niya.

Hindi ko akalain na may nagaganap na palang ganoon ngunit paanoong hindi ito umaabot sa amin at sa palasyo?

Pero ayon din sa kanila ay hindi sila pinapansin ng mga opisyal na humahawak sa kanila kaya hindi kataka-taka na hindi umaabot ang usapin na ito sa mga nakakataas.

Sumilip akong muli at pinagmasdan ang natahimik na kambal, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nila ngayon ngunit alam kong hindi sila tatanggi upang tulungan ang mga nangangailangan.

Maya maya pa ay tumayo sa kinauupuan niya si Valor at nagsalin ng ilang tsaa sa tasa saka naglakad papalapit sa dalawang taong nakayuko.

“ Tell us. ” Saad ni Valor at iniabot ang tsaa sa matanda na talaga namang ikinaiyak ng matanda.

Marahil ay nadala ng emosyon lalo na at may tutulong na sa kanila.

Nagsimulang magkwento ang matanda at ayon sa kanila tatlong linggo na ang nakakalipas mula magsimula ang mga pangyayari.

Bigla na lanang daw may dumating na mga barbaro at noong una ay hindi nila ito pinapansin at wala naman daw kakaiba sa itsura ng mga ito.

Pero bigla nalamang daw nagkaroon ng sigawan at hindi nila naiwasang tignan ito, doon nila nakita ang isa sa mga kasamahan nila na hawak hawak ng nga barbaro habang ang iba ay naninira ng gamit.

Doon na nagsimula ang problema nila at araw araw itong bumabalik para mag ikot at hingian sila ng pera dahil kung hindi ay naninira sila ng gamit o kaya ay sinasaktan sila.

Sinubukan daw nilang humingi ng tulong sa mga nakakataas sa lugar nila ngunit paulit ulit lang daw silang itinataboy.

Hanggang sa lumala na ang mga pangyayari at halos lahat sa kanila ay nakakaramdam na ng gutom at mga nagkakasakit na kaya nagbakasakali sila dito.

Matapos ang mahaba habang kwento ay nakaisip ako ng konklusyon.

Maaaring ang mga barbarong iyon ay tinakot ang mga opisyal upang hindi sila galawin o hindi kaya ay kaalyansa nila ang mga opisyal sa kaguluhang ito.

Hindi ko alam kung anong sinabi ng kambal dahil wala na rin doon ang atensyon ko hanggang sa lumabas na ang mga ito.

" You can come out now, Csilla. " Saad ni Galien na agad ko din namang ginawa.

Nang makalabas ako ay parehas na saakin ang atensyon nila at pinakakatitigan akong mabuti na ikinailang ko naman ng kaunti.

" Anong plano niyo? Kailangan nila ng mabilisang tulong. " Saad ko sa kabila ng pagkailang.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now