Chapter 20

5.6K 300 27
                                    

Ayon sa kontrata magtatrabaho ako bilang Secretary nila at hindi na din masama dahil meron akong tirahan, libreng pagkain at may sweldo din ako na mas malaki sa ordinaryong pasweldo sa mga Secretary na gaya ko.

Bukod doon ang kailangan ko lang gawin ay ang atupagin ang schedule nila, bigyan sila ng mga pagkain o kape lalo na pag nakakalimot sila sa oras at saka panatilihing malinis ang opisina nila lalo na at hindi sila nagpapapasok dito ng mga kung sino sino.

And I feel special noong ipagkatiwala nila ang lugar na ito sa akin and I will do my best to fulfill my responsibilities. Matapos nilang papirmahan sa akin ang kontrata ay dinala nila ako sa isang kwarto, ayon sa kanila iyon na daw ang permanente kong kwarto.

Malaki ang kwartong iyon at halatang mamahalin ang mga gamit kahit na mukhang simple lang. Meron na ding mga gamit doon gaya nalang ng mga damit at iba pang gamit na pangbabae.

Ayaw ko man ay binigyan pa din nila ako ng isang katulong na aasikaso daw sa akin. Ilang beses ko iyong inayawan ngunit ilang beses din nilang ipinilit kaya sa huli ay nanalo sila.

Hindi na din masama lalo na at may sariling pwesto si Dagit sa kwarto, isang malaking hawla na walang lock at may masasabitan sa loob kaya naman tuwang tuwa si Dagit.

Bago matapos ang araw na iyon ay humingi ako sa kanila ng pabor at iyon ay bumalik sa lugar na tinirhan namin sa bundok.

Pinagbigyan nila ako kaya naman kinabukasan ay pumunta na kami doon at pagkadating namin ay kinuha ko ang katawan ng pamilya ko at binigyan sila ng maayos na himlayan.

Muli akong napaiyak ngunit sa pagkakataon na iyon ay hindi ako mag-isa, dahil may dalawang Prinsipe na nakaalalalay sa akin.

Matapos namin silang bigyan ng maayos na libing ay bumalik ako sa dati naming bahay at kita ko namang namangha pa ang dalawang Prinsipe sa simple ngunit malaki naming bahay.

Kinuha ko ang mahahalagang gamit na naroroon gaya na lamang ng mga kakaibang bulaklak lalo na at gusto kong bigyan ng munting regalo ang dalawang Prinsipe sa pagtanggap sa gaya ko ng hindi man lang tinatanong ang nakaraan ko. Kinuha ko rin ang ilang paboritong gamit nina August, April at July.

Kinuha ko din ang nag-iisang alahas na natira sa akin mula ng tumakas ako sa pamilya ng Delavenax, isang brooch ito na nagpapatunay na ako si Csilla Cristina Delavenax, hindi ko din alam kung bakit itinatago ko pa ito pero hindi ko naisip na ibenta ito kailan man.

Isang linggo na ang nakakalipas mula ng magsimula akong magsilbi sa kanila at sa loob ng isang linggo na iyon wala namang problema akong kinaharap at medyo nasasanay na ako sa presensya ng dalawang Prinsipe lalo na at sila lang ang nakakausap ko bukod sa personal maid ko na si Aly.

Wala din namang kumakausap sa akin sa Mansion kung walang mahalagang sasabihin at lalo namang wala akong makakusap sa labas ng Mansion lalo na at hindi ako lumalabas at sinabihan din ako ng dalwang Prinsipe na mas mabuting manatili ako sa loob ng Mansion at pabor naman iyon sa akin.

Kasalukuyan akong nasa opisina ng dalawang Prinsipe at kasalukuyan silang nagtatrabaho habang ako naman ay nakaupo sa sarili kong mesa, oo pinalagyan nila ako sa sarili kong lamesa at may iilang gamit din sa mesa.

Binigyan din nila ako karapatan para basahin ang mga libro na naririto para daw hindi ako mabored.

Wala namang gawain na nakatoka sa akin kaya naman ito na ang tamang oras para ibigay sa kanila ang munting pabango na katatapos ko lang gawin kagabi.

Nakalagay sila sa munting babasaging bote at may ilang palamuti gaya na lamang ng mismong bulaklak na ginamit ko sa paggawa ng pabango.

Lumapit ako sa kanila at agad anmang nalipat sa akin ang mga paningin nila at hindi ko mapigilang mamula lalo na at titig na titig sila sa akin.

“ Ahm, I-I would l-like to t-thank you so… ” Panimula ko at agad na inilabas ang dalawang bote at ipinatong sa mesa nila.

“ Thank you! ” Saad ko at namumulang bumalik sa inuupuan bago takpan ng libro ang mukha kong paniguradong namumula na ng sobra sobra.

Nadagdagan pa ang pag-init ng mukha ko ng makarinig ang ng pagtawa sa kanila kasabay noon ay ang paghalimuyak ng pabango na mukhang binuksan nila.

“ It’s so fragrant, a perfect fragrance for us Csilla. ” Saad ng ikapitong Prinsipe.

“ We’ll use it, thank you Csilla. ” Saad ng ikawalong Prinsipe.

Lalo akong namula ng banggitin nila pareho ang pangalan ko sa iisang paraan, matamis at nakakakilig na tono ang gamit nila, mukhang magiging kamatis na ata ako sa sobrang pagkapula.

‘Wag naman sana.’

REBIRTH of the VILLAINESS🌟जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें