Chapter 9

6.2K 339 9
                                    

Napabangon ako sa pagkakahiga habang habol habol ang hininga.

Tumutulo ang mga pawis mula sa noo kasabay ang mga butil ng luha mula sa mga namumula kong mata.

Hanggang ngayon ay nakaimprinta pa rin sa isipan ko ang kaganapan bago ako putulan ng ulo sa harap ng maraming tao.

Ang mga matang puno ng galit at mga bibig na puro masasakit na salita lamang ang binibitawan, hanggang ngayon ay bihag bihag pa din ako ng nakaraan na iyon.

Bumaba ako sa kama at nagtungo sa Cr saka humarap sa salamin. Tahimik at magaan kong pinunasan ang mukha ko ng maligamgam na tubig.

Sa salamin ay makikita mo ang isang dalaga, nakasuot ng puting pantulog, may magulong buhok, pulang mata na pipikit pikit pa, ilong na hindi katangusan ngunit hindi din naman pango, mapupulang pisngi at mga labi, mahahaba at makakapal na pilik mata, ang kilay na may magandang hulma at buong mukha na makinis at maputi.

Ilang taon na ba ang nakalipas mula noong tuluyan kong tinakbuhan ang hinaharap? Ilang taon na ba ang lumipas mula noong pinili kong tumakas at magkaroon ng bagong buhay? Ilang taon na ang nakalipas mula noong idineklara kong hindi na ako Delavenax?

Napatingin naman ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ang tatlong binata at dalaga na parang dati lang ay sobrang dumi at gutom na gutom ngunit ngayon ay may maipagmamalaking itsura.

Pito, pitong taon na ang nakakalipas mula noong naging kasali ako sa pamilya nila at sa loob ng mga panahon na iyon ay unti unti akong nabuo muli ngunit gaya kanina ay may mga pagkakataon na dinadalaw ako ng bangungot na iyon.

Nag-ayos na ako at bumaba. Sa nakalipas na taon ay mas umayos ang buhay namin at gamit na din ang kaalaman ko sa nakaraan o sa mga mangyayari sa hinaharap ay natutunan kong kumita ng pera at maging maparaan.

Pumasok ako noon sa aklatan para mag ayos ng libro at dahil marunong na naman akong bumasa at magsulat ay itinuro ko iyon sa tatlo.

Nalaman din namin na marunong magmasahe sina July at August habang may kakayahan namang kumanta at sumayaw si April.

Pinagkakitaan namin iyon hanggang sa nakaipon kami at dahil na din sa may dala dala din akong alahas noon ay napaayos namin ang tinitirahan namin.

Meron na itong dalawang palapag at apat na kwarto na may tamang sukat bawat isa.

Hindi na din tumutulo ang mga bubong at ang dating walang kagamit gamit na bahay ay puno ng mga gamit.

Sa likod ng bahay ay may taniman kami doon ng gulay at prutas para may mapagkukunan din kami ng pagkain at hindi laging nakabili.

Kapag may sobra naman ay ibinebenta namin ito, natuto din na mag-alaga ng hayop sina July at August kaya may mga alaga din kaming baboy, baka at mga manok.

Dahil ang tahanan namin ay sa may gubat, walang sino man ang nakakapunta pa dito lalo na at pinaniniwalaan na delikado dito dahil sa mga mababangis na hayop ngunit maniniwala ba kayo ang sinasabi nilang mababangis na hayop ay siyang kalaro ng tatlo sa may labas ng bahay?

Hindi naman sila ganoon kabangis basta ay napaalam mo sa kanila na wala kang hinahangad na masama.

Nagtungo ako sa kusina upang kumain dahil tanghali na ako nagising sa kadahilanang gabi na kami natulog kagabi gawa na nagkasiyahan. Pagkadating ko ay mayroong tinapay, itlog at gatas na may takip takip.

Mabilisan ko iyong kinain saka lumabas ng bahay, agad naman nilang napansin ang presensya ko at akmang tatakbong lalapit sa akin ni April ng naunang tumakbo sa kanya si Hari, isang itim na oso na may pulang mata, may taas isang tatlong metro at talaga namang napakalaki niya.

Nakilala namin siya noong walong taon pa lamang ako, sugatan siya noon dahil sa pagpipigil sa mga taong nais sirain ang gubat kaya naman ginamot namin siya hanggang sa tuluyan na namin siyang naging kaibigan ganoon din si Dagit.

Isa siyang agila, isang napakalaking agila may sukat na isa at kalahating metro ang taas niya habang umaabot naman sa dalawa at kalahating metro ang lapd niya kasama ang mga makakapal at mabalahibo niyang pakpak.

Madami pang mga hayop dito na malapit sa amin gaya nalang ni Tapang na isang tigre at asawa nitong si Bangis na isang leon.

Gayon din si Likot na isang lobo, mahilig kasing magtatalon at sobrang likot niya.

Dahil nga sa walang nangangahas na pumasok sa gubat na ito ay ligtas ang lahat ng hayop na naninirahan, at maging kami ay ligtas sa lugar na ito.

Pitong taon na ang nakakalipas at labing apat na taong gulang na ako, ganap ng dalaga at kung iisipin ay dalawang taon mula ngayon ay magaganap ang hatol ng kamatayan sa akin sa nakaraan ngunit hinding hindi na iyon mangyayari.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon