Chapter 30

4.5K 254 24
                                    

Nagpatuloy ang mga araw at madalas ay labas masok na rin ako sa palasyo upang dalawin ang mga maharlika lalo na ang Reyna na talaga namang natutuwa sa presensya ko.

Nahirapan pa nga ako para payagan ng kambal ngunit sahuli ay pumayag din sila sa hindi ko alam na dahilan ngunit maganda na din iyon.

Sa pananatili ko ay maraming kwento na ang narinig ko mula sa Reyna lalo na tungkol sa kambal na talaga namang pumukaw ng atensyon ko.

At sa mga araw na iyon ay alam kong may nagbabago, alam at ramdam ko iyon.

Sa ngayon ay kasalukuyan akong naghihintay sa Hardin sa pagdating ng Reyna dahil napaaga ang dating ko.

Habang nag iintay ay nakaramdam ako ng bagong presensya at hindi nga ako nagkamali dahil may dumating.

" Greetings, Ladys. " Saad ko sa mga bagong dating at bahagyang yumuko ngunit hindi nila ako binigyan ng tugon.

Kung napapaisip kayo kung sino ang nasa aking harapan, ay walang iba kundi si Lady Carlos na naghahabol sa kambal at ang ilang mga kaibigan nito.

Sa isang saglit ay nakita ko nalang ang sarili kong pinalilibutan nila at tinatapunan ako ng masasamang tingin.

" You wench! We saw what you did! Nilandi mo Seventh at Eight Prince! " Saad ng isa sa kanila na hindi ko kakilala.

Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya, oo kasama kong dumating ang kambal sa palasyo ngunit hindi ko nilandi ang mga iyon.

Pakiramdam ko ay baligtad nga.

" Wag kang magsinungaling! Nakita kong dinikit mo ang sarili mo sa kanilang dalawa at nag lip bite ka pa habang namumula at nakatingin sa kanila! " Dagdag ng katabi nitong kinulang ata sa pagkain dahil sa sobrang kapayatan.

Hindi ba't napakagat ako sa labi at namula kanina dahil sa sobrang lapit ng dalawa sa akin, tipong naaamoy ko na ang preskong hininga na meron sila.

At saka hindi ko idinikit ang sarili ko sa kanila, pag ba hinapit ka ng isang tao papalapit sa kanila, lalayo ba iyong hinila?

Hindi ba't mapapalapit ka?

" It's all misunderstanding Miss please calm down. " Saad ko ngunit kay Lasy Carlos napunta ang atensyon ko ng bigla ako nitong sampalin.

Dahil sa sampal na hindi ko akalaing darating ay napatabingi ang ulo ko at naramdaman ko ay paggalaw ng maskara ko na ikinahawak ko kaagad dito.

" See Lady Carlos? Idini-deny pa niya! Sigurado akong gusto niyang agawin ang mga kamahalan sayo! " Sulsol ng isa na ikinatingin ko naman sa kaniya ng hindi makapaniwala.

Agawin?

Maaring gusto ko sila ngunit hindi ako mang aagaw!

At bakit ko naman aagawin kung hindi naman niya pagmamay ari ang kambal?

" Heh. I guess my warnings, you didn't get them all along noh? " Panimula ni Lady Carlos gamit ang malalamig niyang boses at mukha.

" I beg your pardon Lady Carlos pero walang katotohanan ang sinasabi nila. " Saad ko sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin dahil nakita ko nalang ang sarili kong hawak hawak ang dalawang lalaki na kung saan sumulpot.

Unti unting gumilid ang iba at pinanood kung paano kumuha ng maliit na kutsilyo si Lady Carlos.

Itinutok niya sa akin ang kutsilyo ngunit hindi ako natatakot, hanggang sa idikit niya ang kutsilyo sa mukha ko at pinagmasdan ang maskarang suot suot ko.

" For all the time I saw you, you're always wearing this mask of yours. Did you have something in your face? A scar? A hideous mark? I'm curious Csilla, your name is Csilla right? " Saad nito ngunit hindi ako sumagot sa lahat ng sinabi niya.

Wala akong itinatago at ang pagsuot ng maskara ay hindi ko ideya, kundi sa kambal.

" Afraid? But you're not." Tanong at sagot nito sa sarili.

" What a brave girl. Or perhaps, you're thinking that someone will save you? " Natatawa nitong tanong.

" But sorry to disappoint you girl, no one will come. They're busy… " Saad nito.

" They're busy receiving that envoy from that country. " Saad nito ngunit wala akong kainte-interes maliban na lang sa envoy na sinasabi niya.

Ito ba ang tinutukoy ng kambal na nagmula sa isang kaharian upang maghandog ng alyansa para sa dalawang kaharian?

" From Valexxi Kingdom. Yes that's it. " Saad niya na ikinawindang ko.

From Valexxi Kingdom?

Mula sa kahatiang pinagmulan ko at pilit na kinakalimutan.

" Now let's talk about your mask. "

Hind ba't noong isang araw lang ay ang Prinsipe ng kahariang iyon ang nakaharap ko? 

Sino naman kaya sa pagkakatong ito?

Ngunit tila sinagot ng itaas ang katanungan ko dahil noong pagkakataong tatanggalin na ni Lady Carlos ang maskara ko ay ang siyang pagdating ng isang lalaki.

Nakita ko kaagad ang pamilyar na pulang mata na iyon lalo na ang mukhang iyon na hindi naiiba sa kaniyang itsura sa unang buhay ko.

Ang lalaking iyon, ang lalaking akala ko ay magiging sandigan ko. 

Ngunit isa lang din siya sa tumingin sa akin na tila ako ang pinakamakasalanang tao sa buong mundo.

Ang inakala kong kapatid…

" What are you guys doing? "

Ang panganay ng pamilyang iyon…

Clarence Delavenax.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα