Chapter 13

5.8K 269 7
                                    

Agad din nila akong iniwan noong tuluyan na nila akong naipasok sa isang kulungan. Mag-isa lang ako dito sa madilim at malamig na kulungan kaya naman mas ramdam ko ang lungkot at sakit sa nangyari kanina at mukhang muling nagbukas ng tuluyan ang sakit mula sa nakaraan, nagsama-sama sila at mukhang hindi ko kakayaning umahon sa unti-unting pagkalunod ko. Unti unti ako nitong hinihila pababa.

Nanlalaki ang mga mata at agad na napatayo ng makarinig ng pamilyar na tunog saka inikot ang buong kulungan hanggang sa may nakita akong bakal at buong lakas na hinila ito upang pumasok ang liwanag mula sa labas at agad na nagtama ang mga pula kong mata at ang dilaw na mata ng isang malaking ibon na nasa harap ko ngayon.

“ Dagit…… ” Naiiyak na tawag ko hanggang sa maalalang hindi siya kasama sa mga walang awang pagpatay ng mga lalaking iyon at mataimtim akong nagpasalamat dahil kahit papaano ay hindi nila kinuha sa akin lahat.

“ Umalis ka na dito Dagit, bumalik ka sa gubat. ” Saad ko ngunit parang wala itong balak na sumunod pero ayaw ko siyang mahuli at magaya kina Hari, siya nalang ang natitira sa akin dahil miski sarili ko ay nawala na rin.

“ Umalis ka na Dagit!!! ” Pabulong kong sigaw ngunit tuloy tuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko ay may parte sa akin na ayaw siyang paalisin dahil ayaw kong mag-isa, nakakalungkot mag-isa.

Dali-dali naman siyang lumipad ng ilang beses ko pa siyang ipagtabuya, malungkot ako dahil muli na naman akong mag-isa pero nakaramdam din ako ng ginhawa dahil sigurado akong magiging maayos siya.

Mukhang hanggang dito na lang din ang tahimik kong buhay dahil sa oras na ilabas ako doon at ibenta, magiging higit pa sa impyerno ang magiging buhay ko at sisiguraduhin kong ako mismo ang babawi ng buhay ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakayuko at nakasiksik sa sulok ng marinig ko ang mga yapak na papalapit sa kulungan na kinalalagyan ko at nang magtaas ako ng tingin ay isang lalaki ang nasa harap ng kulungan ko na tila tinatanaw nito kung may tao sa loob at kita kong kinuha niya ang susi sa bulsa at akmang bubuksan ang pintuan ng selda ng napatingin siya sa likuran niya kasabay noon ang takbuhan at tili na nagmumula sa ibang kulungan.

“ Oras na para iakyat sila. ” Rinig kong sigaw ng isang boses at lalong lumakas ang tilian mula sa ibang selda.

Ibig bang sabihin ay oras na para ibenta kami? Napatingala naman ako at napapikit.

Hanggang dito nalang ba talaga? Wala na bang pag-asa?

Ilang minuto ang lumipas ng biglang may pumasok sa kulungan na kinalalagyan ko at napapikit pikit ako ng itapat nila sa mukha ko ang ilaw at nakakasilaw ito.

Naramdaman ko nalang ang dalawang kamay na humawak sa braso ko at hindi na ako nanlaban pa tutal dito nalang din naman ang bagsak ko.

Hinayaan kong tangayin nila ako paakyat hanggang sa naririnig ko na ang Host ng nagaganap na bentahan maging ang mga tilian at sigawan.

Pinahilera nila ako at ako ang pinakadulo.

May lumapit naman sa akin na babae at madiin na pinunasan ang mukha ko at kita ko ang ngisi niya ng tuluyang malinis ang mukha ko, binigyan niya ako ng itim na maskara kasabay ng pagtulak niya sa akin papuntang entablado.

Kusa nalang din akong naglakad papunta doon kesa naman kaladkadin pa nila ako.

“ Please welcome! The most special girl of the night! ” Saad ng Host hanggang sa nasa harap na ako ng madaming tao at kita ko ang mga singhapan nila habang manghang nakatingin sa akin.

Nagsimula na nila akong presyuhan at mukhang hindi mahalaga sa kanila kung ano ang mukha ko sa likod ng maskara o talagang naiisip nila na dahil tinawag akong special ay maganda na agad ako?

Hindi ko na alam kung anong nangyayari pero ang alam ko lang mataas na ang presyo ko at madaming nag-aagawan para makuha ako.

Pero sino bang may sabi na sasama ako ng buhay sa kanila? Kung gusto nila, dalahin nila ang bangkay ko.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now