Chapter 3

7.3K 353 28
                                    

Kasalukuyan akong nakatingin sa bilog na buwan, hindi ito nagniningning gaya ng kinagisnan.

Maging ang mga bituin na gabi gabi kong tinatanaw ay hindi mo masisilayan sa kalangitan.

Para bang dinadamayan ako nito sa nararamdaman kong kalungkutan. Hanggang ngayon ay wala pa ring sagot sa lahat ng katanungan.

Kung ano ang dahilan kung bakit ako ibinalik sa katakot takot na nakaraan.

“ Csilla? Why are you still awake? ” Isang tanong na nagpagising sa akin mula sa malalim na pag iisip.

Hinarap ko ito at doon natagpuan ang kinagisnan kong Ina.

Agad ko ding iniwas ang tingin dahil hindi ang nag-aalalang mga mata niya ang nakikita ko kundi ang malamig at puno ng galit na mga mata ang nakikita ko.

Ganito lagi ang nangyayari mula noong makabalik ako.

Iniiwasan ko ang lahat ng naririto at mas ginugustong manatili sa kwarto at isa sa labis kong iniiwasan ay ang Ina ko.

Buti na lamang at wala dito ang Ama ko at ang dalawang kapatid na lalaki dahil mas mahirap umiwas kung madaming iiwasan.

Pero kahit na umiiwas na ako sa kanya ay natatagpuan ko nalang siya na nasa loo ng kwarto ko at sinusubukan akong kausapin, o di kaya naman minsan ay madadatnan ko nalang siya sa umaga na nakatabi sa akin at mahigpit na nakayakap.

Kahit anong pilit ko, hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ang Ina na minamahal ko.

Hindi ko kayang makasama siya dahil bumabalik lahat ng mga ala alang nagdulot ng sakit sa puso ko at pakiramdam ko, malapit na kong sumabog. Malapit na malapit na.

“ You have to sleep now baby… ” Saad niya at akmang lalapit ng unahan ko na siya.

Nilagpasan ko siya at maayos na umakyat sa kama bago siya tinalikuran at ipinikit ang mga matang wala ng buhay.

“ O-okay… G-goodnight sweetie… ” Saad niya hanggang sa marinig ko nalang ang pagsarado ng pintuan.

Walang sakit na mas tutumbas sa mga sakit na nararamdaman ko at ang tanging gusto ko lang ay ang malayo sa lugar na ito.

Malayo sa mga tao na gusto kong iwasan at hindi na makasalamuha pa. Ako ba ang dapat na sisihin dahil sa mga nangyayari?

Pero biktima din ako, biktima ako ng tadhana. Isa lang naman akong bata, batang walang ibang gusto kundi pagmamahal.

Pero kahit katiting walang nagbigay sa akin. Na kahit na anong pagmamakaawa na gawin ko, para lang akong isang hangin.

Hindi nakikita, na para bang hindi ako nabubuhay sa mundo.

Tinangay ako ng antok habang umaagos ang mga luha sa mga mata ko hanggang sa tuluyang nagdilim ang paligid.

“ Young Lady, darating po ngayon ang Master at ang mga Young Masters. ” Saad ng isa sa mga tagapag-alaga ko habang sinusuklay ang kulang itim kong buhok.

Babalik na sila at mas mahihirapan ang magiging buhay ko dito kaya kailangan ko ng umalis.

Ayokong manatili dito dahil hindi ko kaya at hindi din naman sila ang tunay kong pamilya.

Kaya wala ng dahilan pa para manatili ako dito, tama na ang anim na taon na pamumuhay sa mga Delavenax lalo na kung malapit nang dumating ang tunay na Prinsesa.

Bumaba na kami ng hagdanan at dama ko ang gulat ng lahat ng makitang mag-isa akong bumababa sa hagdanan na wala man lang alalay.

Ayoko, Ayokong umasa sa kanila lalo na kung kaya ko naman.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdanan ay may huminto ng sasakyan sa labas kasabay ng mga pagpasok ng tatlong lalaki na tumakwil sa akin.

Ang Ama ko, si Kuya Casus at si Kuya Clarence.

Kita ko ang saya sa mukha nila ng makita ako ngunit walang emosyon na mukha ko lamang ang sumalubong sa kanila hanggang sa wala kang ibang maririg sa paligid kundi ang mga tunog ng ibon at pumapasok na hangin habang walang emosyon akong nakatitig sa kanila kasabay noon ang pagpasok ng mga alaalang sana ay makalimutan ko na lang.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now