Chapter 12

5.8K 291 17
                                    

Tulala ako habang inaalala ang nakaraan. Kung paano kailangan pa naming pagtulungan gisingin si August noong unang beses siyang nakapag-alaga ng baboy dahil nakawala iyon at kailangan niyang habulin.

Kung paano namaos si April at hindi na makapagsalita noong una niyang ginamit ang boses niya para kumita ng pera.

Kung paano kinailangan pa naming hanapin buong maghapon si July dahil tumakas siya sa mga kalokohan na ginagawa nina August at April.

Kung paano ako pinipilit nina April at Augustt na mamahinga mula sa walang katapusan na trabaho na kahit si July ay tahimik na sumasang ayon sa dalawa.

Hanggang ala-ala nalang, hanggang memorya nalang, lahat ay nakaraan nalang, mag-isa nalang ako.

Yung pamilyang nakasama ko sa loob ng pitong taon, walang awang pinatay kahit wala namang ginagawang masama sa mismong harap ko.

Ako na pinatay sa harap ng mga taong mahal ko habang sila na pinatay mismo sa harap ko, ang kaibahan nga lang aminado ako na masama ako pero sila?

Mga inosente sila eh, unting asar mo lang kung hindi nagtatampo, babawian ka. Masaya na nga sila kahit ang pagkain lang namin ay yung tinapay doon sa tindahan nung Lola.

Pero wala na sila, binawi sila sa akin ng mundo na para bang wala akong karapatan na maging masaya.

Ilang araw na ba ang nakalipas mula ng mangyari ang araw na iyon? Araw pa lang naman ang nakakalipas pero para sa akin ay taon na.

Hindi ko na nga alam kung nasaan ako at kung ano ng lagay ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari.

Namatay si August habang pilit lumalaban, namatay si April para iligtas ako mula sa bala na dapat ay akin at namatay si July ng tumama sa kanya ang bala kahit na gusto lang naman niyang lapitan si April.

Lahat sila bumagsak sa harap ko.

Hindi nila ako pinatay noon at kinaladkad lang saka sapilitang pinasakay sa Truck.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil wala silang ginagawang masama sa akin o magalit dahil hindi nila ako pinatay gaya ng ginawa niya sa mga kapatid ko.

Ilang araw na din umaandar ang Truck na sinasakyan namin at ayos sa pagkakarinig ko ay pupunta kami ng Sentro ng kaharian.

Sana ay pinatay na nila ako. Ayokong mag-isa, nakakatakot dahil kinakain ako ng lungkot at inggit para sa ibang pamilya na buo at may masayang pagsasama na wala ako ngunit ng mabiyayaan naman ay agad ding binawi.

“ Bumaba ka na! ” Saad ng lalaki sa labas kasabay ng pagbukas ng pintuan at unang sumalubong sa akin ang mataas na sikat ng araw at ang mahigpit na paghigit sa akin papalabas ng sasakyan.

Luminaw ang paligid at wala akong makitang kahit ano sa paligid maliban sa malawak na lupain na punong puno ng mga damo at isang malaking tunnel at sa tingin ko, sa loob niyan ang magiging panibagong buhay ko ngunit ang kaibahan nga lang ay impyerno ito.

Tinulak nila ako at kasabay noon ang pagbukas ng tunnel, ilang minuto kaming naglakad hanggang sa may makita akong pintuan at naunang pumasok ang lalaking humila sa akin pababa.

Pagkapasok namin ay amoy ko na agad ang alak, dugo at usok na nagmumula sa sigarilyo.

Matapang kong tinignan ang paligid at nakitang madaming babaeng nagsasayaw sa gitna ng kwarto, mga nakahubad ay may mga sariwang sugat at dugo na umaagos sa katawan nila.

“ Yan ba ang sinasabi mo? ” Napatingin naman ako sa isang banda at nakita ko ang isang lalaking mag itsura at mga nasa edad 20 lang siya pero halatang napariwara sa buhay at walang ibang alam kundi ang magsaya at magpahirap sa mga tao.

“ Opo Baron Josme. ” Saad ng lalaking kasama ko.

Nagtama naman ang mga paningin namin ng Baron na sinasabi at hindi ko binawi ang tingin ko sa kanya na nagresulta ng ngisi sa labi niyang halos magkulay ube na.

“ Feisty. ” Saad nito at tumayo saka hinila ang bisang babaeng nagsasayaw sa gitna at walang awang sinabunutan saka nilamas ang isang dibdib nito na ikinaiyak namang ng babae sa sakit.

“ Hindi ka natatakot ah? Dalhin niyo yan sa kulungan, mapapakinabangan natin siya sa auction mamaya. ” Saad noong Baron na agad naman na ginawa ng mga lalaki.

‘May dapat pa ba akong ikatakot lalo na at ako nalang naman ang natitira?’

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now