Chapter 24

5.1K 260 19
                                    

Wari ko ay nabingi ako kasabay ng pamamanhid ng katawan ko.

Pakiramdam ko ay nasa isa akong magandang panaginip kanina ngunit ngayon ay nasa isang bangungot na.

Hindi ko akalain na ganitong magaganap, isang surpresa na talaga namang ikinagulat ko.

Sino ba namang hindi maguhulat kung makikita mo ang lalaking minsan mo ng pinaglimusan ng pagmamahal ay nasa harapan mo at naglalakad papalapit sa direksyon mo.

Pilit kong pinahinahon ang sarili ko dahil alam kong makakaagaw ako ng pansin kung hindi ako kakalma.

Kung mapapansin ako ng mga ito ay paniguradong magtataka sila dahil hindi pa naman kami nagkikita at hindi din kami magkakilala.

Sa panahon na ito ay wala akong kaugnayan sa kanya kaya dapat akong huminahon, walang lugar ang kaba at takot sa oras na ito.

Pinagmasdan ko siya at kahit may takip na maskara ay hindi nito nahaharangan ang angking kagwapuhan at nakita kong wala pa din talagang nagbabago lalo na ang mga walang emosyon niyang itim na mga mata, mga matang minsan lang nagkakulay tuwing tumitingin siya sa kanya.

Bakit ba inaalala ko pa iyon?

Naipailing iling nalang ako at tumitig sa magkabilang gilid ko ng maramdamang may pumalibot na dalawang matitigas na braso sa akin.

At hindi nga ako magkamali ng naisip na ang kambal iyon na ngayon ay nasa dalawang gilid ko at hawak hawak ang bewang ko na tila isang babasaging bagay na kalangang pakaingatan.

Akmang magsasalita ako ng makitang tumahimik ang buong silid na ikinataka ko kaya naman muli akong humarap sa harapan at mahina pang nanginig ng magtama ang mata namin ng lalaking iyon.

Ang Prinsipe ng Valexx Kingdom, si Calipsus.

Hindi ko alam pero napabalik nalang ako sa sarili ng naramdamang humigpit ang pagkakahawak ng kambal sa bewang ko.

Nagpatuloy na din sa paglalakad ang Prinsipe mula sa ibang kaharian ngunit naiwan sa isip ko ang pagtataka.

Bakit niya ako tinutigan ng matagal? Aksidente lang ba iyon o nakikilala niya ako? Pero hindi pa naman kami nagkikita sa buhay na ito kaya medyo malabo.

Lumapit si Calipsus sa harap ng mga maharlika at bahagyang yumuko bilang paggalang saka narinig ko na naman ang boses niyang malalim at tila walang kahit anong emosyon ngunit mas lamang naman si Galien kaysa sa kanya.

Matapos bumati ay napatawa ang Hari at sinabihan siya na magsaya lamang sa pagdiriwang na ito na ikinatango naman nito ngunit bago pa ito umalis, muli na namang nagtama ang mga mata namin na agad ko ding ikinaiwas.

Matapos noon ay naramdamang kong iginaya ako ng kambal sa lamesa na kinalalagyan ko kanina at natuwa ako ng makitang madaming pagkain ang nandoon lalo na ang mga minatamis.

Agad akong umupo at maayos na nagsimulang kumain ngunit napakurap kurap ako ng maramdamang may katabi ako.

Napatingin naman ako doon at nakita ang dalawang mukha na nakatingin din sa akin.

" Ano pang ginagawa niyo dito? " Tanong ko, hindi naman sa ayaw konsilang paalisin pero dapat ay nasa kani-kanilang trono na nila sila bilang maharlika.

Umiling naman ng sabay ang dalawa ngunit hindi sinagot ang tanong ko at inabutan pa ako ng juice.

Wala naman akong nagawa kundi hayaan nalang sila dahil desisyon na naman nila iyon sa buhay at hindi na kailangang pakialaman pa.

Lumipas ang mga oras at medyo nakakaramdam na ako ng pagkainip, hindi naman ito gaya sa Mansion ng kambal na komportable lalo na at madaming mga mata ang nakatutok sa akin na para bang may gagawin akong hindi maganda.

Hindi na naman bumalik pa sa kailang mga trono ang kambal ngunit naalis din sila sa inuupuan nila para makihalubilo sa iba at dahil may ibabpansilang dapat asikasuhin kaya naiiwan akong mag-isa.

Kung alam ko lang na ganito pala ang mararanasan ko paglabas at hindi na dapat ako sumama lalo na kung nasa iisang lugar lang pala kami ng lalaking minahal ko ng buo noong unang buhay ko.

Kung tatanungin niyo ako kung mahal ko pa siya, hindi ang isasagot ko marahil hindi pagmamahal ang naramdaman ko noon oara sa kanya.

May posibilidad na isa lang iyong ilusyon para pagtakpan na uhaw ako sa pagmamahal at atensyon na hindi ko makuha sa pamilya ko kaya hinanap ko sa iba.

At kung minahal ko man siya noon ay hanggang nakaraan nalang din iyon dahil sa mga nakalipas na panahon mula ng magbalik ako dito ay hindi sumagi sa isip ko ang ganang mga bagay bagay.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pasimpleng lumabas ng Hall. Wala naman akong alam na tambayan sa lugar na ito ngunit ang pinakamagandang puntahan ay ang Hardin.

Nakita ko ang magagandang halaman na nadaanan namin kanina papunta dito kaya naman sigurado akong maganda din ang Hardin dito.

Nagtingin tingin ako sa paligid at pilit nahinanap ang Hardin hanggang sa natunton iyon ng mga paa ko.

Tama nga ang hinala ko na may kakaiba itong ganda lalo na ang mga nagkikislapang alitaptap.

Napakagandang tanawin, kay sarap pagmasdan at masayang bigyan ng pansin maliban nalang kung may sumira nito.

Doon ko muling nakasalubong ang dalawang itim na mata.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now