Chapter 19

5.5K 302 14
                                    

Kinabukasan ay lahat ay umalis dala dala ang mga pera na ibinigay sa kanila para sa kanilang panibagong buhay at maniwala man kayo o sa hindi, tanging ako lang at si dagit ang nanatili dito.

Hindi naman ako nagtataka kung bakit dahil bukod sa may uuwian pa sila na pamilya ay bakit ko nga ba nakalimutan na kilala ang dalawang Prinsipe sa kakaiba nilang ugali kaya naman mas pinipili ng karamihan na umiwas sa kanila ngunit may ilan pa din talagang walang pake kung kinabukasan ay wala na siyang hininga, kagaya nalang ng babaeng nasa harapan namin ngayon.

“ Tell me, who is she?! ” Pagwawala nito at nakita ko na lamang na nakahilot ng sintido ang ikapitong Prinsipe habang wala namang emosyon ang ikawalong Prinsipe ngunit halata naman siguro na hindi siya gusto ang babaeng nasa harapan namin ngayon na basta-basta nalang talagang nasulpot.

Gaya ng dalawang Prinsipe ay gusto ko ding mawala ang babaeng ito dahil mukhang hindi na kayang magpigil ni Dagit at iyon nakalabas na ang mahahaba niyang kuko.

Napabuntong hininga nalang ako at napaisip kung paano nga ba napunta sa ganito ang sitwasyon. Matapos umalis ng lahat ay pinatawag ako ng dalawang Prinsipe, marahil ay para kausapin lalo na at ako lang naman ang natira dito.

Nagpunta ako sa opisina nila kasama si Dagit na nasa balikat ko. Pinapasok kami ng ikapitong Prinsipe at saka nila ako pinaupo sa isang upuan, hindi ko nalang pinansin ang pagtabi nila sa akin at hinayaan si Dagit na lumipad patungo sa lamesa at doon nagmatyag.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang babaeng ito na madaming kolorete sa mukha at nagpupuyos sa galit na tila ba nahuli niya ang asawa niyang nangangaliwa. At nang makita niya ako ay lalo siyang namula at nagsimula ng magsisigaw.

Wala akong halos maintindihan dahil na din sa sunod sunod niyang salita na para bang nakikipaghabulan sa kabayo at iyon ang nangyari at hanggang ngayon ay nagtatatalak talak pa din siya na dinaig pa ang makina ang bibig.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa ako nakinig sa mga sermon niya at sa pagwawala hanggang sa makita ko nalang siyang nakatayo at masama na ang tingin sa akin.

Tinignan ko naman siya pabalik lalo na at wala naman akong dapat ikatakot. Sa huli siya din ang nagbawi ng tingin at saka naman umeksena ang dalawang Prinsipe.

" What are you doing here Lady Carlos? " Tanong ng ikapitong Prinsipe habang nakangiti ngunit napakapeke at isang bulag ang babaeng ito kung hindi niya iyon makita, at tama isa nga siyang bulag dahil agad siyang namula kahit na mukhang naligo ng puting pintura ang mukha niya.

" I-I would l-like to visit the t-two of you… " Saad nito at todo kurap ang mga mata niya.

Did she think she's cute? Because she's not, literally. I want to puke.

" You can leave now, we have some business to deal with. " Saad ng ikapitong Prinsipe at muli na namang bumalik ang pagka-amazona ng babaeng nasa harapan namin at masama na naman ang tingin sa akin.

" You! Who are you?! What are you doing here?! Why are you bothering them?! " Sigaw nito habang nakaturo sa akin.

Hindi ba siya napapagod na magsisigaw? Dahil ako, kami, napapagod na sa nakakairita niyang boses idagdag mo pa ang mukha niya.

Hindi sa nanglalait ako pero kalait lait talaga siya.

Napabuntong hininga nalang ang ikapitong Prinsipe at biglang may mga pumasok na lalaki sa loob ng opisina at kinaladkad papalabas ang babaeng iyon at parehas naman kami ng babaeng iyon na gulat marahil ako ay humanga habang siya ay hindi makapaniwalang pinakaladkad siya papalabas ng opisina.

Sana hindi ko na siya makita pa. Napabalik ang atensyon ng dalawa sa akin at kita ko ang pagod na ekspresyon sa mukha nila.

Parang gusto kong ipakalmot ang babaeng iyon kay Dagit, sabi niya ginugulo ko daw ang dalawang Prinsipe, ano tingin niya sa sarili niya? Biyaya?

Mga clown nga naman, patawa na nga masyado pang assuming at out of the world ang pagkafeelingera. Napabalik nalang ako sa sarili ko at napatingin sa ikawalong Prinsipe ng may iabot siyang folder sa akin.

Kinuha ko naman iyon at binasa, kita ko naman sa gilid ko na nagulat ang dalawa dahil marunong akong magbasa ng English lalo na at iilan lang ang may kaya noon. Matapos kong basahin ay hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ang nilalaman ng folder ay isang kontrata, hindi ko alam kung bakit nila inoffer sa akin ang ganitong bagay pero bakit hindi ba? Malaki ang makukuha kong benepisyo lalo na at kakasimula ko palang dito sa Sentro.

Tumingin ako sa dalawang Prinsipe na nakatingin din sa akin at inaabangan ang sagot ko, gusto kong matawa lalo na at napakaseryoso ng ekspresyon nila idagdag mo pa na ramdam ko ang kaba nila, at nakakamangha iyon dahil kinakabahan sila dahil sa isang tulad ko.

Ngumiti ako sa kanila at kita ko pagningning ng mga mata nila habang nakatingin sa akin.

" Then, we're at your care. " Sabay na saad ng dalawa at ngumiti, hindi malamig o mainit ang kung ano sa ekspresyon nila ngunit mahalaga na iyon sa akin lalo na ang posisyon na meron ako.

Secretary.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now