Chapter 31

4.1K 210 1
                                    

Sa pagdating ni Clarence ay agad akong binitawan ng mga lalaking may hawak sa akin kasabay ng mga hakbang ni Clarence papalapit sa amin.

Nang tuluyan siyang huminto sa harapan namin ay pinagmasdan niya kaming mabuti hanggang sa huminto ang mga titig niya sa akin kasabay ng bahagyang panlalaki ng mga mata niya.

Nakilala niya kaya ako?

Nanatili pa din siyang nakatingin sa akin na tila ba may inaalala hanggang sa may kung sinong tumikhim na ikinabalik ni Clarence sa sarili niya.

As far as I can see, malaki din pala ang pinagbago niya sa una kong buhay dahil noon, tuwing makikita ko siya ay para banag galit na galit siya sa mundo, ngunit ngayon ay may maliwanag syang awra na nakapalibot sa kanya.

Talaga ngang iba na ang naging takbo ng tadhana mula noong nakabalik ako.

" Ehem, what are you guys doing again? " Tanong nitong muli at iniiwas ang tingin sa akin ngunit bumabalik balik iyon.

" Excuse me? But who are you? " Tanong ng isa sa mga babaeng kasama ni Lady Carlos.

" Pardon my manners. I'm Clarence Delavenax the heir of the Duke Delavenax from Valexxi Kingdom. " Saad nito at yumuko gaya ng isang maginoong lalaki.

Kita ko naman ang interes na naglaro sa mga mata ng mga kaibigan ni Lady Carlos ngunit agad din iyong nawala ng makita kung kanino nakatingin ang lalaking pinagkakainteresan nila.

At walang iba kundi sa akin.

Napairap nalang ako sa inakto nila ngunit agad ding inayos ang sarili upang makapagpaalam na dahil maaring lumala ang lahat at baka maging sanhi pa ito ng malaking problema.

" It's nice to meet you Sir Clarence, please excuse me. " Saad ko at bahagya pang yumuko ng kaunti saka naglakad papaalis.

Kita ko pa sa gilid ng mata ko na gusto niya akong pigilan ngunit hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tutulan pa ako at agad na nawala sa paningin nila.

Andito si Kuya Clarence, siguro naman siya lang ang nandito di ba?

Ngunit lahat ng isiping iyon ay biglang nawala ng makita ang isa pang pamilyar na mukha.

Ang mukha ng tunay na nag-iisang Prinsesa ng Delavenax, ang babaeng bigla na lamang dumating at kumuha lahat ng meron ako dati.

Si Rishel Delavenax.

Kita ko ang ganda na meron siya gaya noong unang buhay ko, maging ang pagiging mahinhin na wala ako.

At base sa itsura niya ngayon ay mas naalagaan siya ng ayos kesa noong unang buhay ko, marahil ay wala ako sa paligid niya kaya naman mas kaaya aya ang itsura niya ngayon.

Mukha ding masaya siya kaya siguradong masaya din ang dati kong pamilya lalo na at walang ako na kontrabidang hahadlang sa kasiyahan nila.

Bakit siya nandito?

Ibig bang sabihin ay kasama din siya sa mga ipinadala dito?

Sino pa? Sino pa ang mga nandito?

Mula sa pagkatulala ay muli akong napabalik sa sarili ng bigla na lamang humarap si Rishel sa akin kasabay ng pagtama ng asul niyang mata at pula kong mata.

Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya hanggang sa bigla nalamang siyang yumuko na hindi ko na natugunan at tinalikuran siya bago iwanan.

Hindi pa ako handa, wag muna ngayon.

Nagmamadali at mabilis ang bawat hakbang ko papaalis sa lugar na ito, natatakot ako na baka kapag may makasalubong muli ako sa hindi inaasahang pagkakataon.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko inasahang may mga makakabangga akong tao sa pagliko ko na naging dahilan para matumba ako sa lakas ng impact at matanggal ang maskara ko.

Kinuha ko ang aking maskara at pinagpagan saka itinaas ko ang paningin ko, doon ko nakita ang isang babae at lalaki na nahawak sa isa't isa na gaya ko ay nakatingin sa akin.

Napapikit pikit pa ako hanggang sa naramdaman ko nalang na tila tumigil ang paghinga ko maging ang pagtibok ng puso ko.

Bakit sila pa?

Kita ko kung paano nila ako titigan ng mabuti na tila para bang kinikilala at akmang magsasalita na sila ng mapatingin ako sa gilid ko at doon nakita ang kambal na nagmamadaling lumapit sa pwesto ko.

Agad akong tumayo sa pagkakatumba ko at itinakip ang maskara sa aking mukha nahulog kasabay ng pagdating ng kambal.

" What's happening here? Are you okay? " Tanong ni Valor habang tinititigan ang buo kong katawan.

Tumango naman ako sa tanong nito at muling napatingin sa mag-asawang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

" Mom? Dad? " Napatingin naman kaming lahat sa bagong dating na lalaki.

Buong pamilya nila ay naririto at hindi ako naging handa sa pagkakataon na ito.

Hindi ko akalain na darating din pala sa ganitong punto ang lahat.

" Duke Delavenax and and Duchess Delavenax. " Malamig na saad ni Galien na ikinatingin naming lahat sa kaniya.

Yumuko naman ang dalawa maging si Casus sa dalawang Prinsipe ngunit kita ko ang pagsilip sa akin ng mag-asawang Delavenax pero hindi ko na iyon pinansin pa at bumaling sa kambal.

" L-let's go. " Saad ko na ikinatango naman ni Galien at Valor.

" See you later to the party. " Saad ni Valor at tinanguan ang tatlo saka ako hinawakan sa bewang paalis.

Hindi na ako muling lumingon pa dahil baka hindi ko mapigilang at pagkawala ng maraming emosyon ko habang nakikita sila kasabay ng mga ala-alang pilit kong kinakalimutan.

Naalala ko ang itsura nila ngayon at ang gaan ng awrang nakapaligid sa kanila, mukhang ayos lamang sila at walang masyadong kinakaharap na problema.

Mukhang ang pag-alis ko ay naging malaking tulong sa kanila.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now