Chapter 23

5K 255 5
                                    

Unti unting bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa amin ang tahimik na paligid miski ang musika ay natahimik, tila ba mas malakas pa ang tibok ng puso ko kesa sa lugar na ito.

Naramdaman ko naman ang kaunting pagpisil sa parehas braso ko at napatingin ako sa kambal na nakatingin lang sa harap.

Huminga akong malalim saka kinalma ang sarili kahit na pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ko ang aking puso.

Hindi ko naman kailangan matakot dahil wala akong dapat katakutan lalo na at nakamaskara naman ako.

Pinagmasdan ko naman ang paligid at talagang mayaman ang kaharian ito lalo na kung nasadisplay lang ang mga dyamante at ginto.

Maging ang mga taong nakatira dito ay mayayaman dahil ang mga suot nila ay paniguradong gawa sa pinakamagagandang tela.

Naglakad kami sa pulang carpet hanggang sa makarating kami sa harapan ng mga Trono.

Sampung trono kasama ang trono ng Hari at Reyna na ngayon ay tinitignan ako ng may ngiti sa labi na ikinapula ko sa di malamang dahilan. Yumuko naman ako para magbigay galangat mahinang nagsalita.

" Greetings to the Royal Family of Kingdom Neospal. "

Saad ko at nakarinig ako ng pagsinghap kaya naman napataas ako ng tingin at nakitang nagniningning ang mga mata ng Reyna na nakatingin sa akin habang ang kamay ay nasa bibig niya na wari'y nagulat siya.

Napatingin naman ako sa magkabilang gilid ko dahil hindi ko alam kung anong dahilan ng reaksyon ng Reyna. Napatingin din ang dalawa sa akin at nagkibit balikat na ikanakurap kurap ko. Ha? Ano bang nagyayari?

" There's nothing to worry about Dear Csilla, it's just that your voice is sweet like honey. " Saad ng Reyna na ikinatango ko ngunit agad ding namula ng marealize ang sinasabi ng Reyna.

Nakarinig naman ako ng mumunting tawa ngunit hindi na ako nagtaas pa ng tingin at kunwaring inayos ang palda ng suot kong dress.

" Now, now, now let's enjoy the party ey? " Saad ng Hari na agad kong ikinatango habang palipat lipat na tinignan ang Hari at ang dalawang Prinsipe na katabi ko.

Magkamukhang nagkamukha sila, napakaduga nga naman ng sistema ng pagbubuntis at ang magiging resulta nito dahil Ina ang nagdala ngunit sa Ama naman nagmana.

Umakyat naman sa kanilang trono ang kambal habang ako ay muling yumuko saka umupo sa malapit na mesa na inihanda daw ng kambal sa akin.

Agad namang may mga pagkain na lumapag sa mesa ko na ikinapagpasalamat ko. Masaya lang akong kumakain kahit na ramdam ko ang mga madidiin at nag iinit na titig sa akin ng karamihan.

Ang pinakanangingibabaw sa lahat ay ang mga titig ni Lady Carlos na mukhang nais butasin ang ulo ko na ikinatawa ko nalang.

Abala lang ako sa pagkain at paminsan minsan ay pinapanood ang paligid hanggang sa may narinig akong usapan di kalayuan at tungkol ito sa bisita sa pagdiriwang na ito at ito daw ay mula sa mga ibang kaharian.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba ngunit agad din iyong nawala ng makita kung sino ang nasa harapan ko, ang ikapitong Prinsipe.

“ May I have a dance from you, My Lady? ” Tanong nito at saka ko napansin na nabago na pala ang musika at madami ng nagsasayaw sa gitna.

Ramdam ko din ang mga titig ng mga taong malapit sa amin, kung sa bagay sino ba namang hindi mapapaisip kung bakit ako isasayaw ng ikapitong Prinsipe na kilala sa buong kaharian dahil sa taglay nitong kakayanan?

Napailing nalang ako saka ipinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakaalay.

Naglakad kami papunta sa gitna at madami namang nagbigay daan sa amin, hindi ko nalang sila pinansin at ipinatong ang kamay sa balikat at kamay niya habang ang mga kamay namain niya ay nakahawak sa bewang ko at ang isa ay nakahwak din sa aking kamay.

Nagsimula na kaming gumalaw at masasabi kong daig namin iyong mga bida sa isang fairytale dahil pakiramdam ko kumikinang ang paligid hanggang sa namalayan ko na ibang tao na pala ang nagsasayaw sa akin.

Ang ikawalong Prinsipe.

Hindi ko alam kung kailan siya nakarating dito ngunit masaya na din ako dahil nakasayaw ko siya. Sa kanilang dalawa ay kahit malamig siya parati ay may naitatago naman siyang init.

Sumabay kami sa agos ng kanta at para sa akin ay isa din iyon sa mabagal na mga pangyayari na naranasan ko.

Nakatingin kami sa mata ng isa’t isa at tila nag uusap kahit hindi. Talagang mag kambal sila ano?

Parehas kasi nilang naipapadama sa akin ang naipapadama ng isa’t isa. Idagdag mo pa na parehas sila ng mukha ngunit may magkaiba namang pagkatao.

Nakakamangha, parang ako yung Prinsesa at sila ang mga Prinsipe. Napakurap kurap nalang ako bigla at naibaba ang tingin ko, kusa ding kumunot ang noo ko sa naisip.

Anong Prinsesa Prinsipe? Anong sinasabi ko?

Akmang kakalas na ako ng tumunog ang isang bell sa gilid kaya naman napatahimik lahat maging ang musika ay natigil at napatingin kaming lahat ng tumayo ang Hari at mukhang may iaanunsyo.

Please welcome, Crown Prince Calipsus Peurnago of Valexxi Kingdom. ” Saad ng Hari kasabay ng paninigas ko.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now