Chapter 5 (Wish)

82 13 61
                                    

When a person is overwhelmed by distressing thoughts, feelings, or memories, focusing on something physical in their surroundings can help them feel grounded.

: Medically reviewed by Alex Klein, PsyD — Written by Jamie Smith

--

"I started playing drums when I was 6 and that drum stick was given to me by my grandfather, who is also a drummer."

"That's when my dream started. I wanted to be part of a famous band who inspires a lot of people through music." Habang nagsasalita siya ay pinunasan niya ang mga natirang luha ko gamit ang isang panyo.

Half of the stick was painted in a blue green color, while the other half was left natural. Ibinigay niya sa akin ang isa pang kapares nito.

"It is made of maple. As you can see, it has a large diameter but wasn't really heavy."

I tried to weigh it and just like what he said, it felt light. Para bang nawalan ako ng boses dahil hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko ay mauutal lang rin ako kapag sinubukan ko.

Patuloy pa rin siya sa pagkwe-kwento na may kinalaman sa drums habang ako ay tahimik lang na nakikinig. Tinuruan niya rin ako kung paano magpaikot ng stick sa kamay.

"Yzel!" I heard a familiar voice shouted. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses nito at nakita sina Ate Yssah at Ate Maphie kasama ang apat na bodyguards ko na tumatakbo palapit sa akin.

"Are you okay?" I forced a smile and nodded.

"Oh? Ikaw yung sa mall," Ate Maphie said as he noticed Nihan beside me.

"Yes po," sagot niya.

"Thank you so much for being with Yzel." Ate Yssah said and help me get up. 

"Walang anuman po, I was just passing by actually."

"We're going to take her home na," aniya. Kinuha naman ni Ate Maphie ang sling bag ko.

"Ingat po kayo," Nihan said. I couldn't have an eye contact with him so I chose not to look anymore.

If he wasn't there to bring me back to reality, I might be still having hallucinations and acted like a lunatic.

days have passed, nakakulong lang ako sa bahay. Hindi ako pinapayagang lumabas ng pamilya kapag walang nakabuntot na bodyguards hangga't hindi nahuhuli ang sex addict na iyon.

Ang tanging pinagkakaabalahan ko na lang ay pag ba-boxing work out para lang maalis sa isipan ko ang nangyayari. Looking back at how I've acted that day, I feel ashamed.

Akala ko okay na ako.

Labis pa ang pagmamayabang ko na kayang-kaya ko na itong labanan pero nang malaman na nakatakas ito sa kulungan, kinain nanaman ako ng matinding takot.

I hate myself for being mentally weak.

Sunod-sunod na suntok ang ibinigay ko sa punching bag na may nakadikit na mukha nito. Nakakainis. Nakakagalit.

I was about to throw another punch when a hand stopped me from doing so. Nakaramdam ako ng kilabot nang dumampi ang balat nito sa akin.

"You're bleeding," When I heard that it was a man's voice, I gritted my teeth. Agad ko siyang tinuhod sa sikmura at sinuntok sa pisngi kaya wala sa oras itong bumagsak sa sahig.

"Fuck," he cussed. I gasped when I saw his face.

"West," I uttered almost speechless. Sakto namang pumasok si Ate Ysha sa fitness room na may dala-dalang isang tray na miryenda.

"West!" she exclaimed in surprise and rushed up towards him.

"Yzel, what the hell?" sambit niya pa nang makita ang munting sugat sa gilid ng labi ni West. Pinalitan ko na lang ng isang awkward na ngiti ang masasamang tingin niya sa akin.

Beat of Mellow Hearts (Band Series #2)Where stories live. Discover now