Chapter 4 (Drum Stick)

103 13 59
                                    

"You may proceed to the business office. After that, come back here and show me the receipt so I could sign my signature." I stated in detail and smiled.

Tumango siya sa akin ng nahihiya atsaka umalis na. Ngayon ang enrollment ng mga first year at isa ako sa mga nagpa-process ng documents nila dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga enrolling officer na kung saan ay mga teachers rin.

Kulang sa student leaders ang department namin dahil ang iba ay out of town pa kaya tinawagan ako para tumulong.

Hindi na nga ako sumali sa organizations dahil nakakapagod but look where I am right now. Kung hindi lang dahil sa request ng President namin, siguro natutulog pa rin ako ngayon.

Tumingin ako sa mga nakapilang estudyante at mukhang mas lalo pang humaba ang linya kaysa kanina.

"We need two photocopies of your report card Ms. Quia," I said as I was checking her documents. She looked exhausted already so I gave her a soft smile. Sa laki ba naman ng school na ito at iba't ibang buildings na kailangan nilang puntahan para magpapirma, mauubusan talaga sila ng lakas.

"Mayroong nagpapa-photocopy sa library, diretsuhin mo lang ang hallway na 'yan, may makikita kang signage," ani ko at tinuro sa kanya ang daan.

"Sige po. Kailangan ko pa po bang pumila ulit?"

"No need."

"Thank you po."

Lumipas pa ang isang oras, nakaramdam na ako ng pananakit ng pwet at likod. I was just stretching a bit when the next girl in line talked to me.

"Hi Ate, Kailan po ang enrollment ng mga incoming 2nd year?"

"Next next week," maiksing sagot ko. I was caught off guard when she brought her face close to mine. "So ibig sabihin po ba pupunta rito sina Kuya Cyrus?" Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya.

Who the hell is Cyrus?

"Eh si Kuya Nihan po?" tanong pa ng isa na sa tingin ko ay kaibigan niya.

Nihan.

I just hope it is not the Nihan I knew. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko naman alam kung sino ang sinasabi nila.

"Ang enrollment ng higher years ay pwedeng walk-in o di kaya online. So we're not sure if Elipsis will come here themselves," sagot ni Aziza na kaklase ko.

Makikita naman ang pagkadismaya sa mga mukha nila sa narinig.

"Magpe-perform po ba sila sa First Day?" tanong niya ulit.

"Sad to say, hindi. They have a scheduled gig that day."

Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng dalawang 1st year. "You are now officially enrolled. Welcome to Clandistined University," ani ko matapos maipasok sa system ng school ang mga pangalan nila.

"Thank you po!" sabay na sagot nila.

"Just wait for our post on our official page for your orientation."

"Okay po Ate. Have a nice day po." Tumango lang ako at ngumiti. Nang makaalis sila ay agad kong tiningnan si Aziza. "Who are they talking about?" I asked cluelessly.

"Mga student ng department lang talaga natin ang kilala mo no?" natatawa niyang sambit. Sumandig na lang ako sa upuan ko at nagkibit balikat. Bakit ko pa sasayangin ang oras kong kilalanin ang mga taong walang kinalaman sa field na pinasukan ko?

She picked up her phone and showed me a picture of a band on stage.

"Our number of enrollees increased since they studied here. They are called Elipsis. Tiningnan ko ng maiigi ang mga itsura nila at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Nihan sa litrato.

Beat of Mellow Hearts (Band Series #2)Where stories live. Discover now