Chapter 21 (Childhood Best friend)

40 1 0
                                    

Nihan was complaining about my writing all day at hindi niya talaga ako tinitigalan hangga't hindi ako pumapayag sa request niyang ipaliwanag sa kanya ang mga sinulat ko. Binigyan ko na nga siya ng copy ng sarili kong reviewer, may gana pa siyang magreklamo.

Napakaarte.

Sinasagad niya talaga ang kabaitang taglay ko eh.

"Ba't ba lagi kang nakabusangot pag ako kaharap mo?" Serenity pouted. Wala siyang nakuhang sagot mula kay Cyrus kaya nanahimik na lang siya muli sa isang tabi. She kept on spinning her pen while trying her best to focus.

Napailing na lang ako.

Nihan insisted that we should do our project at the same time the review session sa condo unit niya dahil pinapabantay sa kanya si Enzo. Hindi na rin naman ako tumanggi dahil aside sa comfy na nasa bahay lang, wala ring mga matang aaligid.

Atsaka baka kung anong isipin nina Dad kapag nalaman niyang mag-isa akong pumunta sa bahay ng lalaki kaya sinama ko si Sere.

... and I didn't know Cyrus would be here.

So that's how we landed on this situation.

Napainom na lang ako ng juice.

"Nakakahiya namang inire ka ni tita para sakin tapos bubusangot ka lang," makapal na sambit niya.

Muntik ka nang mabuga ang ininom pero mabilis na tinakpan ni Nihan ang bibig ko kaya nalunok ko rin ito ng wala sa oras.

Cyrus put down his iPad and stood up.

"Its past 12. I'll cook our lunch."

"Tulungan na kita." Parang buntot na sumunod ang kaibigan ko kay Cy.

"Don't burn the kitchen Serenity," I reminded. Lumingon siya sakin at binigyan ako ng kakaibang tingin na para bang may nasabi akong hindi dapat.

"What? Nakalimutan mo na atang halos masunog mo ang buong --"

"A-AHEMM ANONG LULUTUIN NATIN CY?" she covered up.

"I don't need your help."

"... but I need you though."

Napapikit na lang ako at malalim na bumuntong hininga. Serenity will definitely pursue him. Kadalasang isang araw lang nagtatagal ang paghanga niya sa isang tao dahil madali siyang nagsasawa lalo na kapag araw-araw niyang nakikita.

... but he's been into Cyrus for a damn week.

I don't know where's this chasing a lion will lead.

**

"Emotions or feelings have long been decided by purely rationalistic perspectives as having no place in a properly executed moral decision," I read out loud.

Hindi ko talaga matanggap na hindi niya ito naiintindihan kaya habang binabasa ko ito ay labag pa sa loob ko.

"... but this statement should be reviewed. We are neither robot or a computer, and what make us a human being is because we have emotions. Not all the time our decision was purely based on objective reasoning. Minsan, nahahaluan din talaga ito ng feelings," mahabang paliwanag ko habang malayo ang tingin.

"... that's why we do impulsive actions, and the interplay between reason and emotion can lead us to unanticipated choices. All in all, it says that we should exclude emotions from making decisions because it deviates us from what is ethically just."

"Alam mo ba yung kasabihan na tulak ng bibig, kabig ng dibdib," I continued and diverted my attention back at him but I didn't notice he was this close.

Beat of Mellow Hearts (Band Series #2)Where stories live. Discover now