Chapter 3(Block)

74 12 45
                                    


"Ano bang nagawa mong katarantaduhan Nihan?!" sigaw ko habang tumatakbo. God knows how much I am scared right now because of the big guys chasing us.

"Wala ah!" tanggi niya pa na napakaimpossibleng paniwalaan dahil sa sitwasyon namin ngayon.

"Damn you Nihan! Nakapatay ka ba?!" Hindi ko na talaga mapigilang hindi mag overthink. Imbes na sumagot ay pinagtawanan niya lang ako.

"HAHAHAHA! Nakapatay pa nga HAHAHA!" Tumigil siya sa pagtakbo kaya napatigil rin ako. Hawak-hawak niya pa ang kanyang tiyan ay humagalpak siya sa tawa. Napatingin ako sa likod namin at buti na lang ay hindi pa kami naaabutan.

"Then why the fuck are we running for our lives?!"

"... because my love life is at stake?" aniya na mukhang hindi pa siya sigurado sa sinagot. Nagpameywang ako at hindi makapaniwala tiningnan siya.

"Seriously Nihan? Anong pake ko sa love life mo?!" Mas lalo siyang ngumisi. "Oo nga naman. Eh kaso angganda ng timing mo kanina kaya sinama na lang kita," mapanloko niyang sambit.

Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to.

"Bakit mo pa kasi ako dinamay?"

"... because I wanna run with you," he said playfully as he tilted his head a bit.

"Siraulo ka ba?" inis kong sabi. "Syempre gusto kong makasama tumakbo ang isang marathon runner. Once in a lifetime opportunity lang yun no." Inuubos talaga ng lalaking 'to ang pasensiya ko.

"Sino bang nagsabing marathon runner ako?!"

"Ay, hindi ba?"

Lord..

Magsasalita na sana ako nang may marinig kaming mga yapak at boses na tumatawag ng 'Young Master' papunta sa amin. "Are you ready for another lap?" tanong niya na animo'y nasisiyahan pa sa pinanggagawa namin.

Hinawakan niyang muli ang kamay ko at tumakbo na naman kami.

Masasabi kong napakababaw lang ng kaligayahan ng isang 'to dahil abot tenga ang mga ngiti niya. Pinagtitinginan din kami ng mga taong nadadaan namin.

Ewan ko ba kung dahil hinahabol kami ng mga guwardiya o dahil sa asul na buhok ni Nihan na mala kpop idol pati na rin ang mala koreanong itsura niya.

"Anong paborito mong part ng manok?" random na tanong niya kahit na hinihingal.

"Chicken breast."

"Bakit chicken breast? Kasi wala kang breast?" nakangisi niyang sagot.

Lord..

Kung hindi lang kami hinahabol ngayon ay nabangasan ko na 'to e!

"Hulaan ko sayo."

"Sige nga?"

"Pwet ng manok."

"Bakit pwet ng manok?"

"Eh kasi putak ka ng putak tanginang yan! Tumakbo ka na nga lang!"

"HAHAHAHAHA!"

Matapos ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng matinding pagod. Tumigil na rin ako sa pagtakbo nang mapagtantong hindi na sila nakasunod sa amin at mukhang tagumpay namin silang nailigaw.

Napasandig na lang ako sa pader habang habol pa rin ang hininga.

"Hey! Why did you stop!?" aniya. Medyo malayo na siya sa akin kaya siya sumigaw. Hindi ko na lang ito sinagot at sa halip ay inirapan lang siya.

Paniguradong lagot ako kina Mom and Dad kapag nalaman nilang umalis ako ng resto at iniwan sila ng walang paalam kaya kailangan kong makabalik agad.

Lumapit siya sakin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at maya maya pa ay may namuong munting ngiti sa labi niya.

Beat of Mellow Hearts (Band Series #2)Where stories live. Discover now