Chapter 9 (Safe and Sound)

74 5 27
                                    

They all gave me terrified looks as they stared at me. They probably worry that the same thing from 8 years ago will happen again if he is freed from his cage for a long time.

Takot rin ako na sa kabila ng lahat ng treatment na natanggap ko ay mababalik ulit ako sa dati. Na lahat ng pinagdaanan ko para lang mamuhay ulit ng normal ay mauuwi lang sa wala.

Dad suddenly dialed a number which I didn't expect.

"This is an emergency. Gather all--" Nang mapag-alaman ko ang gagawin niya, ay pinigilan ko na ito.

"Dad!" I shouted. He was about to call his high caliber guards to secure my safety. But I don't want that, I will literally feel like I was still a kid.

"What if's lang naman yon. I'm just speculating, don't go overboard," I added. Bigla namang kinurot ni Ate Ysha ang pisngi ko kaya napangiwi ako sa sakit dahil bumaon ang mahaba niyang kuko.

"Aray!"

"Kaka-overthink mo, pinakaba mo kaming lahat alam mo ba yon?"

"Hindi," mabilis kong sagot at nginisihan siya. She released her hands off of my cheeks and I ended up massaging it.

"Yzel has a point. You should summon our guards now sweetheart," Mom stated.

"Wag na, Mom. All of the things I said are impossible to happen. Atsaka, this is our family outing. Ayokong pinapaligiran ako ng mga taong di ko kilala. Tutal kapag nakauwi na tayo at kapag nagsimula na ang klase ko, araw-araw nanamang may nakabuntot sa akin," pahayag ko na may halong lungkot at kaunting inis na rin.

Inis, dahil wala na akong privacy. Lahat ng galaw ko, ng mga nakakasalamuha ko, nirereport nila kay Dad. I'm sick of it but I was left no choice.

"Yzel, we just want to protect you," Ate Yssah said. I just forced a smile.

"I know. That's why I am always complying with whatever you want for me," I replied. Dad ended the call so I was secretly in relief.

"Basta kapag may napansin kang kakaiba sa paligid mo, sabihin mo agad sa amin okay?"

"Yes Dad."

Pagkatapos naming kumain, nilibot namin ang buong camp site gamit ang five person bike. May mga ibang action-filled recreational activity din pala sila rito tulad ng zip line, bungee jumping, at rock climbing kung kaya't wala kaming pinalampas at sinubukan namin itong lahat.

Habang nagsasaya kasama ang pamilya ko ay hindi ko rin mapigilang hindi mabahala sa maaari niyang gawin kapag natyempuhan niya akong mag-isa.

Ano bang dahilan bakit siya tumakas sa kulungan? limang taon na lang, makakalaya na rin naman ito, pero sa ginawa niya, paniguradong madadagdagan ang sentensiya niya sa kulungan.

"Yzel! Picturan mo 'ko dali!" ani Ate Ysha kaya napunta sa kanya ang buong atensyon ko. Lumapit ako sa kanya at napataas ang gilid ng labi ko. Nakatayo siya sa gitna ng malaking nakaguhit na pakpak sa pader. Madami ring nakapila para makapagpicture kaya inaya ko siyang umalis na.

"Wag na Ate, di bagay sayo," prangkang saad ko kaya napasimangot siya.

"Wala akong pake, kukunan mo ako ng litrato o hindi?"

"Magagalit sayo si Santanas. Wala namang pakpak ang mga alagad niya." Dahil sa sinabi ko ay nagsitawanan ang mga taong nakapila. Hindi na tuloy maipinta ang mukha ni Ate.

"Charot lang," malambing na sabi ko at kinuha ang phone sa bulsa.

**

Totoo nga ang sabi nila na kapag madami kang ganap ay madaling matatapos ang araw at mabilis ang takbo ng oras, kapag naman wala kang ginagawa, sobra pa sa pagong ang paggalaw ng espada ng orasan.

Beat of Mellow Hearts (Band Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu