Part Forty One

7 2 0
                                    

Dwight's Pov

"Hoy, kinakabahan talaga ako, andiyan na ba sa loob ng bahay niyo ang parent's mo?" ako rin kinakabahan pero naniniwala ako na magiging okay ang lahat kaya wala kang rapat na ipag-alala.

"Wala ka namang rapat na ikakaba, nasabi ko na sa kanila na they need to be nice sayo kaya, don't worry na! Pasok na tayo?"

"Sige na nga, tara na," sa wakas pumayag na siyang pumasok sa loob, ang rami rin kasing lamok rito sa labas.

"Wait lang..." hindi talaga siya mapanatag, what I am going to do? Paano ko siya makakalma?

Tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang aking noo.

"Happy birthday honey ko, this is the first time na makakasama mo ako sa pinaka-importanteng moment ng buhay mo, gusto ko lang malaman mo na, kung ano tayo ngayon, ganito na tayo forever, I hope na magustuhan mo ang gift ko sayo, I love you!" Hinalikan niya ang magkabila kong pisngi, tsaka inabot ang gift niya sa akin, I can't wait na i-open 'to. I'm excited na!

"Nagkakamali ka," panimula ko kaya siya naman ang nakakunot ang noo ngayon.

"Hindi ang birthday ko ang pinaka-importanteng araw sa buhay ko, dahil ang makilala ka at maging girlfriend kita, iyon ang the best na nangyari sa buhay ko. I hope na someday, papayag kang patungan ang apelyido ko. Future Pearl Rian Samonte Cheon," ang ganda ng pangalan niya kapag nakapatong sa apelyido ko.

"Para ka naman nang mag-po-propose sa way ng pananalita mo," soon, I will do that, and I hope 'yes' ang isasagot mo sa akin.

"Bakit, gusto mo na ba akong mag-propose sayo?" naka-ngisi kong tanong.

"Of course hindi pa pwede, let's finish our studies muna," yeah, we need to secure our future muna.

"Yeah, tapos kapag kinasal na tayo, let's make a baby, dalawa," maybe a twin babies. Ang cute naman, happy family!

"Loko ka, iyan na kaagad ang iniisip mo, ipakilala mo kaya muna ako sa parent's mo, pwede?" so did I convinced her na pumasok na sa dining room?

"Let's go, ready ka na bang ma-meet ang future in laws mo?" please, sana maging okay ang lahat. Huwag naman sana akong mapahiya sa honey ko.

"Siya ba?" yeah, my one and only honey!

"Yeah," iyan lang ang isinagot ko, no need to explain why!

"Mabuti naman son may nagawa kang tama sa buhay mo, look, your girlfriend looks so stunning. Your so gorgeous hija," oh mom, mabuti naman at may nagawa ka ng mabuti.

Niyakap pa niya ang honey ko kaya nabigla ako.

"Thank you po tita," iyan lang ang sinabi niya dahil siguro kinakabahan pa rin siya. Mga babae nga naman, hindi gano'n gano'n maaalis ang kabang nararamdaman.

"Magalang pa! By the way, maupo na kayo, hihintayin lang natin ang dad ni Dwight bago tayo kumain," I don't want to call him dad, ayoko dahil iisa lang ang dad ko.

"Hindi kayo kasal kaya hindi ko siya tatawagin ng dad," bakit ba kasi ipinagpipilitan niya sa akin ang lalaki niya kung gayong ayoko sa kanya? So annoying!

Nakatingin sa akin ngayon ang honey ko at parang nagtataka kung ano ang nangyari, pero nag 'what' look lang ako sa kanya.

"Okay ka lang?" tumango siya kaya napanatag naman ako.

Ang tagal mag-bihis, paimportante kasi, hindi ba niya alam na may bisita ako ngayon? Nakakainis! Bwisit!

"Sure ka?" paninigurado ko pero tango lang ulit ang isinagot niya sa akin.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now