Part Twelve

3 4 0
                                    

Dwight's Pov

"Mahilig ka sa mga paintings?" bahagyang tanong ko sa kaniya. Dadalhin ko siya sa kwarto ko na magiging kwarto rin namin one day kapag kinasal na kami.

"Ahm oo," naka-ngiti niyang saad.

"So, magaling kang mag-pinta?" basta tungkol sa kaniya ang isang bagay, uusisain ko talaga para lang malaman ko ang mga bagay na rapat kong malaman tungkol sa kaniya.

"Nope, mahilig lang ako sa mga paintings pero hindi ako marunong mag-pinta!" o 'di sige, magaling akong mag-pinta at siya hindi, ako na lang bahala na mag-pinta at siya na lang ang bahala na mag-receive ng mga magagawa ko.

"Never mind!" sanay na talaga akong maging cold, pero wait, kaya kong maging sweet kahit ngayon lang.

Dumiretso na lang ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Nauhaw ako sa ginawa sa akin ng mga gagong iyon.

I saw her in my eye sight na nasa pintuan na pala at nakatingin sa akin. Mas lalo ko pang nilagok ang juice na kinuha ko sa ref at nagkunwari na wine iyon at nagkunwari rin na naglalasing ako.

"Ah, Dwight?" narinig ko siyang nag-salita pero hindi ko siya nilingon.

"Uuwi na ako, malalim na kasi ang gabi!" pagpapatuloy niya.

"Uuwi ka na?" tanong ko ngunit hindi pa rin sa kaniya ang tuon ng aking mga mata.

"Oo, baka kasi hinihintay na ako ni Momm-" hindi na niya naituloy ang kaniyang sinasabi kasi tumunog ang kaniyang tiyan.

So cute, she's hungry na. Pero bakit siya nagpapagutom, baka kung anong mangyari sa kaniya.

"Hindi ka pa ba kumakain? Parang nagpaparamdam na ang tiyan mo ah!" napapa-iling na saad ko.

"Oo eh, bumili kasi ako ng dessert tapos hindi na ako naka-balik kasi nakita kita na ginugulpi ng mga lalaki kanina!" don't do that next time, ayoko nang nagpapa-gutom ka.

"Ganiyan ka ba talaga?" tanong ko habang nagpapa-linga linga siya sa paligid, dahilan rin para malaya ko siyang matitigan.

"Huh?" kunot noo niyang tanong.

"Kaunting bagay lang na-a-appreciate mo na, this kitchen is not important to me kahit na mahilig akong mag-luto. Pero ikaw, kahit na hindi sayo ang kusinang 'to, namamangha ka pa rin, you appreciated it kahit na hindi mo naman pagmamay-ari!" ani ko tsaka sumimsim iniinom kong juice na nilagay ko pa sa wine glass para mas maging kapani-paniwala na wine nga ang ininom ko.

Ang totoo niyan, noong nakaraan ko lang pinagawa ang kusinang ito, nang malaman ko na mahilig siyang mag-luto pinagawa ko kaagad 'to, para kapag dumating ang araw na mag-asawa na kami, hindi na siya mahihirapan sa pagluluto.

"Siguro, iniisip mo kung bakit ikaw ang ginagawa kong cook sa office natin 'no?" I suddenly asked, alam ko kasi na nagtataka na rin siya sa mga ikinikilos ko.

"Parang ganoon na nga, paano mo nalaman?" balik na tanong naman niya sa akin.

"Syempre, ganoon naman talaga ang mga tanungan sa ganoong bagay. Pero sorry for that ah, nagustuhan ko kasi ang timpla mo sa adobo kaya ikaw lagi ang ginagawa kong taga-luto, and I am sorry for that!" and that's the fact kung bakit siya parati ang pinagluluto ko sa SSG office.

At bakit ko 'to inamin sa kaniya? Wala rin namang magiging saysay dahil ang akala niya'y lasing lang ako kaya ko nasasabi ang mga bagay na ito.

"Favorite mo?"

"Oo, since bata pa ako, iyon ang palagiang niluluto ni Mom noon para sa akin." I smiled bitterly dahil naaalala ko na naman kung paano ako pabayaan ni Mom noong mga panahon na kailangan ko siya. Naging busy siya sa sarili niyang mundo, sa business world.

"Eh ngayon ba, hindi ka na niya ipinagluluto?" hindi na dahil may bago na siyang pinaglulutuan, ang boyfriend niyang hindi ko tanggap.

I slowly nodded, "Yeah, busy kasi siya sa sarili niyang mundo. Businesses world!"

"Now, can you cook for me?" kailangan kong maging sweet sa kaniya para bumalik ang nararamdaman niya sa akin.

"S-sige!" base on my explanation, kapag raw nauutal ang isang tao kapag kaharap ka niya, ibig-sabihin, may gusto sayo ang taong iyon. Kaya masasabi ko na gusto pa rin niya ako.

"Then I can cook for you para fair!" yeah, at kaya ko 'yong gawin hangga't mabalik ang rati niyang nararamdaman sa akin.

Kinuha ko ang camera ko sa drawer at pinipicturan siya nang hindi niya namamalayan, kagaya na lang kapag nakatalikod siya. Pero kapag lumilingon siya sa akin, tinututok ko naman sa ibang direksyon ang camera. Dagdag pa iyon na album para sa secret room ko na mukhang hindi niya napapansin sa isang banda.

Para surprise, tinakpan ko muna ang niluto ko para sa kaniya.

"Before we eat, i-text mo muna ang mom mo. Sabihin mo na bukas ka na lang umuwi. Gabi na rin kasi, eleven na oh. Weekend naman bukas kaya you don't have to worry, ako na mismo ang mag-hahatid sayo bukas!" seryoso kong saad. Tsaka gusto ko siyang makasama buong gabi, may masama ba roon?!

Agad naman siyang umiling. "H-hindi pwede, magagalit iyon. Tsaka ano naman ang gagawin kong palusot?"

"Hey, calm down! Sabihin mo na lang, gumagawa ka ng project kasama ang mga classmates mo!" ang galing ng naisip kong alibi. Ang galing, parang ako lang rin.

"Eh paano kung nalaman niya kila Whiskey na hindi naman pala?" maktol na naman niya.

"Eh 'di sabihin mo na iba ang ka-group nila. As simple as that!" sarcastic na wika ko.

Honey naman eh, ayaw mo yata akong makasama.

"Hatid mo na lang kasi ako..." pagpupumilit pa niya.

Amg kulit kulit naman eh!

"Hindi nga p'wede, gusto mo ba na ma-aksidente tayo?" go Dwight, kaya mo 'to, you need to do something para manatili siya.

"O-okay na, pwede na tayong kumain!" good, mabuti na lang at pumayag na si future mommy, kanina pa ako naglalaway sa niluto niyang adobo. Excited na akong kumain lalo pa't kasama ko siya sa hapag kainan.

"Shrimp pasta?" tanong niya habang na-e-excite pa nang buksan ko na ang naka-takip na plato sa lamesa.

"Yeah, you cooked my favorite, so I'd cooked your favorite too!" saad ko habang kumukuha na sa adobong niluto niya na favorite ko.

"Paano mo nalaman na favorite ko iyan?" mabuti na nga lang at may stock sa ref na hipon, dahil kapag nagkataon na wala, hindi ko mailuluto ang favorite food niya.

"I remembered the last time na naka-sabay ko kayo ng mom mo sa resto and that's the food na in-order mo." iniiwasan mo pa ako that time honey.

"Ah oo, iyon 'yong may kasama kang babae?" did she got jealous? Haha, confirm na mayroon pa siyang gusto sa akin. Iba talaga ang taglay kong kagwapuhan.

"Yeah, she's my cousin!" pero ang toto'y kakilala ko lang talaga iyon na nag-ta-trabaho sa kompanya namin, sinabi ko lang na pinsan ko siya para hindi siya mag-selos, at isa pa'y hindi ko type ang babaeng iyon dahil siya lang ang gusto ko't wala nang iba pa.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now