Part Thirty Three

4 1 0
                                    

Dwight's Pov

It's already 7:00 PM pero heto ako't papunta sa bahay ng honey ko. May gusto akong gawin ngayon, at 'yon ay ang i-date siya, pinangakuan ko siya na babawi ako kaya tutuparin ko ito.

When I already in front of their gate, nag-door bell na ako agad para makapasok na rin, maraming lamok, ang lalakas ng loob nilang lumapit sa akin eh hindi naman sila ang honey ko.

Tatlong beses pa ako nag-door bell bago buksan ni tita ang gate nila.

"Oh Dwight, gabing gabi na ah. Anong sadya mo?" tita naman eh, of course your daughter po.

"Ahm, tita, p'wede po bang lumabas kami ng honey ko? Kung p'wede lang po, pero kapag hindi, ayos lang rin po." Kamot ulo ko pang saad kay tita. Sana lang ay pumayag siya.

"Since nagpaalam ka, sige, pero iuwi mo siya before nine,"

"Noted po, where is she tita?" Luminga linga pa ako mula sa likuran ni tita at baka naroon lang ang honey ko.

"Nako, check mo siya sa room niya. Baka naroon lang siya at nagbabasa na naman," such a bookworm honey ko.

"Sige tita, pasok na po ako," paalam ko pa kay tita na siya na ang nagsarado ng pintuan.

Of course, bahay nila 'to kaya si tita ang magsasara, alangan namang ako. Hindi sa hindi ako gentleman, sa ganito lang kasing pagkakataon, si tita ang mas may karapatan na magsara ng gate.

Before going in front of her room, natigilan muna ako sandali sa may hagdan nang matitigan ko ang mga pictures niya noong bata pa lang siya, same as roon sa picture namin noong bata pa lang kami, ang cute cute niya sa mga pictures niyang 'to, gusto ko ngang mamuslit ng isa kaso baka naman sabihin ni tita na magnanakaw ako ng pictures.

Wala akong nagawa kung 'di ang haplusin na lang ito at ngitian ng matamis.

"Honey? Nasa loob ka ba? P'wede pumasok?" Kumatok ako sa pintuan at hinintay na pagbuksan niya ako.

"Oh, gabi na ah. Anong ginagawa mo rito?" hindi ba ako p'wedeng dumalaw sa room ng honey ko?

"Na-miss kita, pwede bang pumasok?" totoo naman, I always miss her, ewan ko rin kung bakit pero baka lang kasi nasanay ako sa presensya niya at mahal ko lang talaga siya.

"Sige, pasok ka," umalis siya sa harapan ng pintuan tsaka ako pumasok.

Her room is such a cutie, ang cute cute ng theme, tsaka ang aliwalas, ang linis pa, ang ayos ng mga gamit at malaki rin ang room niya, ang sarap tumambay rito dahil hindi masakit sa mata ang mga display at ang paligid.

Naupo na kaagad ako sa couch tsaka naman siya tumabi sa akin.

"First time ko rito, ang ganda pala ng room mo," malambing ko pang saad.

"Ikaw nga eh, mas maganda kaya iyong kwarto mo kasi may sariling kitchen," pinalagay ko lang iyon noong malaman ko na mahilig kang magluto.

"Mas maganda ka pa rin sa lahat," seryoso kong saad, kahit na ang room ko at room niya naman talaga ang topic namin. Pero totoo naman ah, she's pretty kaya, ang ganda ganda ng honey ko.

"Nambola ka na naman eh. Common, spill it, may problema ka ba kaya narito ka?" ako? May problema? No, gusto lang kitang makasama.

"Pwede ba akong matulog rito?" naka-ngising saad ko, wala akong balak na masama kasi may respeto ako sa kanya, gusto ko lang talaga siyang asarin kasi ang cute cute niya kapag napipikon siya.

"No, hindi papayag si mom," Iiling iiling na wika niya. I'm sure, napipikon na siya this time.

"Mag-date na lang tayo, please. Gusto ko lang bumawi kasi hindi ako naka-attend sa prom kagabi." Pinagdikit ko pa ang dalawang palad ko na parang nagmamakaawa sa kanya.

"Sige, hintayin mo na lang ako sa salas, bababa ako kapag nakapag-bihis na ako," mabuti na lang at pumayag siya, alam ko na mag-e-enjoy kami ngayong gabi.

"Sige, hintayin kita," ani ko bago halikan ang kanyang noo.

"Botong boto talaga sa akin si tita 'no, isang paalam ko lang kasi, pumayag na siya agad," basta hindi raw lalagpas sa nine ang balik namin sa bahay nila.

"Ang sabihin mo, may ginawa ka para pumayag siya," aniya pero parang nagbibiro lang naman yata.

Wala akong ginawa, talagang nag-paalam lang ako ng maayos kaya pumayag si tita.

"Wala ah! By the way honey hindi ka ba napagod kagabi sa prom?" I think, hindi, kasi hindi siya nakipag-sayaw sa iba, gusto ko kasi ako ang first dance niya.

"Nope, na-bored lang ako kasi wala ka," shit, bakit kapag siya ang bumabanat, parang mahuhulog na ang dibdib ko dahil sa kilig? Nanginginig na rin ang tuhod ko dahil sa kilig.

"Hey, don't be like that, hindi mo alam kung gaano mo ako napapakilig, huwag ka masyadong sweet sa akin, slight lang rapat," ani ko bago sumimsim sa in-order kong ice tea.

Kapag sweet siya masyado, halos naiihi ako dahil sa sobrang kilig kaya ayoko ngayon na maging sweet siya masyado, nasa labas kami, baka maihi ako sa pants ko, mapahiya pa kami ng honey ko, ayoko 'yon, ayokong mapagtawanan siya ng dahil sa akin.

"Sige sabi mo eh," natatawa niyang saad.

"Picture tayo?" pandagdag na rin sa ilalagay ko sa secret room ko.

"Sige," she respond kaya tinaas ko ang cellphone ko na siyang gagamitin namin sa pagkuha ng picture.

"I love you," hinding hindi ako magsasawang magsabi sayo ng I love you, mahal na mahal kita eh!

"I love you too, tandaan mo, no matter what, mamahalin pa rin kita, kahit na dumating na ang araw na maramdaman mo sa sarili mo na hindi mo na ako mahal," at saan mo na naman nakuha iyan? Iyong gayuma ay hindi totoo, pero ang pagmamahal ko sayo, totoong totoo.

May trust issue ang honey ko sa akin!

"Don't say that, imposible na dumating ang araw na sinasabi mo. I love you and I love you," ani ko bago halikan ang mga labi niya. Habang magkalapat ang mga labi namin, ramdam ko ang biglaang pagtulo ng kanyang luha. What's the problem?

"Huwag ka ng umiyak. Hindi darating ang araw na sinasabi mo, kapag nangyari ang araw na 'yon patay na ako no'n," ang sakit sa part na umiiyak ang honey ko dahil sa akin, at ang sakit sa dibdib makita siyang umiiyak mismo sa harapan ko.

"Honey, don't be sad na, look oh ma-sa-sad na rin ako," ani ko tsaka pinunasan ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. Naka-pout pa ako habang ginagawa ang bagay na iyon.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now