Part Thirty Two

5 2 0
                                    

Dwight's Pov

"Sa'n punta niyo boss? Kila Ms. Pearl?" tanong ni Lex habang buhat buhat ang mga karton na puno ng laruan at mga damit.

Balak ko sanang puntahan si Pearl ngayon kaso may schedule nga pala ako ngayon sa bahay ampunan na tinutulungan ko simula noong mamatay si dad.

"Nope, maybe tomorrow, may pupuntahan lang ako ngayon," ani ko tsaka sumakay na sa kotse.

Ako lang mag-isa, tinulungan lang ko ni Lex sa pagsakay ng mga karton.

"Ingat boss," aniya bago ko pinatakbo ang kotse.

After no'ng kagabi, hindi na ako nakatulog dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano.

My attention focused on the road pero nakuha ng cellphone ko ang atensyon ko because someone is calling, and damn it, it's mom.

"What?"

"I call you because I wanted you to know na pagka-uwi ko riyan, gusto kong makilala ang girlfriend mo,"

"Okay," no problem kasi hindi ko naman kinakahiya si Pearl.

Binabaan ko na siya ng phone dahil hindi naman mahalaga ang mga sinasabi niya. Mas mahalaga na mapuntahan ko ang mga babies ko.

After a long ride, nakarating na rin ako sa wakas, pero nang makababa ako at makapasok sa gate, parang nagkakagulo sila sa loob. O baka nama'y nagkakasiyahan lang sila sa inihanda kong party, ganoon talaga kapag schedule ng pagdalaw ko rito, I always give them a party that they deserve and also party na makapagbibigay ng kasiyahan sa kanila.

"Anong nangyayari rito at parang nagkukumpulan ang mga baby ko?" malakas na tanong ko sa kanila.

Pero ang sumagot ay ang honey ko, what are they doing here?

"Dwight?" Tumayo kaagad siya tsaka binitawan si Lyka na naka-upo kanina sa lap niya.

Alam kaya niya na pupunta ako rito? O baka naman nagkataon lang. Tadhana nga naman oo!

"Honey? Anong ginagawa niyo rito?" I suddenly asked to her.

"Nagbigay ng kaunting tulong sa mga bata,"

This girl is one of a kind, biruin mo nagbibigay rin pala siya ng tulong rito sa orphanage.

Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad na hinalikan ko ang noo niya tsaka siya niyakap ng sandali lang. Na-miss ko ang honey ko na 'to. Kahit kagabi lang kami nagkita.

"Destined nga talaga tayo, look oh, iisang orphanage pa talaga ang sinusuportahan natin," nakangiti ko pang saad.

Siguro sinadya ni tadhana na mangyari ang bagay na 'to.

"You mean, ikaw ang nag-organize nito?" parang hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, matagal ko na rin na sinusuportahan ang orphanage na ito kaya napamahal na rin ako sa mga bata," noong namatay kasi si dad, wala akong nakapitan kung 'di si Real lang, kaya naghanap ako ng mapagkaka-abalahan at itong orphanage ang napili kong tulungan.

"Ate ganda, si kuya pogi po pala ang boyfriend ninyo?" tanong ni Lyka kaya napatingin kami sa kanya.

Ang cute talaga ni Lyka, p'wede kaya namin siyang ampunin? Well, ibibigay ko sa kanya ang lahat lahat kapag na-ampon namin siya.

"Yes baby, si ate ganda ang honey ko," malambing ko naman na saad sa kanya.

"Did you miss me?" mahinang tanong ko sa kanya, mukhang tulala kasi siya at parang may mabigat na iniisip.

"Ano iyon?"

"Tinatanong ko kung okay ka lang ba. Ba't ang tahimik mo naman yata?" iyan na lang ang nasabi ko dahil gusto ko talagang malaman kung okay lang ba siya.

"Wala, may sumagi lang sa isip ko," sagot niya tsaka siya ngumiti.

Bahagya ko namang hinawakan ang kamay niya, alam kong may problema siya at ayaw niya lang sabihin sa akin.

"Pareng Dwight? Ba't may kasama kang ibang babae? Gusto mo bang isumbong kita sa crush kong si Ate
Pearl?" tumigil kang bata ka. Baka mabuking pa tayo!

"Baby? Ikaw ba iyan?" binitawan pa talaga ng honey ko ang kamay ko malapitan lang ang batang tinulungan niya no'n sa park.

"Hi Ate Pearl, ikaw po pala iyan," mukhang sasapawan pa ako ng batang ito.

"Hi baby, paano mo pala nalaman ang name ko?"

"Lagi ka po kasing na-ke-kwento ni Pareng Dwight sa akin kaya kilala ko po ang name mo. Tsaka sinabi rin niya na girlfriend ka na po niya," of course, proud ako eh na siya ang girlfriend ko.

"Ikaw si?" he's Braggy.

"Ako po si Braggy ate, kinikilig po talaga ako kapag nakikita po kita, crush kita eh," this little kid, akala ko ba nag-usap na kami na akin lang ang honey ko?

"Nako, saan na pala iyong panyo ko? Nasa iyo pa ba?" fvck, nasa akin!

"Ano po kasi..." don't say anything! Come on!

"Ehem," pagtikhim ko para senyasan si Braggy.

"Ah ate, nasa akin po, iingatan ko po iyon," nice, pinagpawisan pa ako eh marunong naman palang mag-palusot ang batang ito.

"Pareng Braggy, sinosolo mo na ang girlfriend ko, pwede ko na ba siyang kausapin?" bata pa siya pero may kasabihan na age doesn't matter!

"Oo nga Braggy, hayaan mo na sila ate at kuya, rito ka na lang sa amin," sabat naman ni Lyka na parang kinikilig pa.

Those kid, nagmana yata sa akin eh, in love!

"Sus, gusto mo lang yata na pansinin kita eh. Sorry pero kay Ate Pearl lang ako sakalam," pagtataray naman ni Braggy kay Lyka kaya natawa ang honey ko.

Ba't naman ayaw niya sa baby Lyka ko? Ang cute nila, bagay sila sa isa't isa!

I haven't try this one, ang kakanta sa harap ng maraming manonood at ka-jamming ang mahal ko. First time naming kakanta na dalawa kaya magiging memorable ang oras na ito.

"Minsan oo minsan hindi..." panimula ko habang hawak hawak ang kanyang mga kamay.

I believe in the hawak kamay supremacy kaya parati kong hinahawakan ang mga kamay niya.

"Minsan tama minsan mali..." this song is gonna be our theme song.

"Umaabante umaatras... Kilos mo'y namimintas." ako ulit.

"Kung tunay nga, ang pag-ibig mo, kaya mo bang isigaw, iparating sa mundo..." pagtuloy niya sa kanta.

"Tumingin sa 'king mata, magtapat nang nadarama, 'di gustong ika'y mawala, dahil handa akong ibigin ka, kung maging tayo, sayo na ang puso ko..." habang kumakanta ako, pinipisil ko ang kanyang kamay para ma-relieve siya kahit na paano.

I know may bumabagabag sa isip niya, ayaw niya lang sabihin sa akin kung ano, pero maiintindihan ko kung personal niyang problema at wala akong karapatan para mangialam.

I miss her so bad kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na hablutin siya palapit sa akin tsaka siya niyakap ng mahigpit, gumanti naman siya ng yakap kaya napangiti na lang ako ng tuluyan.

"Na-miss kita," bulong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Na-miss rin kita, mahal kita honey," ang sarap sa pandinig ng mga salitang iyon. Parang gusto kong gawing album at i-tressure ng pang-habang buhay.

"Mas mahal kita," ani ko tsaka hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

"Wuhoo, bagay na bagay talaga kayo," boses ni Whiskey na sinasabayan pa ng palakpak nang mga madre at ng mga babies namin.

"Totoo, endgame na ang Dwearl," cute love team name pero parang papunta na sa 'duwal'.

This girl make me crazy, lalo na kapag parati niya akong sinasabihan ng I love you.

Para sa akin, wala mang forever sa lahat ng tao o bagay rito sa ibabaw ng mundo, mananatiling infinity ang ibig sabihin ng salitang I love you!

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now