Part Twenty Four

3 2 4
                                    

Dwight's Pov

"Hindi mo ba kukunin 'tong jacket mo?" tanong niya sa akin bago kami bumaba ng kotse. Hinatid ko na siya sa kanila, baka kasi mag-alala pa ang mom niya kung gagabihin pa siya sa daan.

Tumingin naman ako sa kanya, "Sayo na, katabi mo matulog." pabiro kong saad.

"Loko," sagot niya naman tsaka siya natawa ng mahina.

Akmang bubuksan na niya ang pinto pero pinigilan ko siya, "Ako na, kailangan kong maging boyfriend material para sagutin mo ako agad." ani ko bago lumabas at tinungo ang pintuan na katabi niya para buksan iyon.

"Sus, ang rami mong alam!" natatawa niyang ani bago lumabas ng kotse.

Sa kanya lang naman ako naging joker at papunta na sa pagiging clown, actually kapag may nagpapatawa kila Kier at Real, naiinis ako, ang hindi ko lang inakala ay magiging personality ko ang personality na kinaiinisan ko.

"Syempre, dagdag points pa ang pagiging gentleman bukod sa pagiging g'wapo ko!" saad ko pa na may tono na parang nagmamayabang.

"Akala ko no'n, serious type ka, 'yon pala, mahangin ka rin!" naka-cross arm niyang sambit.

Sayo lang naman ako nagiging ganito. Sa harapan mo lang ako nagiging mahangin dahil alam ko na kahit ano pa man ang magiging flaw ko, mamahalin mo pa rin ako kahit na marami akong naging kasalanan sayo.


"Nagiging mahangin lang ako kasi tinatangay ako ng pagmamahal ko sayo." bumanat na rin ako.

Iba pala talaga ang nagagawa ng taong nagmamahal 'no? Lahat ng hindi mo alam natutuklasan mo nang dahan dahan dahil sa pag-ibig.

"Haha, ikaw talaga, sige na papasok na ako." tumalikod na siya sa akin pero hinabol ko pa siya para mayakap. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. Iyong para bang ayaw mo ng mahiwalay sa kanya kung pwede lang.

"Good night, sana mapanaginipan mo ako at sana mapanaginipan rin kita!" ani ko tsaka bumitaw na ng yakap. Hindi siya pwedeng mag-stay rito sa labas, malamig at madilim na rin ang paligid.

"Good night rin," saad niya, iyon lang? Good night lang? Wala man lang bang good night kiss?

Bahagya kong nilapit sa kanya ang aking mukha at hinalikan siya sa noo, nakapikit pa ang kanyang mga mata habang ginagawa ko ang paghalik sa kanyang noo.

"Pasok ka na honey, ayokong ma-expose ka, gusto ko sa akin ka lang ma-expose, baka kasi may makahagilap pa sa ganda mong iyan!" ani ko bago tunguhin ang aking kotse at pumasok na sa loob nito. Kumaway pa muna ako bago pinatakbo ang kotse.

Dumiretso na ako sa apartment kung saan kami madalas na tumambay ng mga gang members ko including Kier.

This day is such an memorable day, ngayon lang kami lumabas ni Pearl na  masasabi kong nag-enjoy siya. Isa iyon sa dahilan kung bakit ako nahuhulog nang nahuhulog sa kanya, ang personality niyang kahit na maliit na bagay, na-a-appreciate na niya, hindi siya maluho at hindi rin siya materialistic na tao. Masasabi mo na simpleng babae lang siya pero ang ganda ay ibang iba at walang katulad.

Ilang minuto lang ang ginugol ko bago makarating sa apartment.

In-park ko lang ng maayos ang kotse ko tsaka lumabas na roon. Sana lang ay narito si Kier ngayon para may makausap ako, ayoko munang umuwi sa bahay, gusto ko munang huminga at langhapin ang kalayaan.

Ang kanina ko pa iniisip ay kung sino ang nagsabi kay mom na may napupusuan akong babae, hindi naman siguro sila manang na nasa bahay dahil alam ko na hindi sila nag-ke-kwento ng kung anu-ano kay mom without my permission.

Malaman laman ko lang na si Jaynie, sasampalin ko talaga ng paulit ulit ang babaeng iyon. Pero kahit gaano kasama si Jaynie, may part pa rin sa akin na naaawa sa kanya dahil baka may pinagdaraanan lang siya kaya niya ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya ngayon. Maybe she had a reason on everything she did to us.

"Hi pogi," bati sa akin 'yan ng nakasalubong ko na kalahi ni Whiskey.

Hindi ko na siya pinansin dahil knowing me, may girlfriend na ako at ang pangalan ay Pearl Rian Samonte ang pinakamagandang babae sa paningin ko.

"Hey pre, kumusta?" bungad sa akin ni Kier na umiinom na naman.

Broken ba 'to?

"Umiinom ka na naman, wala bang alak sa bahay niyo?" such an patay gutom sa alak.

"Mayroon naman pero mas masarap lang ang mga alak rito. By the way, ano namang kaartehan ang ginawa mo kanina sa gym? Ang astig no'n pre,  nagayuma?" sige pagtawanan mo lang ako lasenggero.

"Wala lang 'yon. Walang basagan ng trip mokong!" Binato ko siya ng isang pirasong mani na pinupulutan niya.

"So nagkukunwari ka lang?" 'di ba halata?

"'Di ba obvious? Slow mo." Binato ko na naman siya ng isang piraso ng mani.

"Bato nang bato, mamaya maubos pa ang mani na 'yan. Inom ka na lang oh." Inabot niya sa akin ang baso kaso hindi ko tinanggap iyon.

"Pass muna, ayaw ni Pearl ng lasenggero." totoo naman, minsan narinig ko siya na kausap sila Whiskey at narinig ko na ayaw niya sa lalaki na umiinom.

"Under ka na pala ngayon pare. Mabuti na lang kay Bianca ayos lang."

"Talaga? Baka nakakalimutan mong magkaibigan iyong dalawa!" Binato ko na naman siya ng isang pirasong mani.

"Ubos na talaga ang pulutan ko dahil sayo," ani ng mokong bago niya lagukin ang isang baso ng alak.

Malakas ang tolerance ko sa alak kaso pass muna talaga ako, 'di bale ng hindi makatikim ng masarap na alak at least mahal ako ng taong mahal ko.

"Ako na hindi pa nagtatapat," imik ng mokong na mukhang nahihirapan na umamin kay Bianca.

"Ang torpe mo naman," tinawanan ko lang siya para mas lalo pa siyang mainis.

"Wow pare, sino kaya ang ilang taon ang hinintay bago naging kanya ang mahal niya?" mukhang ako ang tinutukoy ng mokong na 'to.

"At least may label na kami ngayon," nag-fvck you pa ako sa kanya. Ang lakas talaga makaasar ng Kier na 'to.

"Nagpapanggap ka naman na nagayuma, ano namang silbi no'n?" at ayaw pa talagang tumigil.

"Wala ka ng paki roon, basta mahal ko siya at mahal niya rin ako iyon lang ang mahalaga. Si Bianca nga ang atupagin mo at huwag ang honey ko." sunud-sunod ko siyang binato gamit ang pulutan niyang mani, wala na akong paki kung maubos pa iyon.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now