Part Twenty Three

4 2 3
                                    

Dwight's Pov

"Yes? What do you need from me?" sinagot ko ang telepono, tumatawag pala si mom. May problema na naman yata sila ng lalaki niya kaya napatawag na nama siya.

"Nabalitaan ko na may kinahuhumalingan ka raw na babae, make sure na magugustuhan ko ang babaeng 'yan Dwight."

"At ano namang paki mo kung may kinahuhumalingan akong babae? Tsaka sinong marites ang nagsabi sayo tungkol riyan?" at kailan pa siya nagkaroon ng paki sa akin? She's busy as always sa trabaho niya at sa lalaki niya.

"Don't talk to me like that Dwight, wala ka na talagang ginawang tama."

"Eh sinabi ko ba kasi na may ginawa akong tama sa paningin mo? Tsaka huwag mo na akong tawagan kung walang kwenta rin naman pala ang sasabihin mo." ako na mismo ang nagbaba ng tawag.

Sino ba kasing nagsabi na tawagan niya ako? Insane!

"Saan nga pala tayo pupunta?" she asked on me.

Dadalhin ko siya sa minsan ko ng na-spottan na lugar, ang ganda roon, bagay sa mga taong mahilig mag-muni muni. Badtrip ako kay mom kanina kaya gusto kong magpahangin.

"Somewhere na sigurado akong magugustuhan mo!" ani ko tsaka hinawakan ang kanyang kamay.

I don't know kung naiilang ba siya o kinikilig. Pero sana lang talaga, mapaniwala ko siya na nagayuma ako para naman ma-express ko ang nararamdaman ko sa kanya.

"Sure ka na magugustuhan ko iyon?" muli na naman niyang tanong.

"I am sure!" ani ko tsaka binuksan ang pintuan ng kotse.

Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang kanyang mukha. When I was a young, hindi talaga ako naniniwala sa salitang love, pero simula noong dumating siya sa buhay ko, napaniwala niya ako na totooang love, na ang love ay pwede sa lahat ng tao.

Pinagbuksan ko pa siya ng pintuan ng kotse kaya napansin ko na nailang siya. Hindi ko rin naman kasi ginagawa ito rati.

"We're here, ang ganda 'di ba." ani ko habang naka-ngiti. Hinawakan ko pa siya sa kanyang baywang para alalayan siya sa kanyang paglalakad.

Gilid ito ng bangin kaya ingat ingat rin dahil baka mahulog ka kapag hindi ka nag-ingat rito. Kitang kita mo rito ang ganda ng mga bituin, ang sarap mag star gazing rito kasama ang taong mahal mo. Kagaya ng gagawin namin ngayon ni Honey ko.

"Ba't mo naman ako dinala rito?" taka niyang tanong habang nakatingala sa langit.

"Wala lang, nadaanan ko kasi 'to last time and sabi ko sa sarili ko, kapag nahanap ko na ang the one ko, dadalhin ko siya rito. Which is nangyari na kasi nadala na kita rito." ani ko bago ngumiti sa kanya.

Totoo iyon, isinigaw ko pa nga eh, parang baliw ako that time na isinigaw ko ang pangalan niya.

"One day, madadala rin kita rito Pearl, honey ko, pangako iyan!"

I saw that she letting out a heavy sigh, "Dwight? Naniniwala ka ba sa mga love spell?" todas, baka may masabi pa akong masama at magiging dahilan na ma-caught niya na nagpapanggap lang ako.

"Love spell? You mean gayuma?" pag-ka-klaro ko sa tanong niya. Pero alibi ko lang iyan para hindi niya mahalata na parang may kakaiba sa akin.

"Yeah," tipid na sagot niya habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

"Sa TV lang 'yan nangyayari!" natawa pa ako ng bahagya. Totoo naman, sa TV lang kaya may mga nagagayuma.

Ayokong magsinungaling, pero dahil sa sangalan ng pag-ibig, handa akong mag-sinungaling ng paulit-ulit.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now