Part Thirteen

7 4 6
                                    

Dwight's Pov

"Pwede ba akong mag-tanong sayo?" she asked on me.

"You're already asking!" tugon ko naman habang nagbabasa ng kung ano.

Bookworm rin ako kagaya niya kaya we're suit with each other talaga.

"Ilang taon ka na sa pagiging leader ng gang ninyo?" she's still curious about that gang issue.

Pero okay na rin na mag-tanong siya sa akin kaysa naman kay Kier pa siya mag-tanong, knowing that guy, mali mali ang mga kinu-kwento niya.

Nasa kama nga pala ako habang siya nama'y nasa couch, pero maya't maya rin kapag nakatulog na siya, bubuhatin ko siya at ilalapag rito sa kama tapos ako na ang mahihiga sa couch. Kung siya kasi ang guest rito sa bahay, hindi uso ang guest room. Aanhin mo naman ang guest room kung pwede naman siya rito sa kwarto ko.

"Matagal na ang DCG!" iyan lang muna ang isinagot ko sa kaniya dahil sure naman ako na may kasunod pa ang mga tanong niya. Siya pa ba, eh ang cute kaya niya kapag nagiging madaldal siya.

"DCG?" tignan mo, I told you!

"Yeah, Dwight Cheon Group!" iyan ang ipinangalan ko nang maging tanga ang dating lider ng grupo namin. Paano nga ba't girlfriend pala niya si Jaynie na kalaban ng mismong gang namin. Malas lang talaga niya at nahuli ko siya, ayon tuloy, ako na ang naging lider. And I liked it kasi mas naging malakas pa ang pinanghahawakan ko sa ginagawa kong pag-protekta sa babaeng mahal ko.

"Ang astig... Pero teka nga lang, eh kung member ka pala ng gang, bakit hindi ka napapa-talsik sa pagiging SSG president mo?" kasi may alas ako na hindi nila basta basta makukuha sa akin, baka sila pa ang patalsikin ko.

"And how did you know about that fvcking rule?" naka-poker face na tanong ko sa kaniya.

I am sure na kay Kier na naman galing ang tsismis na 'yan. Isa talaga siyang marites, kalalaking tao!

"Bawal mag-mura..." saway naman niya sa akin. Hindi naman ako nag-mumura ah, expression ko lang talaga ang fvcking!

"Tell me, sino ang nag-sabi sayo niyan?" I need to confirm lang kung si Kier nga ba talaga. Hindi ako galit!

"Kier..."

"That man, napaka-daldal. Parang hindi lalaki kung umasta." I whispered na mukhang narinig naman niya.

"Bakit ano ba ang mayroon sa rule na iyon at ayaw mong sabihin sa akin?" naniningkit pa ang kaniyang mga mata habang nagtatanong sa akin. And I found she's cute sa ginagawa niyang iyan.

Ganoon ba talaga kapag nagmamahal tayo? Kahit na anong gawin ng minamahal natin, natutuwa pa rin tayo sa kanila, napapasaya pa rin nila tayo kahit na nagiging madaldal na sila at nang-uusisa. Ganoon kasi ako kay Pearl eh, iyong tipo na halos bumigay na ako sa pagpapanggap ko, iyong tipong gusto ko nang aminin sa kaniya ang lahat. Pero syempre, may tamang panahon para riyan. Huwag muna sa ngayon.

"Nothing!" inis na saad ko bago tumalikod sa kaniya. Pero syempre, kinikilig lang ako ngayon kaya tumalikod ako.

"Sabi kasi ni Kier, may valid reason daw rapat para hindi ka mapa-talsik sa pwesto mo sa SSG, iyan daw ang rule ninyo. Kaya ka siguro hindi napapa-talsik kasi may valid reason ka." yeah to protect you, pero kagaya nga ng sabi ko, may isa akong alas na hinding hindi nila mabubuwag nang basta basta.

"Kailan ka kaya nag-umpisang sumali sa gang? Anong grade ka at bakit ka kaya sumali? Siguro napaka-imporatante ng rason mo kung bakit ka nag-join. Marami pa sana akong gustong itanong sayo, kaso mukhang hindi mo na masasagot iyon kasi tulog ka na, good night Dwight!" when I found out na ikaw ang first crush ko roon ako sumali sa gang, noong mga panahon na kailangan kitang protektahan.

"I started to join gang group when i was in grade 9, member pa lang ako noon, hindi ako iyong rating leader, may mas nauna pa sa akin, and that leader is a fvcking traitor so, pinalitan ko siya sa kaniyang pwesto... and now, kalaban ko na ang grupo ng gagong iyon, I joined because i have a mission, may isang tao na nangangailangan ng proteksyon ko. And that person is very important to me. I am willing to sacrifice my own happiness just to save that person. And lastly, I love that person kahit na hindi kami okay sa isa't isa." and that's you honey, ikaw lang at wala ng iba.

Dahil nga sa nakatalikod ako sa kaniya, nagkunwari akong tulog nang marinig ko ang mga foot steps niya na parang palapit sa akin.

"That girl... Si Jaynie, importante nga talaga siya sayo. Ang swerte niya kasi mayroon ka, kita mo nga oh, sumali ka pa talaga sa gang para lang ma-protektahan siya. Ikaw ang pinapangarap ko na lalaki, kaso iba naman ang hangad mo, kailan kaya mag-tatagpo ang ating mga puso? Kasi sa panaginip ko lang madalas na maramdaman iyon. You are the man of my dreams, and I can't replace Jaynie in your heart. After ng gabing ito, pangako, titigilan na kita, and actually that's my original plan kahit na hindi nangyari ang gabing ito. Mahal kita pero hindi ko na kaya, mahal mo si Jaynie kaya pagbibigyan kita. Malaya ka na Dwight, wala ng Pearl na maghahabol sayo!" no, hindi si Jaynie ang dahilan kung bakit ako sumali sa gang, it's because of you, only you. At isa pa, she's not the one I love, ikaw ang babaeng hinahangad ko and please huwag mo akong layuan dahil gusto ko na lapitan mo ako parati, kapag sinabi ko na shut up, mag-ingay ka lang hangga't gusto mo. Kapag sinabi kong lumayo ka sa akin, that's the sign na lapitan mo pa ako lalo, please, don't give up! After that long said, hinalikan niya ang isa kong pisngi, "Ang g'wapo mo talaga, kaya ka nagustuhan ni Miss Jaynie kasi ang amo ng mukha mo. Ngayo'y tinatapos ko na ang four years na pagpapantasya ko sayo. This will be the last time na ako mismo ang lalapit sayo. I love you Dwight, kahit na hindi mo naman ako mahal!" you're wrong, ikaw lang ang mahal ko. Sa lahat ng pagkakamali mo, iyan lang ang pinaka-biggest mistake mo, ang sinasabi mo na si Jaynie ang gusto ko.
Ramdam ko pa ang bahagyang pag-yakap niya sa akin. At ang sarap no'n sa pakiramdam.

"I love you Dwight kahit na si Jaynie naman ang love mo!" iyan ang last word na sinabi niya bago siya tuluyang makatulog.

Nang masigurado ko na tulog na talaga siya, tumayo ako sa aking pagkakahiga at tumungo sa couch kung saan siya nakahiga. Napahinto ako ng bahagya nang mapagmasdan ang kaniyang maamo at magandang mukha. She look so innocent habang natutulog, ito ang babae na matagal ko nang hinihintay.

"Mali ka sa sinasabi mo na si Jaynie ang mahal ko. You're so wrong sa sinasabi mo na hindi kita mahal. Alam mo ba, ang rami mo ng nakalimutan dahil sa trauma na inabot mo kila Jaynie, kaya nga ako na ang bahala na gumawa ng paraan para managot sila nang mga kasama niya sa ginawa nila sayo. Ang unang pagtatagpo natin sa mall ay nakalimutan mo. Pero willing ako na ipa-alala sayo ang lahat ng iyon sa tamang panahon. Ngayon, tiis tiis na lang muna honey ko!" pagkatapos kong bitawan ang mga katagang iyan ay marahan kong hinalikan ang kaniyang mga labi. Pero nang mapagtanto ko na baka magising siya, agad ko siyang binuhat at dahan dahan dahan na dinala sa kama para mas maging komportable ang tulog niya.

Bago ko pa siya tuluyang iwan sa kama, hinalikan ko muna ang kaniyang noo habang mahimbing pa rin ang tulog niya.

"Sleep well honey ko. Sweet breakfast is on the house tomorrow!" mahinang sambit ko bago tumungo sa couch para roon na mahiga, mas mainam na ako ang mahiga rito kaysa siya.
Tsaka ako humilata at ipinikit ang mga mata nang may ngiti sa labi.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя