Part Ten

3 4 0
                                    

Dwight's Pov

I've been busy thinking a plan kung paano ko makukuha ulit ang kaniyang loob, pero kahit na busy ako, hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya.

Bago siya umuwi, sinundan ko siya papunta sa kanilang bahay, pero syempre, hindi niya iyon nahalata dahil maingat ang ginawa kong pag-sunod sa kaniya.

Nag-hintay lang ako saglit sa harapan nang bahay nila at nang makita ko siyang palabas, nagtago ako sa may pader nang side ng bahay nila.

I continue following her hangga't sa makarating kami sa isang bakery shop at nakita ko siyang bumili nang cake.

Ang cute, around 7:00 PM na pero nag-crave pa rin siya sa cake. Hindi talaga siya natatakot na tumaba. That's my girl, walang ka-arte arte!

Nakita ko pa siya na kumakaway kaway sa mga taxi para sana sumakay pero salamat at walang kahit na isang kumuha sa kaniya para pasakayin sa taxi, mabuti na lang at wala kamo, dahil kung nagkataon na meron, hindi ko maisasagawa ang balak ko.

"Ano ba 'yan, wala pa pala akong load." napapangiti na lang ako nang marinig na wala siyang load. Ang rami niyang barya pero wala siyang load! Cute!

This is the right time para isagawa ang plano.

"Pumwesto na kayo, subukan niyo lang akong puruhan, I will kill you all!" pagbabanta ko sa mga binayaran ko para bugbugin ako, "Oh iyong mga script, huwag niyong kalimutan!" naisip ko 'tong gawin ngayon para lambingin siya. Para maiuwi ko siya sa bahay at para kahit na isang gabi lang ay maipadama ko sa kaniya ang nararamdaman ko.

"Yes boss!" ani naman nila tsaka ako humiga sa kalsada at nang makita na nanonood na siya, pinagsisipa na ako ng mga taong binayaran ko. Pero syempre, hindi masakit ang sipa nila, props lang eh. Kapag nasaktan ako, ibabalik ko rin sa kanila ang sakit na naranasan ko.

This time, natutuwa na ako sa nangyayari dahil nagtago siya sa may pader. Ang galing ko talagang umakting!

"Don't fvcking touch my Girl, or else you will regret!" nasa script na ginawa ko 'yan kaya iyan ang sinabi ko. And besides, mas kapani-paniwala ang linyahang iyan.

"Regret daw? Haha gago ka ba? Paano na lang kung patayin ka namin ngayon? O iyong babaeng tinutukoy mo na lang? Bilang kabayaran sa pangga-gago niyo sa amin, lahat ng kasamahan mo sa gang?!" gago rin kayo, swerte niyo at kailangan ko kayo, dahil kung hindi, pagsasapakin ko kayo riyan.

'Di bale nang malaman niya na kabilang ako sa gang, basta ang importante, maiuwi kita ngayong gabi honey ko.

This time, sure ako na nag-o-over think na siya.

Kita ko na akma siyang tatalikod kaya natakot ako na baka umalis siya at hindi mangyari ang gusto kong mangyari.

"Don't fvcking touch her, or else you will see the real face of hell!" that's the second line sa script na ginawa ko.

Nagtawanan lang ang mga gunggong na 'to na bahagi nang akting bago nila ako sipain isa-isa at tsaka sila umalis. Syempre, aalis na sila, bayad na eh!

Ang gagawin ko na lang ngayon ay hintayin siyang lumapit sa akin.

Dumaing ako at umarte na parang nasasaktan kaya napalapit ko siya. Iba talaga ang kagwapuhang Dwight, hindi natitiis ni honey my love so sweet.

"Dwight? Tara na iuwi na kita sa bahay niyo, saan ba ang bahay ninyo?" this is exactly what I want.

Ikaw ang iuuwi ko at hindi ako ang iuuwi mo!

"P-pearl? Did you heard something?" malumanay na tanong ko sa kaniya. At this point, malaya ko na siyang natititigan, malaya ko nang naamoy ang pabango niya na kapag naamoy mo parang hindi mo na maalis ang pang-amoy mo roon.

Natahimik naman siya saglit bago sumagot sa akin, "Hindi na mahalaga kung ano ang narinig ko. Ang mahalaga, maiuwi kita sa inyo, kailangan mong magpa-hinga!" confirmed, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya sa akin. She still cares about me!

"Sino ba ang mga iyon? Gusto mo bang i-report sila sa mga police? Bawal kasi iyong ginawa nila sayo eh!" oh my fvck, hindi pwede, ako ang mananagot riyan sa iniisip mo honey eh!

Kapwa naka-upo na kami ngayon sa gilid ng kalsada, pinag-pahinga niya muna ako bago namin puntahan ang kotse ko na iniwan ko 'di kalayuan rito.

"No need, baka matiktikan pa nila ang mga kasamahan ko, okay lang na mabugbog ako, huwag lang sila!" that's part of my acting skills, galing ko 'no! Bukod sa g'wapo, pang-artistahin pa!

"Okay ka na?" tanong niya habang pinupunasan ko ang gilid nang labi ko na pumutok. Pero hindi iyan gawa nang mga taong kinuha ko. Ginawa ko na 'yan kanina pa lang na nasa loob ako ng kotse ko. Hindi naman kasi kapani-paniwala kapag lipstick ang nilagay ko.

"Yeah, cause your here beside me!" wala naman sigurong masama kung maging sweet ako sa kaniya ngayon, wala namang peste na naka-tingin at naka-bantay sa paligid, hindi nila kami nasundan dahil wala akong nakikita na matang naka-kalat sa paligid.

Walang basher na kokontra sa pagmamahalan namin ng honey ko ngayong gabi!

Ngayong gabi, babalik ang nararamdaman mo sa akin honey ko. Sinusigurado ko 'yan sayo!

I will do everything just to make sure na ako lang ang endgame mo, hindi si Real at mas lalong hindi si Kier!

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now