Part Twenty Nine

3 2 0
                                    

Dwight's Pov

I am here ngayon sa bahay ng honey ko. Pero hindi pa ako nag-do-door bell dahil gusto ko munang tawagan si Lex, I need to know kung pumayag ba si Jaynie o hindi.

"Hello Lex? So what now, anong update?"

"Hello boss, wala pa silang sagot eh, kailangan pa raw nilang pag-isipan," talagang hinahamon yata ako ng babaeng 'yon. Gusto ba niyang ubusin ko ang mga tao niya?

"Okay, update me kaagad kapag may sagot na sila,"

"Yes boss, I will," ibinaba ko na ang tawag at nag-door bell na.

Ilang segundo lang ang hinintay ko at may lumabas na rin para pagbuksan ako, at iyon ay ang magiging mother in law ko.

"Good morning po tita, nariyan po ba si Pearl?" pauna kong tanong kay tita.

"Oo, nariyan pa, nasa lamesa kumakain," naglakad na kami ni tita papasok ng bahay nila.

"Ang aga manligaw," ani pa ni tita na hindi talaga nakaligtas sa pandinig ko.

"Tara pasok ka," napatingin sa direksyon namin ang honey ko na kasalukuyan ng nasa lamesa.

"Naabala ko po ba kayo Tita?" I suddenly asked.

Actually, sinadya ko talaga na pumunta ng ganito kaaga sa bahay nila para makikain, don't get me wrong, gusto ko lang may kasabay na kumain, wala kasi akong kasamang kumain sa bahay.

"Hindi naman," ani ni tita at pinaghila pa ako ng upuan. Napaka-caring ng soon mother in law ko.

"Good morning honey," bati ko kay honey na nasa tabi ko lang.

"Honey? At kailan pa naging honey ang pangalan ng anak ko?" tanong ni tita habang nakanunot ang noo, hindi pa ba niya alam?

Natawa ako ng mahina, "Tita, pwede ko po bang i-date ang anak niyo mamaya?" nilakasan ko lang talaga ang loob ko para itanong ang bagay na iyan.

"Bakit kayo na ba?" I was right, hindi pa niya alam. Ganoon ba ako kapangit para itago? Damn, honey naman eh!

"Honey, hindi mo pa ba sinasabi kay tita?" we need to tell everything about us now kay tita.

Umiling siya kaya umiwas ako ng tingin at dumako kay tita ang aking mga mata.

"Kami na mom," nahihiyang sambit niya. Don't be shy honey.

"Tita, kami na po ng anak niyo," ani ko naman at halos magkasabay lang kami sa pag-amin kay tita.

"Ayan ang gusto ko, iyong umaamin at hindi iyong naglilihim, sige pinapayagan kitang i-date ang anak ko, pero date muna huh," ang cool talaga ng soon mother in law ko.

Simula't sapul, akala ko talaga team Real siya kasi simula noong nagpunta ako rito, si Real lang ang bukambibig niya.

"Mauna ka na muna sa kotse, kakausapin ko lang saglit si mom," utos niya kaya tumango na lang ako at nauna ng lumabas ng bahay.

Ano naman kaya ang pag-uusapan nila? Pero hindi pwede na pakinggan ko iyon, it's private, alam ko pa rin naman ang salitang privacy.

"May laro daw kayo mamaya?" she asked me habang naglalakad kami.

"Yes, i-cheer mo ako mamaya ah," ayoko na muling i-cheer na naman niya ay si Real. Ghad damn it, selos na selos ako when she did that.

"Oo, kami nila Whiskey," good to know na may tiwala na sa akin sila Whiskey. Hindi na katulad ng rati na inis na inis sila sa akin ni Bianca. Of course, kailangan ko rin kuhanin ang loob ng mga kaibigan ng honey ko, dagdag pogi points pa iyon.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now