Part Six

3 4 0
                                    

Dwight's Pov

Ang sakit sa part na itanggi niya na hindi niya ako kilala, o baka naman may reason siya kung bakit niya ako tinatanggi. Or maybe, nagseselos siya?! Ano? Rapat na ba akong mag-saya kasi nagseselos siya? Ibig sabihin ba nito'y may gusto pa rin siya sa akin?!

Hey, honey, you don't need to get jealous, this girl is just a kakilala and wala siyang lugar sa buhay ko.

Ngayo'y nararamdaman ko na kung gaano kasakit ang ma-dedma, nararanasan ko na ang mga pinaparanas niya sa akin.

"Mom, cr lang po ako ah, i'll be back po later." dahil nga sa malapit lang sila ni Tita mula sa table namin. Rinig ko ang paalam niya na mag-c-cr lang raw muna siya.

Alam kong mali na sundan siya pero ginawa ko pa rin. Ba't ba? Eh wala naman akong gagawing masama.

"Hay, self, ikalma mo, walang kayo ng lalaking 'yon kaya wala kang karapatan na mag-selos. Huwag kang tanga Pearl!" umiihi siya pero nagsasalita? Pero parang ang cute niya sa part na iyon. And okay lang naman sa akin kung nagseselos siya, dahil isa lang ang ibig-sabihin niyon, na mahal niya pa rin ako, at hindi nagbago ang nararamdaman niya para sa akin.

Lumabas siya ng cubicle pero napaatras siya sa saradong pintuan ng i-corner ko siya roon. Baliw na ako sa ginagawa kong 'to.

"Ano ba ang problema mo? Huh?" she's mad at me, I'm deadly sure by that

"Pearl naman, are you mad at me?" tanong ko bago umiwas ng tingin.

"How dare you to call me Pearl. Wala ka bang galang? Call me, Ms. Samonte!" ma-awtoridad na tanong at utos niya sa akin.

She's different now from the Pearl na parating nakangiti. Parang sasakmalin na niya ako anytime, halata mo sa mukha niya na galit siya sa akin.

"I am sorry Ms. Samonte." I said bago lumabas ng Cr.

Wala akong magagawa kung galit siya sa akin, although I deserve all of her hate.

Lumabas ako ngayon para mag-grocery, pero pagkarating ko naman sa grocery store, hindi ko in-expect ang makikita ko.

Akmang dadamputin ko na sana ang red egg nang may humawak rin dito.

"Ah, sorry po Kuya, ako po ang nauna rito eh." her voice... And hindi nga ako nagkakamali dahil siya nga iyon at dahil naka-sumbrero ako, siguro'y hindi niya ako nakilala.

"I am so sorry Ms. sa inyo na lang po iyan." sana pala hindi na lang ako nag-salita, nabosesan pa niya tuloy ako.

Actually, ayoko na munang magpakita sa kaniya dahil nga sa puro na lang sakit ang dinaranas niya kapag nagtatagpo kami. Iisipin ko na lang na mag-on na kami at parang may LQ lang sa pagitan namin.

"President Cheon?"

"I have to go!" wika ko tsaka ko siya tinalikuran paalis.

Sorry, intindihin mo muna ako, babawi ako sooner or later!

Nakaramdam ako ng kakaibang gutom kaya napagpasyahan ko na lang na mag-hanap ng restaurant na kakainan. At napunta nga ako sa restaurant na 'to, ang sarap tumambay rito kasi may library pa. Pagkatapos kong kumain, naglibot libot muna ako sa may mga libro pero natigilan ako ng may marinig akong mga pamilyar na mga boses, at tama nga ako kasi sila iyon.

Muntikan ko nang makalimutan na bookworm pala ang babaeng nagustuhan ko kaya tiyak na bibili siya ng maraming libro sa library na ito.

Nakita ko pang sumilip siya sa may butas ng shelf pero buti na lang at hindi niya ako nakilala dahil na rin sa cap na suot ko.

I find myself smiling nang makita na nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga libro na nasa harapan niya.

Early in the morning, pumasok na ako sa school, ayoko na na-le-late, hindi ko gawain ang bagay na iyon.

Nag-iisa lang ako rito sa office nang biglang pumasok ang isa sa mga guards nitong school.

"What's the matter?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Ah PDC, may naghahanap po sa inyo sa labas, asawa daw po ng mommy niyo. Tatay niyo po ba 'yon?" usisero ang guard na 'to, ipatanggal ko kaya siya, kita niya.

"It's none of you're business, labas, at pakisabi na ayoko siyang makita." hindi ko siya binabastos ng ganito kung hindi nila binabastos ang ama kong nasa hukay na.

"Good afternoon dear student's, I would like to tell you that our secretary is leaving her position. So that, kailangan natin ng bagong secretary. May napili na ako, and you don't have to worry about this kasi I can handle naman." I said habang naka-poker face.

"Alam ko na may mga nagtatanong sa inyo kung sino siya, pero bukas ko pa sasabihin, bukas pa namin i-a-announce. May tanong ba kayo?" at walang aangal kung ang honey ko ang ilagay ko sa pwesto.

Sabi ko naman eh, I can do all things na makakapagpabuti sa honey ko. A big question kung bakit umalis ang dating secretary, isa lang ang rason, binayaran ko siya para lumayo na rito at makapag-aral sa gusto niyang pasukan na paraalan. So that my honey replaced her in her position as SSG secretary.

"Yes you? What is it?" tanong ko sa babaeng nagtaas ng kamay.

"President Cheon, mapagkakatiwalaan ba ang napili ninyo? Kasi kung hindi, pwede naman po tayong mag-sagawa ng election tungkol riyan." how dare you, mukha bang hindi mapagkakatiwalaan ang honey ko? She's better than you babae!

"No need, kung may tiwala kayo sa akin, rapat magkaroon rin kayo ng tiwala sa kaniya." kasabay no'n ay nag-tagpo ang mata naming dalawa. Sinadya ko rin iyon, to give her a clue, a blind item para mas ma-curious pa siya. I also smile to her kaya hindi na niya maalis ang tingin niya sa akin.

"By the way, meron pa ba? May tanong pa kayo?" ang raming gustong mag-tanong at puros babae pa. Damn, insane!

Tinanguan ko ang isang estudyante na katulad ng friend ni honey ko, malambot!

Parang kinilig naman ang bakla sa ginawa kong pag-tango. May pa-ngiti ngiti pang nalalaman, ghad damn it!

"Eh, bakit nga po ba siya ang napili ninyo? May nangyari po bang interview?"

"Nice question..."Panimula ko, "Ganito kasi, humingi siya ng favor sa akin, kaya ngayon, ako naman ang hihingi ng favor sa kaniya. Trust me, deserve niya ang posisyon kasi mas iniisip niya ang kapakanan ng iba kahit na masaktan pa siya. Sabihin na lang natin na isa siyang selfless person." after that, iniwan ko na sila sa gym, I can't take this anymore, excited na akong makasama siya sa SSG office!

This is the right time to pursue my feelings to her!

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now